Unattainable

4.6K 224 26
                                    

19
PRIS

“Where are you?!” Kristine bellowed from the other line when Pris answered her cellphone. She was on her way to San Juan, La Union. Nasa bandang Tarlac na sya nang tumawag ang kaibigan. Nalaman na ng mga itong umalis sya. “Why did you just take off like that? Papatayin mo ba kami ni Jessica sa pag-aalala? We have to drive 30 minutes from the resthouse just to get a signal para lang tawagan ka. So answer me, where are you?”

“Don’t shout at her.” Narinig ni Pris ang boses ni Jessica sa background.

Gustong itapon ni Pris ang Bluetooth headset nya. Ang lakas ng boses ni Kristine. Nabasag na ata ang eardrums nya. Lalo lamang sumakit ang ulo nya. Wala pa syang matinong tulog mula nang dumating sya galing London. And getting her heart broken all over again didn’t help.

“Pris!” Boses na ni Jessica ang narinig nya. Malamang na inagaw na nito kay Kristine ang cellphone. “Are you okay? Please tell me you’re okay.” Nagpipigil ng iyak ang boses nito.

Medyo naguilty si Pris. “Hey, I’m okay. Don’t worry. I’m sorry if I took off with your car. Just give me few days. Babalik rin ako. I just need to clear my head.”

“Saan ka ba pupunta?” Tanong ni Jessica.

Bago pa makasagot si Pris, ang pasigaw na boses na naman ni Kristine ang narinig nya. “Pris, why are you being stupid? Why are you acting like a kid?! So what, if Dominique rejected you!? Katapusan na ba ng mundo? Yan lang ba ang kaya mong gawin? Ang tumakbo?! Tapos ano, mawawala ka naman ng ilang taon?! We all know that she’s confused. I thought you are not going to lose hope? You are being a coward. Ang bilis mong sumuko. Maybe she’s right to dump you. Kasi hindi mo sya kayang ipaglaban! You didn’t fight for her enough! Ano? Bakit hindi ka makasagot?!”

Inis na nagpull over si Pris. “Paano ako sasagot, kung mala-armalite na naman yang bibig mong unano ka?!” Hindi na napigilang singhalan ito ni Pris.

“Stop calling me that?!” Ganting sigaw ni Kristine.

“Guys, pwede bang mag-usap kayo ng mahinahon?” Stressed na stressed nang sabi ni Jessica. Mukhang naka-loud speaker na ang mga ito. “Pris, we are just worried.”

“I know. And I’m sorry. Pero wala kayong dapat ipag-alala. I’m not going to do anything stupid. Gusto ko lang mag-isip. Alam kong confused lang si Dominique and I’m not giving up on her. But I can’t help feeling hurt. Hindi naman ako robot na walang pakiramdam. Ayokong magalit sa kanya. Pinipigilan kong magalit at gumawa ng bagay na pagsisisihan ko. Just let me be. Just give me few days, please,” pagsusumamo nya sa mga ito.

“Saan ka ba kasi pupunta? Kumain ka na ba?” Mahinahon nang tanong ni Kristine.

Napangiti na lang si Pris. Alam nyang nag-aalala lang ang mga ito. “I’m on my way to San Juan. At huwag kang susunod ah!”

“Wag kang assumera! Hindi kita susundan,” singhal ni Kristine.

After promising to text them from time to time, Pris ended the call. Pasado ala una nang madaling araw nang makarating sa San Juan si Pris at nakapagcheck-in sa isang hotel. She was so exhausted and she fell asleep as soon as her body hit the bed.

She woke up after 8 hrs. Pris felt refreshed. Her body was recharged. Excited syang nagshower at pinuntahan ang college friend nyang si Gracie. Pagkatapos nyang i-cover ang wedding nito more than a year ago, hindi na sila nito nagkita. Tuwang-tuwa ito nang makita sya. Wala nga lang ang asawa nitong si Eric. Nasa U.S daw for work. Kaya malaya silang makakagalang dalawa. They went grapes picking in Bauang and visited a museum Pris had never been to.

Unwritten (Summer Of Taking Chances Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon