43
PRISDECEMBER 2018
Nanlulumong ibinaba ni Pris ang cellphone sa ibabaw ng desk matapos nyang makausap si Annabelle. Tinawagan sya nito kanina para sabihing nakausap na nito ang bagong may-ari ng bahay sa Tagaytay at hindi raw ito interesadong ipagbili sa kanya. Ayaw ring ibigay ni Annabelle ang number ng may-ari for privacy reason. Gusto sana ni Pris na sya ang kumausap sa bagong may-ari.
Kung bakit kasi hindi man lang sya sinabihan nina Annabelle na ipagbibili pala nila ang bahay na yun? She wanted to have that house for her and Dominique. She could imagine them redecorating it. She could picture them making it their home dahil si Dominique lang ang nakikita nyang makakasama nya sa hinaharap. Hindi pa rin sya sumusuko, sinabi pa rin nya kay Annabelle na gusto nyang kausapin ng personal ang may-ari.
8PM na ng gabi pero nasa office pa sya ng Fatal Frames. Katatapos lang nyang i-finalize ang editing ng wedding coverage ng recent client nila. Naisip tuloy nya habang ginagawa ito na sana magpakasal din sila ni Dominique balang araw sa ibang bansa. Gusto sana nyang magpropose sa dalaga kaso natatakot syang baka mabigla ito. It's still too soon. Bago pa man ang aksidente ni Dominique, hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal. She was willing to wait anyway. Maghihintay sya at darating din ang tamang panahon para dyan.
Sa ngayon, ang tanging gagawin nya ay paslangin ang mga taong magtatangkang agawin ito sa kanya. "I have the God Killer in my possession after all. Might as well use it," natatawa nyang sabi sa sarili.
"Why are you smiling?" Dominique asked curiously when she entered the already opened door of Pris' office.
Napatitig na naman si Pris sa mala-diyosa nyang kasintahan. Napakaganda nito sa suot na black body hugging sleeveless dress at Manolo Blahnik heels. Hindi pa rin nya mapigilang humanga sa kagandahan nito sa tuwing makikita ito. She was like a dream walking in her reality. Hanggang ngayon, hindi pa rin sya makapaniwalang iniibig rin sya nito. Na sya ang nagmamay-ari ng puso ni Dominique.
Dumaan sila nito sa isang matinding pagsubok ngunit nalagpasan nila ito. Kahit nakalimutan sya ng isip nito, naaalala sya ng puso nito. Nagpapasalamat syang pinili nitong magtiwala sa kanya at mahalin sya. Pris swore she'd love her with all her heart. That she'd make her feel special everyday so Dominique wouldn't regret taking chances with her.
"Don't tell me you're thinking of something naughty again?" Tukso ni Dominique nang hindi sya nakasagot agad. Sinarado nito ang pinto saka ni-lock iyon. She walked sexily towards Pris and sat on her lap. "I miss you." Dominique showed how much when she kissed her lips passionately. Niyakap sya nito nang mahigpit.
Pris rested her head on her chest. Dinig na dinig nya ang malakas na tibok ng puso nito. Nanatili sila sa ganung posisyon ng mga ilang minuto. "Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Pris. Naramdaman nyang kumulo na ang tiyan nya sa gutom.
"Kahit saan basta may pizza and chicken wings," nangiting sabi nito.
It's a Friday night. They decided to go home at Pris' penthouse and had pizza, fries and chicken delivered. Sa tabi ng pool sila kumain under the clear night sky.
"May gagawin ka ba tomorrow? Gusto mo bang sumama sakin?" Pris tried to ask casually. "Mukhang ayaw nya," she thought when Dominique didn't answer. "Or we can see each other after the event and go somewhere."
"Okay," matipid na sagot nito habang ngumunguya ng fries.
Pris was going to a Pride parade tomorrow. She's going to cover it. Taon-taon din syang sumasali sa ganun after coming out. Its either here or abroad. Depende kung nasaan sya. There would be fun activities like marriage booth. She'd be thrilled to do that with Dominique but it's still too early for her. Sapat na kay Pris ang mahalin sya nito. Hindi na nito kailangan ipagsigawan pa. Ang mahalaga, nagkakaintindihan sila nito.
BINABASA MO ANG
Unwritten (Summer Of Taking Chances Sequel)
RomansaDominique fell asleep after drowning her grief with bottles of beer. When she woke up a surprising news greeted her and rocked her world. A sequel to Summer of Taking Chances. Thank you for reading. Feel free to comment or hit like. I hope you enjoy...