Bumaba kami sa isang restaurant at sinundan ko lang sila Dad papasok doon
Huminto kami sa isang lamesa at nakita ko don ang isang May edad ng lalaki at Babae naka ngiti sila sakin kaya nginitian ko rin sila, Actually ngayon ko lang sila nakita
"Kamusta na?" Bati ni Dad sa kanila, Baka naman mga kaibigan sila nila Dad
"Eto busy pa rin" He chuckled "Kayo kamusta naman?" Tanong nito pabalik
"Ganon rin" Sagot naman ni Dad
Nabaling naman ang tingin niya sakin "Siya naba si Tracy? Grabi dalagang dalaga na, Huli ata silang nag kita ni Mark ay mga bata pa sila" Mark? Sinong Mark? Parang wala naman akong maalala
"Oo nga e, Dalagang dalaga na ang anak namin. Pero alam ko iisang school lang ang pinapasukan nilang dalawa" natawa ng bahagya si Dad
"Ah Oo nga pala sa school nga pala ni David nag aaral etong si Tracy" Tumingin ulit siya sakin
"Umupo na tayo, Nag Text sakin kanina si Mark malalate siya ng konti dahil may dinaanan pa siya" Sambit nito nang maka upo
"Ah ija ako nga pala si Dean at eto naman ang asawa kong si Mariel" Pakilala niya, Kahit na medyo may edad na sila ay napaka Ganda at napaka Gwapo pa rin nila
"Uhm Hello po" Naiilang pa rin ako kasi ngayon ko lang sila nakita
"Siya nga pala Dean how's your company?" Tanong ni Dad
"Eto patuloy pa rin sa pag angat ang kumpanya" Natawa naman siya
"Ah, Boys hindi dapat natin yan pinag uusapan dito, Nandito tayo para sa mga anak natin, Hindi ba Mariel?" Natawa ng bahagya si Mom
"Oo nga naman, Hon" Sabay hawak ni Tita Mariel sa braso ni Tito Dean
"Oo nga pala" Sabay na sambit nila Dad at Tito Dean
Pakiramdam ko ay out of place ako dito, Bakit ba kasi talaga kami nandito?
"Uhm excuse me po, Kailangan ko po munang mag Rest room" Nginitian lang nila ko tyaka tumango kaya tumayo ako agad para pumunta ng Cr
Hindi ko talaga maalala kung nakita ko naba sila dati o hindi, Na curious din tuloy ako bigla kung sino ba si Mark sinabi kasi ni Dad na Iisang school lang ang pinapasukan namin, So sa Enrile University rin siya nag aaral, Malaki ang school na yon kaya malabong nakita ko na yon, ni hindi ko nga maalala ang mukha niya o kung talagang nag kita naba kami dati
Lumabas na ko ng Cr at nang papalapit na ako ay bigla kong nakita si Dwayne at naki pag Beso pa ito kay Tita Mariel kaya literal na nanlaki ang mga mata ko as in kasing laki na ng mata ng tarsier
Tatalikod na sana ko ng tawagin ni Dad ang pangalan ko "Oh Tracy nandyan kana pala" napatingin rin sakin si Dwayne at halata rin sa mukha niya na gulat na gulat siya
BINABASA MO ANG
We Got Married
RomancePano kung pag gising mo malapit ka nang ikasal? Ang masaklap pa don sa pinaka iinisan mo pang tao ka ikakasal. Ganyan ang nangyari kay Tracy Lopez, na isang Palaban at medyo malditang babae. Isang araw nalaman niya na lang na ikakasal na pala siya s...