#ILWTG15 Chapter 15
Dire-diretso akong naglakad nang matapos akong magsagot sa exam. I clasped my hands together, trying to calm myself down. I was all nerves. Tapos na akong magsagot, pero sobrang kinakabahan ako! Nasagutan ko naman lahat... but that just made me more worried! Para bang masyado na akong nasanay sa law school na marami akong hindi alam at kadalasan ay mali ang sagot ko... to the point na kapag naka-encounter ako ng exam na nasagutan ko lahat, I felt like something's massively wrong.
Half my classmates were still answering. Isa ako sa mga naunang matapos. I just... finished early. Nabasa ko na iyong sagot ko. Wala naman akong babaguhin.
Oh, god. I hope I didn't screw that up! That was Persons! Five-unit course!
Yaghoe
calling...
Napa-kunot ang noo ko. Yago didn't usually call... kasi madalas naman kaming magkasama. And he knew that I didn't like people calling me lalo na kapag hindi ko alam kung para saan. It makes me anxious.
"What?" I asked after answering. I figured it's important since hindi naman siya tumatawag sa akin usually.
"Where are you?" seryoso niyang sagot na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.
"Labas," I answered. "Naghahanap ako ng tubig. Sarado na 'yung cafeteria."
"Where exactly?"
"Babalik ako—"
"Where exactly?" he repeated in a much more serious tone. Grabe naman! Kinakabahan pa nga rin ako kahit tapos na iyong finals, tapos itong si Yago naman ang dumadagdag sa kaba ko!
I told him where exactly I was. As in dinescribe ko lahat ng nakikita ko. Kung alam ko nga lang iyong longitude at latitude ng pwesto ko, sasabihin ko na rin sa kanya kasi sobrang demanding niya! Gusto ko lang naman ng tubig dahil feeeling ko na-dehydrate ako sa mga tanong kanina!
"Don't move," he told me before ending the call. Tss.
So, I stood on the pavement, watching the cars pass by. Tahimik akong naka-tingin sa pagdaan ng mga sasakyan nang may humintong pamilyar na sasakyan sa harap ko. Agad na napa-kunot ang noo ko at nanlaki ang mga mata nang makita ko kung sino iyon.
"Hi, dearest step-daughter!" Millie said, grinning at me. Suddenly, my blood began to boil. Iyong kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng irita. I was tempted to pull her from the car and throw her on the busy road. Kapal ng mukha ng twinkie na 'to! Pinaubaya ko na nga sa kanya ang Pangasinan, pati Maynila nilalagyan niya ng germs niya!
"Rory," Papa called. "Are you done with your exams?"
Confused, I nodded. "Uhh... yes po. Why?"
"We have a reservation in your favorite restaurant. Lumuwas kami ni Millie to celebrate you finishing your first sem in law school, anak," Papa said with a warm smile.
Ugh! I suddenly felt guilty dahil hindi tuwa ang una kong naramdaman nang malaman ko na nandito sila. I just couldn't get on board with the idea na forever ng nasa buhay ko si Millie. When Papa started dating her, I figured she'd be gone in a month or so... pero pinakasalan... Naisip ko, may annulment naman (and meron naman silang pre-nup at post-nup—to Millie's dismay because I fucking threatened my father that he'd never see me if he marries that gold digger without pre-nup).
But then... the whore got pregnant.
That's when I realized that she's finally got her claws on my family forever.
There's no shaking this skank off.
"Ah..." I said, unable to offer anything but my lips parting.
BINABASA MO ANG
In Love With The Game (COMPLETED)
General Fiction(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She wanted her father to be happy, of course, but not with that evil step-mother wannabe. Unang pagkikita...