Chapter 15

43 12 0
                                    

Napasandal ako sa Padir ng Hallway, Hindi ko na alam kung san pa ko mag hahanap, na papagod na rin akong tumakbo ng tumakbo

Tinry kong tawagan si Tracy pero nag riring lang “Fuck! Tracy nasan kana ba?!” Damn it! This is so Frustrating!

Nasapo ko ang nuo ko at napatingin ako sa Emergency alarm, hindi na ko nag isip ng kung ano at agad ko itong pinindot, nag simula na silang magka gulo

Dinial ko ang number ni Tito David para sabihin sa kanya ang nangyayari siguradong magagalit siya sakin pero wala kong pake kailangan kong makita si Tracy

“Hello tito?” Kalmadong sambit ko

“Where are you Dwayne? Nasa field kana ba? Ano bang nangyayari?” Halata sa boses niya na natataranta siya

“Calm down tito wala pong sunog, Sorry kailangan ko lang po talagang gawin to”

“What?! Dwayne--” Hindi ko na siya pinatapos at pinatay ko na agad ang tawag alam ko namang maiintindihan niya ang ginawa ko

Agad akong pumunta sa field nandon na silang lahat tinry ko ulit tawagan si Tracy pero cannot be reach na, Umakyat ako ng stage at inagaw sa isa sa mga Faculty teacher ang mic

Nilibot ko muna ang paningin ko pero hindi ko pa rin mahagip si Tracy, Fuck! “Nasan si Tracy? Sabihin niyo sakin kung nasan siya!” Sinubukan akong pigilan ng isa sa mga teacher pero tinignan ko lang siya ng masama at nag salita ulit “Alam ko namang mga inggit kayo kay Tracy pero eto ang tandaan niyo, Pag nalaman kong may ginawa kayo sa kanya sisiguraduhin kong mananagot kayo”

“Dwayne ano bang ginagawa mo ha?” Awat sakin ni tito David ng maka akyat siya sa Stage

“Tito hindi ko makita ang fiancé ko! Wala kayong papalabasin dito hanggat hindi ko siya nakikita” Akmang tatakbo na ko ng pigilan niya ko

“Pumunta ka sa office ko at tignan mo ang cctv footage” Fuck pano ko ba nakalimutang may cctv sa school na'to?

Tumango ako at agad na pumunta sa Office ni Tito, Walang tao dito dahil nasa labas silang lahat, tinignan ko yung kuha ng cctv dalawang oras bago ko pindutin yung alarm

Nakita ko don si Tracy na kakalabas lang ng cr naka pag palit na siya dyan tapos ng malapit na siya sa Activity room ay may limang babae ang lumapit at tinakpan ang ulo niya lumabas sila ng building pero nahagip pa rin ng camera na pumunta sila sa Lumang building ng School, Sigurado akong may ginawa sila kay Tracy naikuyom ko ang ang kamay ko sa sobrang galit

Agad akong tumakbo papunta sa lumang building at binuksan ko isa isa ang mga kwarto don

“Tracy!” agad akong tumakbo palapit sa kanya
tinanggal ko ang pagkaka tali niya at dahan dahan siyang hiniga sa hita ko, Sobrang basang basa siya at ang dami niya ring pasa, nag dudugo pa ang ilong at labi niya

Hinubad ko ang suot kong Jacket at sinuot yon sa kanya tumawag rin ako ng ambulansya para madala na siya agad sa Hospital, Binuhat ko siya ng pang kasal tyaka kami lumabas

Nang maka labas kami ay narinig ko na ang tunog ng ambulansya agad naman akong tinulungan ng mga Nurse ng makita nila ko

“Anong nangyari sa kanya?” Tanong nila Aeron ng makalapit sila sakin kasama rin nila si Kurt at Rhianne

“Sinong gumawa nyan sa kanya?!” Inis na tanong ni Rhianne “Dwayne please gawin mo ang lahat para managot ang gumawa nyan sa kanya” Dagdag pa nya

“Sinong pwedeng sumama para may kasama ang pasyente?” Singit ng isang Nurse

“Rhianne, Kurt kayo na muna sumama kay Tracy may kailangan lang akong gawin” Agad naman silang tumango

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon