chapter 2

33 2 0
                                    

Haay, it's a new day. I tried to convince myself na okay lang ang lahat, kahit alam ko na hindi talaga. Nakapag pasya na rin akong umiwas at lumayo na muna kai Bryan, alam kong ang hirap gawin nun kasi nga magkasama kami araw-araw at sanay na rin ako na magkasama kami pero kailangan ko talaga gawin yun eh. Pag di ako lumayo sa kanya mas mahihirapan lang ako, pano ba naman kasi, yung kaisa-isang lalaking minamahal ko iba yung mahal.

"Abby, breakfast is ready." Tawag ni yaya sa baba.

"Yes po, coming," sagot ko habang tumatayo sa kinahihigaan, palabas na sana ako ng kwarto when something caught my attention, yung naka frame na picture namin ni Bryan, masayang-masaya kami dun sa picture, kita mo talaga sa ngiti at sa mga mata namin. Kinuha ko yung frame at pinagmasdan ng ilang segundo, napangiti ako nang maisip ko na ang swerte ko pala kahit papano kai Bryan. Pero bigla nalang akong nanghinayang nung naisip ko na hindi na kailanman mababalik yung dating kami. And since I have to teach myself na tanggapin ang katotohanan, kinuha ko ang picture namin sa frame at pinalitan ko ng picture ko galing sa isa sa mga photoshoots ko. Mabuti narin yun, so I wouldn't be reminded with all those priceless moments we shared together that we would never experience again.

Once Upon My WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon