29
DOMINIQUEIbinaba ni Mary sa harap ng gate nila si Dominique. Tinawagan sya ng pinsan kaninang umaga at niyaya sya nitong maglunch. Medyo stressed na daw ito sa wedding preparation nila at gusto daw mag-unwind kasama nya. Pinagbigyan na lang nya ito.
Nginitian nya ang guard na nagbukas ng gate para papasukin sya. She glanced at her wristwatch. 2:45PM pa lang. May oras pa syang magpahinga bago sya sunduin mamaya para magbiyahe naman papuntang Tagaytay.
Naka-park ang kotse ni Pris sa driveway. Nairita sya bigla rito. Ngayon lang ito ulit magpapakita after nilang magbangayan over Max. Ni hindi pa sya nito niyayayang magdinner. Hindi rin ito nagsasabi kung kelan sila magbabakasyon.
Baka nagbago ang isip nito at kaya ito narito ay para bawiin si Max sa kanya. She wouldn't let her do that. Binilisan nya ang lakad at pumasok sa bahay para hanapin ito. Naabutan nyang nakikipagkwentuhan ito sa Mama nya sa may sala. Natutulog naman si Max sa kandungan ni Pris, who smiled at her.
Pagkatapos nyang bumeso sa Mama nya, she immediately took Max from her. Natawa si Pris sa kanya pero inirapan nya ito. "What are you doing here?" Medyo masungit nyang tanong dito.
"Dominique," her mother warned. Naiiling ito. Malamang na iniisip nitong para silang bata ni Pris. "She came here to see you."
"Let's grab some snacks somewhere," Pris said still smiling.
"I just ate. Busog pa ako."
"Kahit coffee lang." Pris' eyes were pleading.
"Ayoko. Kailangan kong magpahinga. I have a trip later going to Tagaytay." Sinikap ni Dominique na huwag tumingin sa mga mata nito at baka bumigay sya. Kay Max nakabaling ang tingin nya.
"I see," medyo malungkot ang boses na sabi ni Pris. "I thought we could hang out before I leave for London."
London? Aalis na naman sya? Napatingin sya rito and made a mistake of staring into her warm brown eyes. Her eyes were still pleading desperately. As if she wanted to be with her. "Please, Dominique. Medyo matatagalan ako dun this time. Hindi ako sigurado kung kelan ako makakauwi dito. Can we please hang out? Just give me an hour or two of your time. Okay na sa akin yun."
Napatingin sya sa Mama nya na pinapanood lamang sila habang umiinom ito ng tea. "Fine." She gave in and at the same time she felt a pang of sadness within her. Pris was leaving again. Matagal na naman bago nya ulit ito makikita.
She noticed Pris' eyes glinted with glee. Her lips curled into smile. "Let's go then." Bumeso ito sa Mama nya.
"Take care of her," narinig nyang bulong ng Mama nya kay Pris.
"I will, Tita. Thank you po."
"Saan tayo magco-coffee?" Dominique asked when they passed by the nearest coffee shop from her house.
"Secret," Pris mysteriously said.
Tahimik lang na nagdrive si Pris. Medyo traffic sa EDSA kaya nakatulog si Dominique. Nang magising sya, nasa expressway na sila at puro taniman ng palay ang nakikita nya. "Nasaan na tayo?" Pagtingin nya sa relo, isang oras na pala syang nakatulog.
"NLEX. Bandang Bulacan na tayo," sagot ng nangiting si Pris.
"Akala ko ba magco-coffee lang tayo? Bakit nasa Bulacan na tayo? Don't tell me sa academy pa tayo magkakape?"
"I lied," Pris said and threw her a guilty glance. "Hindi talaga tayo magco-coffee. Sabi ko naman sayo magbabakasyon tayo di ba? And you said yes. We are on our way to our destination."
BINABASA MO ANG
Unwritten (Summer Of Taking Chances Sequel)
Lãng mạnDominique fell asleep after drowning her grief with bottles of beer. When she woke up a surprising news greeted her and rocked her world. A sequel to Summer of Taking Chances. Thank you for reading. Feel free to comment or hit like. I hope you enjoy...