Chapter 39

598K 21.3K 7K
                                    

#ILWTG39 Chapter 39

The next few weeks had been uneventful... and I liked it exactly that way. I didn't want any surprises. Masaya ako sa normal na takbo ng buhay ko. I liked waking up early and seeing a good morning message from Yago, going to work, finishing work, buying food for my friends, and then helping Jax with Katherine's case... and spending a few hours with Yago before I go home.

I liked normal.

Ganito lang.

Masaya na ako.

"Atty. Floresca," Indie called. "Pinapatawag po kayo ni Atty. Laurel."

"Mood?" I asked. I liked knowing the mood of the partners bago ako pumunta para kausapin sila. I just wanted to know beforehand kung good mood or bad mood. So that I'd know how to present myself. Sancho was right... in this line of work, it's not entirely all about hard work. Minsan, kailangan din ng diskarte. It took me a long time to learn it, but I knew it know.

"Mukhang good mood, Atty."

I thanked Indie bago ako dumiretso sa office ni Atty. Laurel. She was smiling when I came in. Naghintay lang ako sa kung ano ba ang sasabihin niya. She congratulated me dahil sa isang case na naipanalo ko last week. Apparently, the client was so pleased that he told us about his 'friends' kaya nadagdagan kami ng clients—big time clients.

And on top of that, I was given a bonus.

Kaya naman nagtext ako kila Jax na hindi muna ako makakapunta dahil gusto kong umuwi sa bahay para makapagcelebrate kasama sila Papa. I had been spending a lot of time at work and with helping Jax. Mukhang okay naman na iyong kila Katherine dahil sapat na iyong testimony nung medical examiner. But we'd never know. Madumi talaga kalaban ang mga Ramirez—just look at what's happening to Cha and Iñigo. It's so messed up.

Dumaan ako sa supermarket para bumili ng ingredients para sa lulutuin ko. I wanted to cook for a change. I couldn't even remember the last time I cooked. Masyado akong naging busy sa pagta-trabaho.

Pagdating ko sa apartment, agad kong kinamusta si Papa. Sabi naman ng doctor, nagiging maayos na ang lagay niya. I just wished that a day would come na makakapagsalita na ulit nang maayos si Papa. I missed talking with him. Sobra kasing lalim kausap ni Papa. I value his opinion. I missed conversing with him.

"Aba't magluluto ka," Manang said when she saw me chopping the onion and garlic.

I smiled. "Naka-kuha ako ng bonus sa work."

"Mabuti naman. Halos 'di ka na umuuwi dito kaka-trabaho."

I frowned. "Grabe naman, Manang. Nandito kaya ako buong Sunday palagi," I said because I promised myself na nandito lang talaga ako kapag Sunday. That's my non-negotiable. Kahit gaano ako ka-busy sa trabaho, Sunday is Sunday. That's my day with my family—doon din kasi dinadala si Ellie sa bahay kaya naman dapat nasa apartment lang ako kapag Sunday.

"Bakit hindi mo papuntahin si Yago dito? Mukhang marami ka namang lulutuin."

I only smiled. I just... I just didn't know how I'd invite Yago. Papa couldn't talk... but he knew about everything that Yago did. He knew because he's the one who listened to me cry every night for the last years. Sa kanya ko inilabas lahat ng sama ng loob, lahat ng galit ko kay Yago. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin ngayon. Ayoko lang na mabigla siya. He's in a very vulnerable condition. I needed to take it slow.

"Busy siya, Manang," I said. "Kasama ni Jax."

Napa-iling na lang ako dahil nakita ko na kinilig si Manang kay Jax. Ewan ko ba. May charm talaga si Jax sa mga matatanda! Kahit si Papa, gustung-gusto niya si Jax! Kung pwede lang ampunin, inampon na siguro!

In Love With The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon