Hindi ko inakalang magagawa ko yun. Yes I've seen myself with him in marriage pero not in this way. Yun na lang kasi ata ang natatanging paraan para ma assure ko kai Adrian na mahal ko talaga sya. Mahal ko naman talaga si Adrian eh. Paulit-ulit ko na ring kinumbinsi ang sarili ko na wala lang yung nararamdaman ko kai Bryan, na it was all just these emotions getting back to me dahil sa biglaan nyang pag paparamdam sa buhay ko. Na it was just because naaalala ko lang sya. I managed to put into thoughts na baka namimiss ko lang sya, mas mabuti nalang yun kesa tuluyang aminin ulit sa sarili ko na mahal ko pa sya.
Ilang linggo na rin ang lumipas pagkatapos kung niyaya si Adrian na magpakasal. At first halatang hesitant sya, gusto nya raw talaga makasal kami pero hindi sa ganitong paraan na parang napipilitan lang ako. Pero sinigurado ko sa kanya na totoo ang nararamdaman ko nung sinabi ko yun sa kanya. Napag usapan narin namin ang ilang mga gagawing preperasyon para sa kasal. Garden wedding ang napagkasunduan namin.
He's currently back in New York now para tapusin ang mga naiwan nyang trabaho and here I am in Manila doing my job as well. Gusto kong magpanggap na okay na ang lahat, na everything's back to normal. Sinabi ko na rin sa mga kaibigan ko yung tungkol sa kasal. They said it was irrational on my part kasi kakaamin ko lang daw na mahal ko pa si Bryan tas magpapakasal ako kai Adrian, they think its unfair for him, marrying someone and loving someone else. Pero sinigurado ko na sa kanilang lahat na alam ko ang ginagawa ko at talagang mahal ko si Adrian.
--
"Abby here are the files you told me to bring in. Anjan narin yung copy ng contract." Sabi ni Lee habang linalagay yung mga files sa desk ko.
"Thanks Lee, sha nga pala, have you seen Sai around? Parang di ko pa kasi sya nakikita since kanina eh." Tanong ko sa kanya bago pa sya makalabas ng office.
"Oh yeah about that, pumunta nga pala muna si Sai sa airport. Susunduin nya sina Brandon at Eli, kakarating lang kasi galing trip nila sa Europe. Sabay tayo lahat mag la-lunch mamaya. Sabay ka na lang sakin papunta dun."
"Talaga? Ay i'll catch up with you guys nalang. Tatapusin ko lang muna to."
"Sige itetext nalang kita kung san kami magkikita ha?"
"Sige, bye Lee." Paalam ko kai Lee pagkalabas nya ng office.
Dali-dali kung tinapos ang trabaho ko para mkahabol ako sa grupo. Pagkatayo ko para bumili ng coffee sa vending machine, biglang ng ring yung phone ko.
Tumatawag si mama galing Australia.
"Hello Ma?" Sabi ko pagka sagot ko ng phone.
"Oh anak, I got your email. I'm not against Adrian ha, I like him as a matter of fact, pero sigurado ka na ba talaga? Hindi biro ang pagpapa kasal anak." Deretsong tanong sakin ni mama pagka sagot ko.
"Ma, sigurado na ko okay? Wag kang mag alala Ma. Kaya na namin mga sarili namin."
"Its not that I'm worried about anak. Alam ko namang nalilito ka parin kai Bryan eh." sabi ni Mama sa mahinang boses.
"Ma! Ano ba, mahal ko si Adrian kaya ko sya pakakasalan."
"I trust you anak.We'll talk some more when we get there. Oh sige, next week pa yung flight namin ng daddy at kapatid mo pauwi jan. Ingat ka, I'll call you later. Bye anak."
"Bye Ma, love You"
"I love you too."
Bigla nalang akong napa isip pagkatapos tumawag ni mama, pano kung pati si Adrian nag dududa rin? Kailangan ko lang talaga sigurong bumawi sa kanya.
--
Pagkatapos kong ayusin ang mga files na naiwan sa office, pumunta na ako sa resto na napagkasunduan ng lahat. Tiempong pagka baba ko ng sasakyan ay nag ring na naman ang phone ko. It was Adrian.
"Babe?"
"Hey babe, delayed na naman yung flight ko. Sa makalawa pa siguro ako makakarating sa Pilipinas. Kakainis nga eh." Sabi nya sakin habang papasok na ako sa loob ng resto.
"Talaga? Naku pano ba yan? Oh shah, basta mag ingat ka lang jan ha? Yung mga gamot mo wag mong kalimutan, baka lumala yang ubo mo."
"Yes babe, i'll call you back tonight okay? Love you."
"Love you babe."
Nakita ko na ang grupo sa isang malaking table sa mai sulok ng resto, kompleto na naman kami. Pinagmasdan ko muna sila, ang saya-saya talaga nilang tignan. Nakakatuwa. Na miss ko to eh, I am so blessed to have each one of them. Nandyan sila para sakin sa mga panahong malungkot man o masaya ako. We're all in this together ika nga.
"Oh Abby, kanina ka pa jan? Halika na dito!" tawag sakin ni Shau.
"Abbyyyyy, oh my God I miss you so much!" masayang bati sakin ni Eli habang binibigyan ako ng mahigpit na yakap.
"Eto naman oh, parang ang tagal mo namang nawala. Na miss ko rin kayo. Oh kumustang Europe? Oy yung pasalubong ko asan na ha?" Pabiro kong sabi kai Eli habang pumupwesto kami ng upo.
--
Mahaba-haba na rin ang naging kwentuhan namin. Panay ang kwento ni Eli sa naging bakasyon nila sa Europe. Ang dami dami nyang kinwento tungkol sa mga nagawa nila dun. Nakakatuwa ngang isipin na sa simpleng Traditional East Lake Ball nag umpisa ang kwento nina Eli at Brandon. Sa kung saan saan na nga din napunta ang usapan namin eh. Nasali pa sa usapan ang mga kalokohan namin noon. Ang kukulit talaga ng mga kaibigan ko, parang mga bata kung mag usap, ang lalakas pa ng mga boses. Dinig ata ng lahat na nasa resto.
"Sorry mejo na late ako guys. Ang traffic eh."
Biglang natahimik ang lahat sabay lingon sa kung san nanggaling ang boses.
"Oh bro, ang tagal mo ah. Salamat naman at naka abot ka pa." Sabi ni Brandon sabay tayo at handshake sa kanya.
Parang biglang tumigil ng pag andar ang utak ko. Natulala ako ng ilang saglit. I don't know what I'm supposed to do or say. He's right there. Right in front of me. Just a step away. Gusto ko syang yakapin, gusto ko syang sampalin, gusto ko syang tanungin kung bat nya ginawa sakin yun, gusto ko rin syang kamustahin. Ewan, oo galit parin ako sa kanya, pero a part of me says tinangay na sa paglipas ng panahon ang galit ko sa kanya. A part of me says ang utak ko nalang ang galit sa kanya, na tuluyan na talaga syang napatawad ng puso ko. After four long years, nagkita narin kami ulit. Nagkita narin kami ni Bryan.
"Hi Asungot"
BINABASA MO ANG
Once Upon My Writer
Teen FictionHappy ending, mai ganyan nga ba? Posible ba na masayang magtapos ang storya ng dalawang pusong nagmamahalan? Sinubok na ng kung ano-anong problema ang pagsasama nina Abby at Bryan, matalik na magkaiban na lihim na minamahal ang isa't-isa. Pano kung...