Nagising ako dahil bigla akong nagutom madilim na sa paligid, tumingin ako sa orasan at 11 na ng gabi ang haba sobra ng tulog ko kaya naman pala gutom na gutom na ko, kaso tinatamad akong tumayo hays
"Ma'am check up lang po" Sambit ng nurse na kaka pasok lang nginitian ko lang siya tyka niya ginawa ang pag checheck up sakin tinurukan niya rin ng gamot ang dextrose ko at sobrang sakit non
"Kung hindi lang dahil sa mga babaeng yon ay wala sana ko dito" sambit ko sa sarili
“Nga po pala ma'am kilala niyo po ba yung lalaking nakahiga don sa labas?” Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya
“Lalaki?” agad naman siyang tumango
“Kanina pa po kasi siya nandon at naka tulog na nga po” sambit niya mas lalo tuloy akong na curious sino naman kaya yon?
Lumabas ako at sumunod naman ang nurse sakin, Pagka labas ko ay nakita ko si Dwayne “Siya po oh” Napa buntong hininga na lang ako
“Kilala ko siya, Salamat sa pag sabi”
“Sige po aalis na po ako”
Pagka alis nung nurse ay Lumapit ako sa kanya at umupo ako sa harap niya, Naka higa siya dito sa upuan sa labas ng kwarto ko, bigla tuloy akong na awa sa kanya
Napaka amo ng itsura niya pag tulog sana ganyan din siya pag gising “Ano bang gagawin ko sayo ha?” Mahinang sambit ko
May kakapalan pala ang kilay niya, Mahaba rin ang pilikmata niya, Ang ganda rin ng nunal sa ilalim ng mata niya tapos ang tangos pa ng ilong, Ang pinkish rin ng labi niya
Dahan dahan kong tinusok ang pisngi niya gamit ang hintuturo ko napa ngisi ako sa lambot ng pisngi niya
Natumba ko sa kinauupuan ko ng mag dilat siya ng mata “Tapos kana bang pag masdan ako?” Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang yon, Ibig sabihin ay kanina pa siya gising at nag papanggap lang siyang tulog?!
“A-ano bang sinasabi mo dyan, H-hindi kita pinag mamasdan no” Nag iwas ako ng tingin dahil na hihiya ako
“Ah talaga? Eh bakit hindi ka maka tingin sa mga mata ko?” Umupo siya at tinignan ako pero nag iiwas lang ako ng tingin
“K-k-kasi ano… Kasi.. Hay nako ewan ko sayo, Bakit kaba nandito huh akala ko ba umalis kana?” Sinandal niya ang likod niya sa upuan “Kasi hindi ko ma hindian sila Tita Claire kaya ako nandito”
"Kailan ka pa nandito?"
“Hindi naman ako umalis simula ng dumating ako nung tanghali” So kanina pa siya nandyan? bat hindi siya pumasok sa loob? Siraulo talaga
“Bat dika pumasok?”
“Bat naman ako papasok kung ayaw mo naman akong makita” Bigla tuloy may kung anong kirot akong naramadaman sa puso ko hays
BINABASA MO ANG
We Got Married
Roman d'amourPano kung pag gising mo malapit ka nang ikasal? Ang masaklap pa don sa pinaka iinisan mo pang tao ka ikakasal. Ganyan ang nangyari kay Tracy Lopez, na isang Palaban at medyo malditang babae. Isang araw nalaman niya na lang na ikakasal na pala siya s...