#ILWTG06 Chapter 06
"Come on, stop frowning," Yago said while we were walking towards the car park. Kakatapos lang ng recit namin sa Persons, and I was annoyed because I didn't answer the question well. Nakaka-inis lang kasi nagreview naman talaga ako... Sobrang malas ko lang talaga na kung saan ako hindi masyadong nagbasa, doon ako natawag.
I guess luck really favors the prepared.
"Hindi naman ako naka-simangot."
He poked my cheek. "Ano tawag d'yan?"
"Look of disappointment."
He clicked his tongue. "Naka-sagot ka naman."
"Not what I was expecting," I said. May standards ako para sa sarili ko, and it infuriates me whenever I'd fail to meet that. I just couldn't explain it to Yago because clearly, we have different ideologies when it comes to studying.
"Well, law school is full of surprises," he said, still trying to lighten up my mood, but to no avail. May mga naghi sa kanya habang naglalakad kami. I thought sasama siya. Okay lang naman sa 'kin. Sasakyan ko naman iyong dala. But weirdly enough, Yago declined. Again. Mukhang seryoso nga talaga siya sa sinabi niya na in a relationship with law school talaga siya. Medyo matagal na nung huli ko siyang nakita na may kasamang babae... O baka 'di ko lang talaga nakikita dahil matibay na ang pader sa pagitan namin.
"You wanna grab food before we head home?" tanong niya habang naka-sakay sa sasakyan ko. Iyon ang ginagamit namin kapag pumapasok kami. Ewan ko ba kung sadyang makulit lang talaga si Yago pero wala na akong energy na makipagtalo sa kanya. Gusto niya na sabay kaming pumasok para tipid sa gas. I got a free ride to school everyday. It's basically a win-win for me.
I sighed. "Nah. Wala ako sa mood kumain," sabi ko habang naka-tingin sa bintana.
Yago started to drive while I looked outside, feeling melancholic all of a sudden. I felt really tired. Sobrang napagod ako sa pagbabasa at pagmememorize ng provisions tapos biglang hindi pa rin ako naka-sagot. It's just really disheartening.
"Hindi 'to daan pauwi," I said when I noticed that he took a different turn.
He nodded, his hands on the steering wheel. "I know. We're gonna eat dinner."
I frowned. "Ayokong kumain ng dinner kasama ka."
"Why? Food will make you feel better."
Umiling ako. Tuwing sinasabi niya ang salitang dinner, isa lang ang pumapasok sa isip ko—At least buy her dinner before making her my dinner. Ewan ko ba! Parang may instinct na iyong buong pagkatao ko na 'wag na 'wag sasabay kay Yago na kumain ng dinner! Parang biglang may alert sa utak ko! Para bang kapag inaaya niya akong magdinner, automatic na sa kama bumabagsak ang imagination ko! And hindi ako ready para sa ganoon!
Sa buong dalawang buwan naming magkakilala, not once pa kaming sabay kumain ng dinner. Hindi ko sure if it's accidental or unconsciously ko lang talaga siyang hinihindian tuwing nag-aaya siya.
"Wala talaga ako sa mood kumain... At saka may Consti pa tayo bukas. Kailangan ko pang mag-aral," I told him. Hindi pa kasi ako natatawag sa recit kaya sure ako na matatawag na ako bukas. Si Yago, tapos na. Sobrang galing magrecit ng tao na 'to! Minsan, alam mo 'yung mali na iyong sagot niya pero sobrang confident niya pa rin na kung hindi mo alam na mali na iyong mga pinagsasabi niya, maniniwala ka? He's such a smooth talker.
No wonder marami siyang napapa-Oh god.
"You've been reading that for 2 weeks. You already got it, Rory," he said, still continuing driving.
BINABASA MO ANG
In Love With The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She wanted her father to be happy, of course, but not with that evil step-mother wannabe. Unang pagkikita...