Chapter 21

608K 20.8K 13.2K
                                    

#ILWTG21 Chapter 21

The second semester in our first year in law school flew by so fast that I barely noticed it... aside from the moments na naiiyak na lang ako tuwing Friday dahil magkaka-sunod iyong Oblicon, Crim Law II, at Ethics sa isang araw. It almost felt like SCA wanted to extinguish our whole section! Or baka ako lang? Some of my classmates looked like they managed just fine. Ako lang yata talaga iyong feeling ko mamamatay na ako.

"Let's just deactivate messenger," Yago said while he was planting kisses on my neck. Kanina pa ako naka-titig sa screen ng laptop dahil may nagsabi na baka ngayon daw lalabas iyong complete grades namin. Ganyan din sabi nila last week! Hindi ko na talaga na-enjoy iyong vacation dahil kinakabahan lang ako. Then, enrollment na naman next week. Wala talagang patawad ang school—pati bakasyon binibigyan ako ng stress!

"No," I said.

"You're just stressing yourself out."

I sighed. "I really think I screwed the final exam in Crim so badly," I said, turning my head so that I could look at him. "Pag mababa final grade ko, 'di na tayo classmate."

There were three star sections in first year. Nagiging dalawa sa second year. Nagiging isa sa third and fourth year. You can say that it's survival of the fittest. Sobrang taas ng mortality rate sa law school. It's easy to get in... getting out? Not so much.

And for sure, Yago would stay in the star section. Sobrang flawless talaga niya magrecite! Minsan nga kinakabahan ako kasi sobrang galing niya magbluff—you'd never fucking know that he's already lying straight at your face! Na-reach niya na iyong god-tier poker face.

Kumunot ang noo niya. "What? Pwede bang magrequest?"

Umiling ako. "Alam ko, hindi, e. But we'll still be neighbors?"

Biglang inabot ni Yago iyong laptop ko. Mukhang na-stress siya bigla. Ngayon niya lang yata na-realize iyong possibility na hiwalay na kami ng section kung 'di maayos iyong makukuha kong grade either in obli or crim.

I pursed my lips and bit my tongue when I saw him making a spreadsheet. Nilagay niya roon lahat ng subjects namin.

"Grade in Statcon, baby?" he asked, his forehead heavily creased na akala mo naman sobrang complicated na mathematical equation iyong ginagawa niya. He asked all my subjects and put in the formula hanggang makita namin iyong GWA. I forced him, too, na ilagay iyong grades niya.

"Ano ba'ng sikreto mo?" I asked when I realized na 6 points iyong pagitan ng average namin.

But Yago wasn't paying attention because he was still doing a computation. "You need at least 83 in Crim para classmates pa rin tayo..."

I frowned. "75 lang midterm ko. 85 iyong finals recit ko. Tapos feel ko 'di ko nasagot nang maayos iyong mga tanong," I said. Sobrang haba ng coverage ng Crim Law II! Hilung-hilo ako sa pagbabasa tungkol sa estafa tapos puro tungkol sa sexual assault iyong lumabas! And piracy! Nag-expect pa naman ako ng mga murder!

Yago was drumming his fingers on the table.

"This is stressing me out," he said.

"Sorry..."

He looked at me. "Maybe I'll just ask the Dean's if they'll allow me to transfer section?"

"Di rin naman talaga tayo tabi sa room, 'di ba? So, parang ganon din if sa ibang section ako?" tanong ko sa kanya. Si Cha kasi talaga ang seatmate ko tapos silang dalawa ni Yago ang magkatabi. It just worked perfectly for me dahil maingay si Yago kaya mas preferred ko si Cha na katabi. Si Jax na lang guluhin niya kung kaya niya.

In Love With The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon