Chapter 10

62 15 9
                                    

Nandito kami ngayon sa sinasabi nila Mom na reception sa kasal namin ni Dwayne, Maganda dito kasi malaki yung space sa loob tapos may Garden pa sa labas

"Ang ganda dito diba?" Inikot muna ni Tita Mariel ang tingin niya bago ibinaling ang tingin samin

Tinignan lang ako ni Dwayne na tila ba tinatanong niya ko kung gusto ko dito, Sa totoo lang ay kahit saan naman pwede na ko kahit nga mag lagay na lang ng trapal sa labas ng bahay okay na ko don, pero syempre alam ko namang hindi hahayaan nila Dad na mangyari ang ganon "A-ah Opo Tita, Maganda po dito sa tingin ko naman po ay magugustuhan to ni Dad tyaka ni Tito Dean" Sagot ko habang naka tingin pa rin sa paligid

"Good" Tita Mariel chuckled "Alam naman naming magugustuhan niyo dito"Dagdag pa niya

Sunod naman naming pinuntahan ang Hotel na malapit don sa Reception ng kasal, sabi nila Mom kukunin nila ang dalawang pinaka malaking kwarto dito sa hotel para komportable kaming maka pag palit at maka pag handa

Sumunod naman naming pinuntahan ang Simbahan, Ilang kilo metro lang ang layo nito sa Reception, para na rin siguro hindi mahirapan ang mga bisita, Malaki naman yung simbahan tyaka Maganda rin

Pero hindi ba kasalanan ang magpa kasal ng hindi niyo naman mahal ang isa't isa?

Hindi naman kasi biro ang kasal, sabi nga ni Tita Sarah ang kasal ay isang importanteng okasyon, Tapos kami basta basta na lang ikakasal para masalba ang Company ni Dad nang hindi man lang namin mahal ang isa't isa

"Tracy, Okay ka lang ba?"

"H-Huh?" Hinawakan niya ang balikat ko tyaka tumingin sa mga mata ko

"Kanina pa kita tinatawag, May problema ba?" Ano bang pakielam niya? Tsk

Inalis ko ang mga kamay niya sa balikat ko "Wala okay lang ako" Sambit ko tyaka nag lakad papunta kila Mommy

Nang matapos kaming tignan ang Reception, Hotel at Simbahan ay kumain kami pagka tapos ay nag pasya na rin kaming umuwi

Nakaka pagod gawin ang mga ganon tapos sabi pa ni Mom sa susunod naman ay ang cake tasting, Napa buntong hininga na lang ako

Buti na lang at sabado na bukas at wala naman sinabi sila Dad na may kailangan akong puntahan or gawin makaka pag pahinga na ako sa wakas Mentally and Physically

Nandito kami ngayon sa labas ng Basketball court dahil inaya ni Liam si Rhianne dito at isinama niya naman kaming dalawa ni Kurt, pumayag ako kasi wala naman akong ginagawa sa bahay at isa pa may chance na kasama nila si Dwayne

"Ah Liam, Okay lang ba na sinama ko silang dalawa?" Bati ni Rhianne ng puntahan kami ni Liam dito sa Labas

Ibinaling niya ang tingin niya samin ni Kurt bago ngumite "Oo naman, tyaka isa pa nandyan din si Dwayne" Nag taas baba pa ang kilay niya abnormal talaga. So tama nga ako kasama nila si Dwayne "Tara pasok na tayo sa loob" dagdag pa niya

Sinundan lang namin siya at duon nga nakita kong nag babastketball sila, natuon naman ang pansin ko kay Dwayne ng makita kong siya ang may hawak ng bola

"Oh Tracy buti nandito ka" Bati ni Joshua ng makarating kami sa Pwesto nila, Nakita ko naman sa Periphiral Vision ko na lumingon samin si Dwayne

"Inaya kasi ko ni Rhianne dito at isa pa wala rin naman akong ginagawa sa bahay" Sambit ko

"Buti naman at nandito ka, Mukhang gaganahan si Dwayne mag laro ah" Natatawang sambit ni Blake

Lumapit naman samin si Dwayne "Pumunta ka ba dito para i-cheer ako, Fiancé ko?" Naka ngising sambit ni Dwayne, Kung wala lang akong balak na kunin ang loob niya ay hindi ako mag aaksaya ng oras pumunta dito tsk

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon