Chapter 04

71 16 6
                                    

"Lamang kami sa kanya sa lahat pero hindi naman namin yon ipinag yayabang sa kanya kung sa totousin nga ay hinahatian pa namin siya sa lahat ng bagay, Kaso ayon nga binalot siya ng inggit at nilayuan niya kami hindi lang yon siniraan niya rin kami sa lahat ng kaibigan namin at ganon rin sa ibang tao pero hindi siya pinaniwalaan kaya mas lalo pa siyang nagalit hanggang sa naka graduate na kami at nagulat na lang kami ay may sarili na siyang kumpanya kinalaban niya ang Tito Dean mo pero hindi siya nag tagumpay at ngayon pinapahina niya naman ang reputasyon ng Kumpanya natin, Kaya bumababa na ang rating nito. Tuso ang lalaking yon kaya kailangan nating mag ingat sa kanya, kung kinakailangan niyang pumatay ay gagawin niya makamit niya lang ang gusto niya" Nang dahil sa sinabing yon ni Dad ay nakaramdam ako ng matinding takot sa buong katawan ko

"Pero hindi naman kami papayag na masaktan nila kayo kaya huwag kayong mag alala, pero kailangan pa ring mag ingat" Sabat ni Tito Dean

Na ikwento nga pala sakin dati ni Mommy na sikat na sikat daw si Daddy nuong kabataan niya kaya siguro maraming na iinggit sa kanya

"Kaya nga Dwayne ijo hanggat maaari ay protektahan mo ang anak naming si Tracy, Siya lang ang nag iisang anak namin kaya ayaw naming may mangyari sa kanya" Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Dwayne

Tinignan niya ko saglit tyaka tumingin kay Mommy "Wag po kayong mag alala Tita Claire ako pong bahala kay Tracy, Hindi ko po siya papabayaan" Ngumiti siya kay Mommy tyaka tumingin sakin

Pakiramdam ko ay nag init ang katawan ko paakyat sa pisngi ko, Ano ba'to bat ba nangyayari to, Alam ko naman na hindi niya talaga gagawin yon tsk baka nga siya pa mismo ang mag dala sakin sa kaaway nila Daddy

"Mabuti kung ganon, May tiwala naman kami sayo" Nginitian din siya ni Mommy

"Okay, I think hanggang dito muna tayo. Nag text kasi sakin ang Secretary ko at may Emergency daw sa Kumpanya, Mag kita na lang tayo sa susunod" Tumayo si Tito Dean sa kinauupuan niya

"Kung ganon ay aalis na rin kami" Sambit ni Dad tyaka tumayo na rin kaya tumayo na rin kami

Nag lakad na kami palabas ng Restaurant at tinitignan ko lang si Dwayne sa Periphiral Vision ko dahil magka tabi lang kami hindi ko alam kung anong binabalak niya pero dapat handa ako, masyado siyang siraulo para pagka tiwalaan ng ganon ganon lang

"Dwayne Anak, Mag paalam kana sa Fiancé mo" Sa sinabing yon ni Tito Dean ay naubo ako hindi pa rin ako sanay at sa tingin ko kahit kailan ay hindi ako masasanay urgh

"Oh ija ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni Tita Mariel sakin hinawakan niya pa ang likod ko nakita ko namang ngumisi si Dwayne kaya nainis ako

"Ah opo Tita Salamat po" Tumingin ako kay Dwayne at inirapan siya

"Bye Tito, Bye Tita Mag iingat po kayo" Ngumiti siya kila Mommy at Daddy pagka tapos ay tumingin naman siya sakin "Bye, Tracy" Naki pag beso siya kaya nagulat ako, Talaga bang nasisiraan na ng bait ang nilalang na'to?! Parang nagsi tayuan lahat ng balahibo ko sa katawan, tila ko nadudumi dahil sa ginawa niya

"Tracy anak halika na" Nawala ako sa pag iisip ko ng tawagin ako nila Mommy

Tinignan ko ng masama si Dwayne bago ko nag lakad papunta kila Mommy

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at isinalampak ko ang katawan ko sa higaan

Ano bang nangyayari? Kanina nalaman ko na lang na ikakasal ako at kay Dwayne pa talaga tapos may nag babantang panganib pa sa buhay namin, like? Ano bang nagawa kong mali at nangyayari to sakin? Oo alam ko namang medyo maldita ko pero may mabait rin naman akong side ah pero depende sa taong kaharap ko

Nakatulog na pala ako sa pag iisip kagabi umaga na ng magising ako kaya agad akong tumayo para mag handa sa pag pasok

Pagka baba ko ay naka upo na sila Dad sa Dining area "Tracy, Anak halika na dito sumalo kana samin" Aya sakin ni Dad, Nginitian ko siya tyaka ko umupo sa tapat ni Mommy

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon