Chapter 13

49 13 6
                                    

“Tracy, Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa kita tinatawag, Tignan mo yung Ice cream mo tunaw na tunaw na tsk” Halata sa boses niya na iritado siya hinila niya ko papunta sa tapat ng cr at tinulak ako papasok sa loob

Tinapon ko na ang hawak kong Ice cream at hinugasan ang kamay ko binasa ko rin ang mukha ko para naman kahit papano ay mabawas bawasan naman ang nararamdaman ko tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin bago lumabas

“Tara na, Bumili na ko ng Ticket” Halata sa itsura niya na masaya siya

Tinignan ko lang ang ticket na hawak niya, sasakay ba ko? Baka maalala ko lang lalo si Clark pag sumakay ako

“Tracy?” Napangiti ako ng bahagya ng makita ko ang itsura niya, Sige sasakay ako

Isa pa matagal naman na yon kaya dapat ng kalimutan ang dapat kalimutan at harapin ang kung anong meron ngayon

Habang naka sakay kami sa rides na'to ay hindi pa rin ako mapakali, hindi ako takot sa matataas pero hindi kasi maiwasang maalala ko siya, Yung mga panahong nanliligaw pa lang siya, sa mga banat niya hanggang sa nahuli ko siya na may kalampungan don sa locker!

Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko na siya mahal pero yung sakit na dinulot niya sakin tandang tanda pa rin ng puso ko, Hindi naman kasi ganon kadaling kalimutan yung sakit na dinulot non sa puso ko

Posibleng na aalala ko pa rin siya pero hindi na yung nararamdaman ko para sa kanya

“Mahal mo pa rin ba yung ex mo?” Napatingin ako kay Dwayne sa tanong nyang yon at seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko

“Hindi no” Sambit ko bago tumingin sa labas ng bintana

“Bakit hanggang ngayon na aalala mo pa rin siya?” Kasi nga hindi madaling kalimutan yung mga alaalang binigay niya sayo

“Bakit ikaw? Hindi mo ba na aalala yung ex mo?” Tumingin ako sa kanya at siya naman ang nag iwas ng tingin, Oh guilty agad

“Hindi... Ngayon ko lang siya naalala dahil sa tanong na yan” Meron ba non? Napaka imposible naman non

“Meron bang ganon?” Bakit ako kahit hindi ko na mahal si Clark na aalala ko pa din yung mokong na yon tch

“May mga tao talagang hindi na dapat alalahanin pa” Siguro sobrang minahal niya yung ex niyang yon tsk ano naman ngayon sakin?

“Bakit ba kayo nag hiwalay?” Na curious lang naman ako kasi walang emosyon ang mukha niya habang nag sasalita

“Tyaka ko na sasabihin sayo” Tumingin siya sakin bago ngumiti at hinawakan ang kamay ko, Hinila niya na ko palabas hindi ko nanaman namalayan na tapos na pala hindi ko man lang na enjoy yung view habang nasa taas kami psh

Nang maka uwi ako sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko para gawin ang night routine ko anong oras na rin kasi ng ihatid ako ni Dwayne dito sa bahay

Pagka tapos kasi naming sumakay ng Ferris wheel ay kumain kami sa labas at nag aya pa siyang mag laro nakaka pagod pero aaminin kong masayang kasama si Dwayne

Kahit na binadtrip niya ko nung sumakay kami sa letcheng horror train na yon ay bumawi rin naman siya sakin, Lahat ng napapa lanunan niya galing sa mga laro ay binibigay niya sakin yung premyo

Pagka tapos kong mag blower ng buhok ay binuksan ko ang social media acc ko pag bukas na pag bukas ko pa lang ng Wifi ay halos sumabog na ang cellphone ko sa sobrang daming notification

Ang daming nag chachat sakin ang dami ring nag memention at nag tatag, Ano bang nangyayari huh?

Binuksan ko ang isa sa mga nag mention sakin at laking gulat ko sa post na yon, Meron kaming picture ni Dwayne na mag kasama at kanina lang yon kinuha habang nasa Amusement park kami

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon