10
DOMINIQUE
"Dominique?" Narinig ni Dominque ang nag-aalalang boses ni Pris.
And Dominique was back in present time. Nasa loob pa rin sya ng sasakyan at katabi pa rin nya si Pris pero nakasuot ito ng black denim jacket at nasa mukha nito ang pag-aalala habang nakatitig sa kanya.
"Dom, are you okay?" Tanong nitong muli.
"Yes, I am. Sorry," sambit ni Dominique. Was that a memory? "I saw a house like this. Made of glass and wood. But it's bigger. I also saw a labyrinth garden. I think it was a memory and you were there too. We were in the back seat."
Unti-unting nawala ang pag-aalala sa mukha ni Pris. Napangiti ito. "Bahay namin yun sa Ilocos. You stayed there the entire summer last year."
Nabuhayan ng pag-asa ang puso ni Dominique. Unti-unting bumabalik ang ala-ala nya. Ito rin ang pinakaunang memory nya about Pris.
Bumaba sila sa sasakyan at sinalubong sila ng isang babaing sa tingin ni Dominique ay nasa early forties. Medyo mataba ito, katamtaman ang tangkad at may masayahing mukha.
"Si Ate Gladys. Caretaker ng bahay," bulong ni Pris sa kanya bago tuluyang makalapit ang babae sa kanila.
"Welcome back!" Masayang bati ng babae sa kanilang dalawa.
"Welcome back?" Tanong ni Dominique sa sarili at napatingin kay Pris na bumebeso kay Ate Gladys. "So, I was here before."
"Hi Ma'am Dominique. Kumusta ka na? Ang ganda-ganda mo pa rin." Binigyan sya ng isang matamis na ngiti ng babae nang bumaling ito sa kanya at bumeso. "Buti at natuloy na kayong pumunta rito. Hinihintay ko kayo nung April 8 pero hindi kayo nakarating."
April 8? Dominique thought. She was still in the hospital at that time. They were supposed to go here?
"Naging busy lang sa trabaho. Ngayon lang ulit nakatakas," pagdadahilan ni Pris. Binuksan nito ang compartment ng kotse at inilabas ang bag nilang dalawa ni Dominique. Good thing she brought extra clothes. Mag-o-overnight daw sila dito sabi ni Pris.
"Mabuti naman. O sya, pumasok na kayo. Magpahinga muna kayo saglit habang hinahanda ko ang hapunan nyo."
Made of mahogany and narra ang karamihan sa mga furniture ng bahay. Cozy at very homey ang ambiance. According to Pris, the house was owned by a couple who was always out of the country, at kung narito ang mga ito, sa Maynila din nananatili dahil sa business. Para maging profitable, pinaparentahan nila ito sa mga nais magrelax at magbakasyon.
Hinatid sya ni Pris sa master bedroom. "You can have this room." Aalis na sana ito nang pigilan ito ni Dominique.
"Wait, why don't we share? Malaki naman yung bed," suhestiyon ni Dominique. Nakitang nyang nag-aalinlangan ito. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita gagasahin," biro nya na ikinangiti nito.
"Paano kung ako pala ang gagahasa sayo?" Pris gave her a naughty wink.
"You wouldn't dare," kunwari banta nya rito at pinameywangan ito.
"Are you sure?" Pris whispered, her voice turned serious.
Lumapit si Pris sa kanya at titig na titig ito sa mga mata nya. Napaatras si Dominique pero patuloy pa rin ang paglapit nito sa kanya hanggang sa marating nila ang gilid ng kama. Wala na syang aatrasan pa. "What is she doing?" Dominique mentally panicked but she couldn't get her eyes away from Pris'. Amoy na amoy nya ang mabangong pabango nito. Pris' face was only an inch away from hers. Her gaze dropped on Dominique's lips. "Is she going to kiss me?" Dominique's heart started beating fast. "She's going to kiss me!" Dominique closed her eyes and waited.
BINABASA MO ANG
Unwritten (Summer Of Taking Chances Sequel)
RomanceDominique fell asleep after drowning her grief with bottles of beer. When she woke up a surprising news greeted her and rocked her world. A sequel to Summer of Taking Chances. Thank you for reading. Feel free to comment or hit like. I hope you enjoy...