chapter 11

21 2 0
                                    

Parang ang tagal naprosesa sa utak ko ang lahat.

Bryan Ken Lim? Lintik. Oo nga pala! Isang tanyag na author na nga pala si Bryan ngayon.

"Miss, excuse me", tawag ko sa babaeng may hawak ng libro na ngayon ay papaakyat na ng hagdan patungong hotel room nya.

"Yes? Bakit?" tanong nya sakin na halatang nagulat sa pagtawag ko sa kanya.

"Well, uhm, that book you're holding .. si Bryan Lim ba nagsulat nyan?" Jeez what was I thinking. I saw it clearly na kai Bryan nga yung libro na yun yet I was there, talking to a stranger asking her if it was Bryan's book. Have I gone insane?

"Ahh, eto? Oo. Paborito ko kasi sya eh. Ang ganda ng mga nasusulat nya. Gusto mo hiramin?" tugon ng babae habang inaabot yung libro sakin.

Syempre gusto kong mabasa ang sinulat ni Bryan, pero parang di ko pa ata kaya sa ngayon eh, chaka nakaka hiya naman sa babae no. "Ah hindi na. Bibili nalang ako ng akin bukas." sagot ko sa kanyang nakangiti. "I'm Abby by the way, dito ka rin sa hotel nag s'stay?"

"Abby? Cool. Magkapangalan kayo ng character sa libro. Oo dito rin ako nag sstay. I'm Nicole nga pala. Oh shah, mauna na 'ko ha? Sigurado kang di mo hihiramin tong libro? Tapos na naman ako eh."

"Hindi okay lang. Salamat nalang." pangiti kong sabi kai Nicole.

Umakyat na nga sya patungo sa room nya and I was there, standing in the middle of the lobby like a total retard trying to gather my thoughts.

Abby? Abby rin yung pangalan ng character sa libro? Lalo akong na curious kung tungkol san yung libro nya. Bakit kapangalan ko ang character?

Bumalik na 'ko sa room ko matapos kong ubusin ang cappucino, mas lalo tuloy akong di makatulog. Di ako mapakali, though I was aware na dapat di ko na to pinag aaksayahan ng oras. What could the book be about?

Sinubukan kong tawagan si Sai, alam kong dis-oras na ng gabi pero di talaga ako mapakali eh.

Matapos ng ilang ring ay sinagot na nya ..

"Abby?" halatang nagising ko si Sai.

"Sorry sa distorbo Sai, but, bago tayo mag outing bukas pwede mo ba 'kong samahan muna sa mga bookstores dito? May bibilhin lang ako."

"Wait a minute, this is about Bryan's book isn't it?"

"Basta, samahan mo nalang ako, okey?"

"Alright, get some rest now Abby", ramdam ko ang pag aalala sa boses ni Sai. "Be there first thing in the morning."

"Sige, pasensya sa abala ha. Goodnight."

I felt relieved to know I could still count on them. Makalipas ang ilang minuto, I finally fell into a deep sleep.

Kinabukasan ay nandun na nga si Sai sa hotel. Ginising nya 'ko ng sa ganun ay makaalis na kami.

I took a shower and then we took off, ni hindi ko nga alam bat ko pa to ginagawa. Sa pagkakaalam ko, ayoko ng gumawa ng kahit anong makapag papaalala sakin sa kung anong meron kami ni Bryan noon.

When we got to the first bookstore, nagtanong agad ako sa attendant nila.

"Excuse me Miss, asan yung section ng mga libro ni Byan Lim dito?"

"Naku sorry po ma'am. Out of stock po lahat eh, andami po kasing bumibili."

Di ako nawalan ng pag-asa kasi alam kong andami pa namang bookstores na pwede kong puntahan.

"Sai, tara sa kabilang bookstore." tawag ko kai Sai mula sa kabilang bookshelf lane.

"Tara, ah chaka Abby, nag text na nga pala sina Harry, ready nadaw sila."

Once Upon My WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon