22
DOMINIQUE"Ma, mauuna na ako sa inyo ha. I'm meeting Julia for lunch," paalam ni Dominique sa Mama nya nang palabas na sila ng simbahan pagkatapos ng misa. "Tapos didiretso kami sa penthouse ni Pris for dinner. She's inviting you by the way. Tita Beth will be there."
"I'd love to, iha. Kaso may dinner din kaming pupuntahan ng Papa mo," Mrs. Encina said regretfully. "I'm glad you started seeing Julia again. You and Pris are also back together."
"Ma, we are not back together. We are just friends," Dominique corrected her mother. Until now, she still couldn't believe that her parents were open about her being with Pris. Kulang na lang na ang mga ito na mismo ang magsabi sa kanyang makipagbalikan sa ex-girlfriend nya.
"You are friends again. That's what I meant," nangingiting sabi ni Mrs. Encina.
"Are you still seeing Victor?" Tanong ng Papa nya na noo'y biglang lumitaw sa tabi nya kasunod ni Devon. Nakahabol din ang mga ito sa kanila. Marami kasing taong palabas ng simbahan.
"It's Vincent, Pa," sabi ni Dominique. Nangiti sya nang maalala ang lalaki. "Yes, I'm still seeing him. Sinasabayan nya ako minsang maglunch or coffee." Araw-araw silang nagkikita nito at lalo syang napapalapit rito.
"Kailan mo naman ipapakilala ang lalaking iyon? Ayokong nagpapaligaw ka sa kalye," nakakunot ang noong sabi ng Papa nya. "Kailangan sa bahay ka nya sasadyaing ligawan."
Dominique almost rolled her eyes. Napaka-traditional at conservative ng Papa nya. For someone conservative, hindi nya sukat akalaing hindi ito humadlang sa relasyon nila ni Pris dati.
"Soon, Pa," sagot na lang ni Dominique.
Sa totoo lang matagal na syang gustong puntahan ni Vincent sa bahay nila pero sya lang ang may ayaw. Natutuwa naman syang nirerespeto sya nito. Wala namang masama kung makilala ito ng pamilya nya. Vincent was a good person. He came from a good family. He's someone to be proud of. An ideal man. He's someone her parents would approved of. But for her, it's too soon.
Sinabi na sa kanya ni Vincent na gusto sya nito. Sinabi na nitong more than friends ang habol nito sa kanya. Inaamin nya sa sariling, attracted sya kay Vincent. She liked him. What's not to like anyway? But it's too soon. Gusto muna nyang makilala ang lalaki ng mabuti. Natatakot pa rin syang pumasok sa isang relasyon.
She already told him about her failed relationship and about her amnesia. He told her he will wait until she's ready and about her condition, she still looked perfect in his eyes. It made her blushed. Her heart fluttered. But Dominique didn't tell him about Pris. Natatakot syang baka mag-iba ang tingin nito sa kanya kapag nalaman nitong nakipagrelasyon sya sa isang babae. She wasn't ready yet to share that part of her life.
Speaking of Pris, medyo nagi-guilty sya rito dahil lagi nya itong tinatanggihan kapag inaaya sya nitong kumain sila ng lunch o kaya dinner or kahit coffee man lang. Lagi kasi nyang kasama si Vincent.
"Bye, I'll see you guys tonight." Bumeso si Dominique sa parents nya at kay Devon bago tuluyang sumakay sa backseat ng kotse nya. "Tayo na po, Manong." Mula nang lumabas sya sa hospital, hindi na sya nagdrive pa. Hindi pa nya kaya dahil natatakot pa rin sya. She couldn't go anywhere without her driver.
Nagpahatid si Dominique sa isang Thai restaurant sa Makati. Nandoon na si Julia nang dumating sya. Tumayo ito at nakipagbeso sa kanya bago sila muling umupo. Inabutan naman sila ng menu.
"I'm famished. Hindi na kasi ako nakapagbreakfast kanina before going to church. Late na akong nagising," wika ni Dominique while scanning the menu.
BINABASA MO ANG
Unwritten (Summer Of Taking Chances Sequel)
RomanceDominique fell asleep after drowning her grief with bottles of beer. When she woke up a surprising news greeted her and rocked her world. A sequel to Summer of Taking Chances. Thank you for reading. Feel free to comment or hit like. I hope you enjoy...