Chapter 10

17 0 0
                                    

Nag ayos na ako para sa dinner meeting ko maya-maya lang. I'm wearing a fit black dress with a long open V-line at the back- emphasizing my figure and some light make up on. Im not gonna lie, I actually looked pretty good. I was making some finish touch-ups in front of the mirror nung napansin ko ulit yung malaking galos sa noo ko, which made me remember everything that had happened. I touched my scar at sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako kailanman magpapaloko pa sa mga walang kwentang tao. Not anymore, not again. Ayokong lokohin ang sarili ko, alam kong galit parin ako kai Bryan kahit ilang taon na ang nakalipas. Its not that easy to forget. Grabe kaya yung ginawa nya sakin.

Pero kahit papano, di ko parin naman maiwasang magtaka, pano kaya kung di ako iniwan ni Bryan? Pano kaya kung hanggang ngayon kami pa? Pano kaya kung naayos lang namin yung gulo nami noon? I snapped out of my thought nung na realize ko na I shouldn't even be thinking about him anymore. Wala nga syang kwenta diba, hindi sya marunong sumunod sa usapan at lalong hindi sya marunong tumupad ng pangako. And besides, I got Adrian now, he's my everything.

Pababa na 'ko sa hotel lobby para maghintay sa sasakyang pinadala ni Mika when my phone rang, it was an international number so I figured na si Adrian yun. Sinagot ko ang phone and indeed it was him.

''Hi babe, ang aga mo ata akong na miss ah'', pabiro kong sabi sa kanya.

''You sure know how to read my mind, don't you? How was your flight baby?" tanong nya.

"Well it was fine. Nakakapagod. I'm actually off to a dinner meeting now. How bout you? Are you in New York yet?"

"Alright, i just called to check on you. Not yet baby, but I'll be in a while, stop over pa eh. Hey I got to go, I'll call you when I get there okay? Ingat ka jan. I love you babe."

"Love you too baby."

This man sure knows how to care despite the distance between us.

----

Sa isang Spanish restaurant sa mai Makati kami nagkasundong mag meet ng mga clients ko. The place is great, its elegant and classy, just my type. The food's great too.

Pinag usapan namin ang marketing strategy na gagamitin namin para sa ikakabuti ng campaign. Well I gotta admit, I've mastered every possible strategy a company could use. Ano nalang silbi ng pinag aralan ko kung wala naman akong natutunan.

"So I think everything is set for the campaign now.  Harris Corp. is expecting a good outcome from this." sabi ko sa kanila while checking my phone, "its really good to be working with you again."

"Pleasure working with you too Abby. We all know everything you do ends as a success."

"To say I'm flattered and greatful would be an understatemet, thank you."

Matapos namin idiscuss ang campaign plan and lay-out ay nagkwentuhan na kami ng mga clients ko, and by the way, yung mga clients ko nga pala ay ilan sa mga kaibigan ko noon sa East Lake so marami talaga kaming napagkwentuhan. And, because we were done with the meeting, tinawagan ni Sai- one of the clients na kaibigan ko rin sa East Lake, ang iba pa naming barkada para makasama sila sa pagtitipon namin. Its actually gonna be the first time we all see each other after how many years.

Nung dumating na sila, it was by then I realized na ang laki-laki na ng mga pinagbago naming lahat.

Si Sai, yung kikay sa barkada noon, isa ng Marketing Officer.

Si Lee naman, yung chikboy sa grupo, isa ng Certified Public Accountant.

Ang pinaka lampa naman sa barkada nun na si Harry, CEO na rin ng kompanyang business partner ng Harris Corp.

Once Upon My WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon