Chapter 05

68 18 5
                                    

"Marami kaming iba't ibang uri ng gown dito sa Bridal shop namin gaya nalang ng Empire Silhoutte, A-Line Silhoutte, Trumpet Silhoutte, Sheath Silhoutte, Mermaid Silhoutte, and last but not the least Ballgown Silhoutte" Iwinawasiwas niya ang kamay niya sa ere habang sinasambit ang mga yon

"Ang kasal ay isang napaka importanting okasyon kung saan ikaw ang bida at nasa iyo ang atensyon ng lahat ng tao, kaya dapat maganda at iliganteng tignan ang Wedding Dress mo sa araw ng kasal mo. Sukatin mo ang ano mang magustuhan mo ija, Pero siguraduhin mong makikita mo ang 'The One' na tinatawag nila" Dagdag niya pa

'The One'? Ano ba yon? Kahit ano naman siguro ay pwede na, Isa pa hindi ko naman gusto ang kasal na'to

Nag ikot ikot ako sa loob ng Bridal shop habang naka upo sila Mommy sa sofa at nagkukwentuhan, Marami ngang magagandang Wedding Dress ang narito kaya kahit ano siguro ay pwede na

Pumili ako ng tatlo na sa tingin ko ay magugustuhan naman ni Mommy at Daddy at agad akong pumunta sa Fitting room at inassist naman ako ng dalawang staff

Nang buksan nila ang kurtina ng fitting room ay nakita ko sila Mommy at Tita Sarah na matyaga akong sinisiyasat, Nakita ko ring nag usap sila pero hindi ko ito maintindihan "Tracy, Sweetie umikot ka" Nang pagka sabing iyon ni Mommy ay agad naman akong umikot "Hindi ko gusto ang isang yan, Sweetie mag sukat ka pa ng isa" At pumasok ulit ako sa loob at ganon ulit ang nangyari inassist ulit ako ng dalawang staff at pagka tapos ay ipinakita ko kila Mommy ang suot ko pero ayaw pa din niya

Sana naman ang huli kong pinili ay magustuhan niya na dahil napapagod na kong mag hubad at mag suot ng Wedding Dress, and for the last time ay hindi pa rin niya nagustuhan "Sweetie wala kana bang ibang gusto? Marami pang mas magagandang Dress dyan kaysa sa mga nauna mong napili" Tinatamad na nga akong umalis pa sa kinatatayuan ko, Napapagod na ko pwede na'to Mommy huhu

"Sige ako na lang ang pipili" Ngumiti si Mom bago tumayo, ako naman ay umupo muna sa Sofa dahil na ngangawit na ang mga binti ko sa pag tayo

Ilang minuto rin akong nag hintay bago bumalik si Mommy "Ito, Sweetie isukat mo ito" Iniabot ni Mommy sa isang staff ang Gown at tamad na tamad naman akong tumayo papunta sa Fitting Room

"Wow ang ganda nitong napili ni Mommy" manghang mangha kong sabi sa sarili

"Bagay na bagay po sa inyo ang isang yan" sambit ng isang staff habang abot langit ang ngiti

Nang buksan na nila ang kurtina ay napatayo sila Mommy at Tita Sarah at para bang may mga kumikinang sa mga mata nila ng makita nila ko "Wow Sweetie napaka ganda mo" Masayang lumapit sakin si Mommy "Oo nga Tracy, Napaka ganda mo" at napa palakpak pa si Tita Sarah

Nang buksan na nila ang kurtina ay napatayo sila Mommy at Tita Sarah at para bang may mga kumikinang sa mga mata nila ng makita nila ko "Wow Sweetie napaka ganda mo" Masayang lumapit sakin si Mommy "Oo nga Tracy, Napaka ganda mo" at napa palakpak ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Napaka galing niyo pong pumili Mommy, Ganto rin po ba ang isinuot mong Gown nung kasal niyo ni Dad?" Tanong ko at Masaya naman siyang tumango

"So ang pinili niyo ay isang klase ng Ballgown Silhouette at nag iisa lang yan. Kahit kailan talaga napaka galing mo pa ring pumili Claire" natatawang sambit ni Tita Sarah

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon