Overnight

5.6K 220 12
                                        

28
PRIS

After one week, nakahinga nang maluwag si Pris nang makitang faded na ang black eye sa kanang mata nya. Wala na rin ang sugat sa labi nya. She was checking her face using Kristine’s compact mirror. But when she remembered how she got them, she winced as if she could still feel the pain. “It was worth it anyway,” Pris told herself.

Her mother was training Vanessa herself at the academy. Olivia offered Vanessa a singing contract and her first TV guesting was a success. Nag-viral ang video all over the world at maraming humanga sa kanya. Vanessa will be Anastacia’s opening act on her concert next month. Vanessa’s debut single was on the works and will be launched before the end of the year. Bilang suporta, si Anastacia na mismo ang nagsabing magiging opening act nya sa lahat ng concert nya abroad para mas makilala pa ito.

“Ano ba kasing nangyari dyan?” Tanong ni Kristine, na nasa tabi nya.

It’s Saturday morning at kasalukuyan nilang hinihintay si Jessica sa isang boxing gym. Nag-enroll ito recently for boxing lesson. Kung hindi ito busy sa hotel o kay Athena, nasa gym ito. Pinapanood nila ang kaibigan habang sinusuntok nito ang punching bag.

“Medyo nagkagulo dun sa bar kung saan nagt-trabaho dati si Vanessa. Binabastos kasi sya nung isang lalaki dun so I have to step in,” Pris explained.

Narinig nyang kumanta si Vanessa sa isang singing contest na nadaanan nila ni Gracie nung pauwi na sila after drinking lots of cocktails. Sa tabi ng dagat naka-set up ang stage. Bago pa sila makarating sa parking lot, nadaanan nila ang contest. Saktong tinawag ang pinakahuling kalahok. A 22 year old woman named Vanessa Rios.

Walang interes na nagtuloy-tuloy lang nang lakad si Pris dahil nahihilo na sya ngunit napahinto sya nang marinig ang boses nito. Kinanta ng Vanessa na yun ang Never Enough. First line pa lang ng kanta, nakuha na nya ang atensyon nya. Pinatapos nila ni Gracie ang pagkanta nito.

“I found my next Anastacia,” sabi ni Pris kay Gracie, na napahanga rin sa magandang boses nito. “I need to take her to my mother.”

Kahit pareho na silang nahihilo ni Gracie, naupo muna sila sa buhangin para hintaying matapos ang contest. Nanalo si Vanessa.
Pris approached Vanessa, who looked at her suspiciously. Namumungay nga naman kasi ang mga mata nya at halatang nakainom sya.

“Hindi ako masamang tao.” Pris gave her an assuring smile. “You got an amazing voice. Gusto mo bang maging singer? I can help you with that.”

“H-Hindi ako interesado,” nag-aalangang sabi ni Vanessa at lalagpasan sana sya nito kaso nahawakan ni Pris ang braso nito. “B-Bitawan mo ko.” May takot na sa boses nito. Binitawan sya agad ni Pris.

“Look, hindi kami masamang tao ng kaibigan ko,” sumingit na sabi ni Grace, who appeared more sober than Pris. “May koneksyon sya sa entertainment business.” Bumaling ito kay Pris. “Give me your calling card.”

Agad na kinuha ni Pris ang wallet sa back pocket ng denim shorts nya saka naglabas ng calling card. Gracie took it and gave it to Vanessa, who reluctantly received it. Binasa nito ang nakasulat sa card. “Think about it. Give my friend a call if you’re interested. By the way, congratulations on winning. We hope to hear from you.”

Iniwan na nila si Vanessa. Buong araw na naghintay si Pris ng text at tawag nito pero wala syang natanggap. Nanatili sya sa San Juan ng ilang araw hanggang sa kailangan na nyang bumalik sa London.

She got a call from Gracie almost 2 weeks after she got back from London, that she found Vanessa. Agad syang nagbiyahe papuntang San Juan to meet her friend. Dinala sya nito sa isang beer house. Singer doon ang babae. Her voice was really captivating. It would be such a waste kung dito lang mananatili si Vanessa. Hindi nababagay ang isang tulad nya sa lugar na ito. Pris could imagined her on an International stage.

Unwritten (Summer Of Taking Chances Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon