Tinignan ko siya ng masama dahil sa ginawa niya, binigyan niya naman ako ng takang tingin "What? Gusto mo bang magalit sayo si Tito Thomas?" Well ayoko namang mangyari yon pero kasalanan niya naman kasi kung bakit nagalit si Ma'am tsk ang harot harot niya kasi
"Hindi, Pero pwede ko rin namang sabihing kasalanan mo" Then I smirk
Pagka tapos non ay hindi na kami nag usap dahil natulog siya at mas napagaan ang buhay ko kasi wala ng umiepal sa pakikinig ko sa mga nilelesson ng mga teacher
Lunch na at kumakain kami nila Dwayne at nila Rhianne ng sabay sabay sa Canteen, ni minsan nga ay hindi ko naisip na mangyayari to sa tala ng buhay ko tapos biglang eto na kumakain na kami ng sabay sabay tapos napaka ingay pa nila tsk
"So kailan ba ang exact date ng kasal niyo?" Biglang tanong ni Joshua kaya nasamhid ako agad naman akong binigyan ng tubig ni Dwayne at hinimas himas niya pa ang likod ko
"Mag iingat ka naman Tracy" Sambit nito tsk kala mo talaga concern, Ibinaling niya ulit ang tingin niya kila Joshua "Well hindi pa namin sure kung kailan pero sabi nila Dad ay as soon as possible" Napaka kampante niya lang habang sinasabi yon siguro kasi iniisip niya na ganon pa rin naman ang buhay niya kahit kasal na kami malaya pa rin siyang makaka pag girlfriend or what dahil hindi nga namin mahal ang isa't isa
"Hindi ko talaga iniexpect na mangyayari to" May pa iling iling pa si Liam habang naka ngiti ng nakakaloko
"Ako rin" sagot ko
Nang matapos kaming kumain ay pumunta na ko sa locker ko at nakaka pag takang hindi na ko sinundan ni Dwayne pero mas mabuti na rin yon naaalibadbaran ako pag nakikita ko siya
Habang papunta ko sa locker ay nagtataka ko kung bakit wala ng ibang tao ang narito dahil anong oras pa lang naman pero hindi ko na lang pinansin dahil wala naman akong pake sa kanila, Pagka bukas ko sa locker ko ay may kung sinong padabog na isinara ulit ito halos lumabas na sa kinalalagyan ang puso ko sa sobrang gulat letche ano ba kasing problema nito?
Pag lingon ko ay meron tatlong lalaki sa gilid ko at hindi ko sila kilala, hinawakan ng isa sa mga lalaki ang braso ko pero agad ko rin itong binawi sa kanya "Ano ba? sino ba kayo ha?" Iritadong tanong ko
Ngumisi naman yung lalaki "So tama nga sila, Palaban kang babae ka" Oh tapos ano namang ngayon?
"Wala kong oras para sa kalokohan niyo" Nang tangkang aalis na ko ay hinila nila ko pabalik at padabog na isinandal ako sa locker, Ang sakit non ah! Kung hindi lang ako nag mamadali ay baka kung ano na ang nagawa ko
"At ano naman ang karapatan mong talikuran kami?" Namumula na yung mukha ng lalaki at halata sa tono niya na galit na galit siya, Para yon lang ay magagalit na siya? Bakit ganon ba kataas ang pride niya? "Wala kang karapatang talikuran kami naiintindihan mo?!" Napa pikit ako sa sigaw niyang yon na halos mag echo na sa buong corridor
"At wala ka ring karapatang hawakan ang Fiancé kong tarantado ka!" Nang marinig ko ang boses na yon ni Dwayne ay nag mulat ako ng mata at nakita kong nag sasapakan na sila, Si Dwayne laban sa tatlong lalaking yon, Mukhang kayang kaya niya naman ang tatlong yon ng siya lang mag isa kaya pinanuod ko lang siya, Pero nagulat ako ng bigla siyang masapak akala ko ay babagsak na siya agad dahil sa lakas ng sapak na yon sa mukha niya pero hindi, nagawa niya pa ngang mapatumba yung tatlo
Nang makita niya ko ay agad siyang lumapit sakin "Kamusta ka? Ayos ka lang ba? May nangyari ba sayo? Sinaktan ka ba nila? Ano?" Sunod sunod na tanong niya at halata sa mukha niyang nag aalala siya
"Teka ikaw dapat ang tinanong ko nyan, Tignan mo oh nag dudugo ang gilid ng labi mo" Alam ko namang siraulo at epal sa buhay ko'to si Dwayne pero ayoko naman na ng dahil sakin ay nagkaka ganyan siya
BINABASA MO ANG
We Got Married
RomancePano kung pag gising mo malapit ka nang ikasal? Ang masaklap pa don sa pinaka iinisan mo pang tao ka ikakasal. Ganyan ang nangyari kay Tracy Lopez, na isang Palaban at medyo malditang babae. Isang araw nalaman niya na lang na ikakasal na pala siya s...