*Bryan's POV.
"Mahal rin kita Abby, noon pa."
Nasabi ko rin, sa wakas ay nasabi ko rin. Matagal ko ng kinikimkim sa loob ko 'to eh. Matagal ko ng mahal si Abby.
Noon ko pa sana gusting sabihin sa kanya pero natatakot ako, na baka pag nasabi ko na sa kanya, iiwasan nya ko. Kilala ko kasi si Abby, walang ibang iniisip yun kundi yung studies nya. She has turned down a lot of boys who courted her, nanligaw pa nga sa kanya yung Starplayer ng University namin pero binusted nya. Lalo tuloy akong nawalan ng lakas ng loob na umamin sa kanya.
Nung araw na pinapunta ko sya sa Starbucks, balak ko na sanang umamin sa kanya. Prinactice ko na nga sasabihin ko pero ending, iba ang nasabi ko sa kanya. Damn! Ang hirap eh, duwag na kung duwag.
"Oh sige Bry, mauna na 'ko, tinext na 'ko ni mommy eh. Ingat ka." Sabi sakin ni Abby nung papaalis na sya sa Starbucks. Nasabi ko sa kanya na liligawan ko si Yasmine, ang bobo ko talaga.
"Ingat ka rin Abby", pahabol na tawag ko sa kanya,
"Mahal kita", bulong ko sa sarili ko habang sising-singing pinagmamasdan syang umaalis.
Marami na 'kong napalampas na pagkakataon pero hindi na talaga ako makaka payag na lilipas pa ang isang araw na hindi ko nasasabi sa kanya ang totoo.
BINABASA MO ANG
Once Upon My Writer
Teen FictionHappy ending, mai ganyan nga ba? Posible ba na masayang magtapos ang storya ng dalawang pusong nagmamahalan? Sinubok na ng kung ano-anong problema ang pagsasama nina Abby at Bryan, matalik na magkaiban na lihim na minamahal ang isa't-isa. Pano kung...