Chapter 1

51 4 0
                                    

Magkaklase kami ni Bryan kaya't halos araw-araw kaming nagkikita at nagkakasama. Maayos rin ang performance naming dalawa sa school. Oo, magkaibigan kami, bestfriend pa nga turing nya sakin eh. Si Bryan yung tipo ng lalaki na kinababaliwan ng mga kababaihan, Campus crush nga daw tawag sa kanya sa university namin eh. Di ko rin naman sila masisisi, talaga namang ang gwapo ni Bryan, mabait pa, matalino, chaka magaling kumanta, eh daig nya pa siguro ang kanta ni Daniel Padilla na Nasa 'yo na ang Lahat eh. Sa sobrang close naming dalawa, baka nga siguro kapatid na turing nya sakin, *wag naman sana. If I may add, 4 years palang kaming magkakilala ni Bryan. Transferee ako nun sa East Lake University, wala ako gaanong kaibigan kasi di pa'ko nakakapag salita ng tagalong nun. Galing kasi kami sa Australia, dun nako lumaki at nagka isip. Lumipat kami rito sa kagustuhan narin nina mommy at daddy. Si Bryan ang naging una kong kaibigan dito, ang saya-saya ko nga eh nung nalaman kong halos magkapitbahay lang pala kami.

Nung nag 15 ako, dun ko lang naintindihan kung bakit ganoon nalang ang nararamdaman ko kai Bryan, mahal ko pala sya. Mahal ko pala si Bryan.

Tuwing may pasok ay dadaanan lang ako ni Bryan sa bahay kasi ilang kanto lang naman din ang pagitan ng bahay naming dalawa. Sweet no? *Pagbigyan nyo n'ko.

Once Upon My WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon