Totoo nga pala talaga. After every goodbye is another Hi. Tandang tanda ko pa ang kahuli-hulihang sinabi ko kai Bryan apat na taon ng nakakalipas. Di ko talaga inaakalang magkikita ulit kami ng ganito. Ang dami ng nagbago sa kanya, sya parin naman yung tipong pinagkakaguluhan ng mga babae pero iba na eh, ibang iba na sya sa Bryan nuun, yung Bryan na makulit, pilyo at maangas, yung Bryan na minahal ko. Medyo pumayat lang sya, mukhang mahina, pero andjan parin talaga yung taglay nyang charm.
"Ehem!"
I was snapped out of my thoughts when Lee made an awkward sound.
"Hi Bryan," mahinang sabi ko sa kanya. This is actually the first time in a long time na muli ko syang naka usap.
"Take a seat bro."
Sadya pa talagang sa harap ko sya mismo pina upo.
"How was Tagaytay Bry?" tanong ni Sai kai Bryan pagka upo nya.
"Okay lang naman, I needed that getaway. Sobrang stress eh."
"Sino ba namang hindi mastre-stress eh kabi-kabila yata yung mga guesting mo. Ibang klase na talaga tong kaibigan natin oh." Sabi ni Brandon sabay akbay kai Bryan.
Hindi ko naman alam kung paano sumingit sa usapan nila at kumustahin si Bryan kayat nakinig nalang ako sa kanila.
"Hindi, hindi naman ako makakagawa ng mga ganung libro kung wala akong inspirasyon eh." Sabi ni Bryan habang ngumingiting nakatingin sakin. Ilang segundo rin kaming nagka titigan, there was like something in his his eyes that drowned me so bad with memories of us. "Ikaw Abby? Kumusta ka na?"
"Ha? Ako? Ah eh, I'm doing good actually. Nandito ako for work." Pautal-utal kong sagot sa kanya.
"I missed you" biglang sabi ni Bryan. Ang lalim ng mga tingin nya, parang mai kung anong humihila sakin galing sa mga tingin nya. Hindi ako naka imik, nakatitig lang ako sa mga mata nya. It was like for just a split of seconds, I've seen our whole story together. Its something that's pulling me back and wanting me to go back to the past and see what we might have been.
"Uhm since kompleto na naman tayo eh umorder na tayo't ako'y nagugutom na." Biglang singit Brandon, thank goodness he did that. Naghiwalay kami ng tingin ni Bryan and we didn't talk nor look at each other again, not even once, in the entire duration of the meal.
---
"Bat di nyo naman sinabi sakin na darating pala si Bryan?" tanong ko kina Sai nung palabas na kami ng resto. Napagdesisyonan naming mauna na ng uwi sa iba sa dahilan kong mai iba pa raw akong pupuntahan.
"Why? We didn't think it was that of a big deal. And besides, he's part of the group."
Oo nga naman. Tama nga naman sila, di big deal ang pagkikita namin ulit ni Bryan. One way or the other magkikita't magkikita rin naman kami lalo na't mapapatagal ang stay namin ni Adrian dito sa Pinas, dito kasi gaganapin ang wedding namin eh. Mabuti na nga lang at hindi halata ang ilang sa pagitan namin ni Bryan kanina, well atleast I hope not.
Di parin talaga ako lubos makapaniwala, ang lalaking kinasuklaman ko ng apat na taon ay nakaharap ko na pero walang ni konting galit ang namuo sakin. Siguro nga talagang Past is Past na. Yaan ko nalang yun.
Nakatitig lang ako na parang ewan sa manibela ng sasakyan. "Abby babalik ka pa ba ng office?" putol ni Eli sa pag iisip ko.
"Ha? Ahh oo eh, mai kukunin lang akong files chaka uuwi na'ko."
"Oh sige, magkita tayo bukas ha? Bye." Paalam ni Eli habang papaakyat na sya ng sasakyan nila.
"Sige ingat kayo." At nagdrive na nga ako pauwi, di naman kasi totoo na mai iba pa kong pupuntahan, gusto ko lang talagang mapag isa sa ngayon, hindi ko parin kasi lubusang naintindihan ang mga pangyayari kanina lang.
---
Bryan'sPOV.
Di ko alam. Di ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Magkahalong saya at lungkot. Sa wakas ay nakita ko na ang babaeng minahal ko ng ilang taon. Grabe, gustong gusto ko syang yakapin ng napaka higpit. Sobra ang pangungulila ko sa kanya, the moment i saw her was the same moment it came into mind everything we had been through. It was like a dream, it mostly felt like heaven when she called my name to say Hi. Ilang taon ko ring di narinig ang boses ni Abby.
Brandon told me they were gonna have lunch with the group, at first ayokong pumunta kasi kakarating ko pa lang galing Tagaytay, pero when I learned that Abby was with them dali-dali akong umalis ng bahay. I thought of it as an opportunity para maayos ang lahat. Nung papunta palang ako sa resto, di ako mapakali knowing that I was gonna see Abby again. Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, di ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nangyari noon sa kanya, di ko rin alam kung maniniwala ba sya. Litong-lito na talaga ako. Biglang nag flashback lahat ng memories namin noon ni Abby. Bigla ko syang na miss ng sobra, bigla akong nanghinayang bakit di ko magawang sabihin sa kanya noon ang tungkol sa kalagayan ko. Sa kakaisip ko, di ko namalayang ilang minuto na pala akong naka park sa harap ng resto.
"this is it." sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ang aking repleksyon sa side mirror ng sasakyan.
---
Well I was a bit dissapointed actually, I was expecting kasi na makakausap ko sya, I was expecting na ma ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat, but all that there ever was between us was just a simple Hi. Pero okay lang naman, it was our first time seeing each other after a very long time at hindi pa maayos yung pagkaka hiwalay namin kayat I understood how we secretly reacted upon seeing each other.
"Bro? Kumusta yun?" biglang tabi sakin nina Lee at Brandon nung nakita nila akong mag isang nka upo sa napagkainan naming pwesto.
"What do you mean bro?" Pagkukunwari kong sagot na tila di ko naintindihan ang ibig sabihin nila.
Kumuha si Brandon ng isang bote ng alak at ibinigay samin ni Lee. "Come on bro, we all know what we mean by that?" sabi nya sabay inom ng alak.
"Kayo talaga, you really know me, do you?"
"Oh so ano na nga, di man lang kayo nagkausap ng maayos ni Abby."
"Naghahanap lang ako ng tamang tiempo bro, ang hirap kasi eh."
"Naiintindhan ka namin Bry. At sana magka ayos na rin kayo para balik sa dati ang barkada."
"Di na siguro tayo mababalik sa dati bro." mahina kong sabi sa kanila matapos kong inumin ang alak. "Pasensya na ha? Pati barkada natin nadamay pa."
"Bro kahit kailan hindi ka namin sinisi okay?"
"Ah bro, maiba naman tayo," ani Brandon. "Kelan mo ba balak aminin sa kanya ang totoong dahilan bat ka nang iwan?"
"Saka na siguro bro pag nakapag usap na kami ng maayos." Sabi ko sa kanila na sinuklian naman nila ng ngiting pag sang-ayon.
Kami nina Lee at Brandon nalang sa grupo ang natira sa resto. May ibang lakad pa raw yung girls eh, si Abby naman nagmamadaling umalis kanina. Nakaka ilang tagay narin kami ng alak pero di parin kami tinatamaan.
"Bro alam nyo, kung magkakaroon pa ako ng isa pang pagkakataon kai Abby, pinapangako kong di ko na talaga sya sasaktan." Sabi ko sa dalawa na tiningnan lang ako na parang naaawa.
Mag dadalawang minuto rin bago nagsimulang magsalita ang dalawa. "Ah bro," umpisa ni Lee, "Ano kasi eh.."
"Ako na pare," pagtapos ni Brandon sa sinabi ni Lee sabay tapik sa balikat ko,
"Bro, ikakasal na si Abby."
***
A/N-Dipoakonagcocopyreadsabawatupdateguyskayatpasensyanasamgatyposkungmeronman. Chakanaguupdatelangdinakopagnastre-stresskayatipagdasalnyonalageakongstesshahaha. Ingat :*
BINABASA MO ANG
Once Upon My Writer
Teen FictionHappy ending, mai ganyan nga ba? Posible ba na masayang magtapos ang storya ng dalawang pusong nagmamahalan? Sinubok na ng kung ano-anong problema ang pagsasama nina Abby at Bryan, matalik na magkaiban na lihim na minamahal ang isa't-isa. Pano kung...