“Ang duwag mo naman!” Inaasar ko lang siya para idilat niya ang mga mata niya ng bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko ng mariin tyaka itinaas eto, kusa naman akong napa ngiti ng makita kong naka dilat na siya “Ano sinong duwag?” Pinag taasan ko siya ng kilay, Sino paba e obvious naman na siya yon
“Ahhhhhh parang mawawala yung kaluluwa ko!” Sigaw niya kaya natawa ko “Gusto kong mag banyooooo!” Hindi na ko maka sigaw dahil tawang tawa ko sa kanya “Nasusukaaaa na koooo itigil niyo na'toooooo!” Napaka yabang niya pero takot naman siya sa rides psh Hahaha
“Alam niyo baaaa?”
“Hindi--” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sumigaw siya ulit
“Anggggggg ganda ng fiancé koooo!” Natigil ang pag tawa ko sa sinabi niyang yon pakiramdam ko ay bigla akong na stroke sa kinauupuan ko, Biglang nag init ang mga pisngi ko
“Tracy, Ano dyan kana lang?” Nagising ako sa katotohanan ng tawagin ako ni Dwayne tapos na pala, Agad naman akong inalalayan ni Dwayne sa pag tayo
“Teka mag babanyo muna ko pakiramdam ko masusuka talaga ko, Ikaw hindi ka ba mag babanyo?” Napa iling iling na lang ako dahil kung ano ano ng naiisip ko baka mabaliw na ko ne'to “Hintayin mo ko dito” Umalis na siya ako naman ay umupo dito sa may bench
Bigla ko nanamang naalala yung sinabi niya kanina pati yung itsura niya habang sinasabi yon urgh nakakainis bat pa kasi niya sinabi yon?
Napahawak ako sa dibdib ko ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko, Wala lang naman to diba? Natural lang naman na bumilis ang tibok ng puso ko, Isa pa nasa rides kami kaya mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko “Please stop pounding so hard, You stupid heart!” sambit ko sa sarili
“Anong sinasabi mo dyan” napa balikwas ako ng tayo sa gulat pakiramdam ko tuloy napa talon yung puso ko sa sobrang gulat “Ano ba bakit ba bigla bigla kana lang sumusulpot?” Inis kong tanong
“Sorry na anyways tara” Hinawakan niya ang kamay ko at nag simulang mag lakad, habang papalapit kami ay sumasama ang pakiramdam ko dahil palakas ng palakas yung naririnig kong creepy sound hindi niya naman binabalak na sumakay sa Horror train o pumasok sa Horror house diba?
Bago pa kami maka lapit ng tuluyan sa Horror train ay bumitaw ako sa pagkaka hawak niya “H-Hindi naman tayo sasakay dyan diba?” Please ayoko dyan sakyan na namin lahat ng rides basta wag lang sa mga ganyan!
“Actually dyan tayo sasakay” Naka ngising sambit niya, Agad naman akong umatras dahil sa sinabi niyang yon “Bakit natatakot ka ba?” Unti unti siyang lumapit sakin
“S-Sakyan na natin l-lahat ng rides dito wag l-lang dyan” Halos mautal utal na ko sa takot
“Sino ngayon ang duwag?” Natatawang sambit niya
“Sabihan mo na kong duwag pero hindi ako sasakay dyan!” Iritadong sambit ko
Hinawakan niya naman ang kamay ko “Wag kang matakot nandito naman ako” Hindi ko alam pero nang sabihin niya ang mga salitang yon ay parang bulang nag laho ang takot sa katawan ko “Tara na” Hinila niya ko palapit don
Nang maka sakay kami ay nakaramdam ulit ako ng takot letche bat ba ko pumayag na sumakay dito?! “A-ayoko na a-alis na ko dito” akmang tatayo ako ng hawakan ni Dwayne ang braso ko
“Dito ka lang, Wag kang matakot” Bigla namang nakampante ang puso ko dahil don, Ano bang nangyayari sakin ang lakas ng impact sa puso ko ng mga pinag sasabi ni Dwayne
Nag simula ng umandar ang Train kaya yumuko na lang ako kaso nag simula nanamang mataranta ang puso ko ng marinig ko yung creepy nilang sound effect
BINABASA MO ANG
We Got Married
RomancePano kung pag gising mo malapit ka nang ikasal? Ang masaklap pa don sa pinaka iinisan mo pang tao ka ikakasal. Ganyan ang nangyari kay Tracy Lopez, na isang Palaban at medyo malditang babae. Isang araw nalaman niya na lang na ikakasal na pala siya s...