Chapter 33

582K 24.8K 32.6K
                                    

#ILWTG33 Chapter 33

"Okay ka lang, Attorney?" Indie asked. Nagbagsak na naman siya ng mga files sa lamesa ko. It was already Friday, yet it seemed like the week was just beginning by the looks of the pile of files on my desk. Hindi talaga nauubusan ng idedemanda ang mga tao.

I nodded and thanked her. Kakagaling ko lang sa opisina ni Atty. Laurel. Apparently, she read the appeal. She told me she was impressed and that she's looking forward in giving me more important cases in the firm—iyong mga high profile. Iyong mga kadalasan na hinahawakan nila Jax. I was so... fuck, I was so ecstatic! Ang tagal kong pinaghirapan 'to. Halos dito na ako tumira sa office... and now, it's happening. It felt like my bad luck has finally come to its end.

Buong araw ay abala ako sa pagbabasa at pag-aaral ng mga kaso. I felt like my head was about to explode, but I didn't want to stop. It was so near... I felt like I could almost reach it. I just wanted this thing all to myself.

Nang pakiramdam ko ay sumasayaw na iyong mga letra sa paningin ko, nagdecide ako na pumunta sa pantry para magtimpla ng kape. I needed to walk and stretch my legs. Pakiramdam ko ay kailangan ko na rin siguro ng salamin dahil sumasakit na iyong mata ko sa glare ng screen.

"Good afternoon, Atty!" Inna greeted.

I smiled. "Good afternoon."

"Gusto mong chismis, Atty?" Inna asked.

"Sure," I said as I grabbed the container of coffee and put some in my mug. I needed distraction, anyway. Pakiramdam ko talaga may internal bleeding na sa utak ko dahil sa dami ng information na pumasok dito. I was slowly getting the hang of the cases. Ang complicated lang kasi talaga kapag civil related dahil sobrang connected lahat. Hindi ko pa naman favorite iyon nung nag-aaral pa ako. But most high profile cases ay civil dahil mga kumpanya ang nagdedemanda sa isa't-isa.

"Narinig kasi kahapon ni Mrs. Torres na may soiree para sa mga lawyers sa firm. E 'di ba close 'yun kay Atty. Laurel? Pinilit na invited din siya! Grabe, tapos narinig ko na pinipilit niya si Atty. Laurel na sabihin kay Atty. Gomez de Liaño na siya ang gawing date. Kakaloka, 'di ba? 'Di pa nga finalized ang annulment, may target na agad! Balak pa yatang gawing stepfather si Atty sa mga anak niya. Kung sabagay, mukha namang daddy si Atty. Gomez de Liaño," she said dreamily habang naibuga ko iyong iniinom ko sa sobrang gulat sa huling sinabi niya.

Biglang tumawa nang malakas si Inna. "Grabe, Atty! Totoo naman, 'di ba? Sobrang daddy kaya ni Atty. Gomez de Liaño. Ang cool pa ng last name! Parang gusto ko na lang maging Mrs. Gomez de Liaño kaysa Atty. Yuchengco."

I grabbed a tissue and wiped the table. Sunod kong pinunasan iyong gilid ng labi ko pero napa-simangot ako nang makita ko na may mantsa na iyong damit ko. Tsk. Kung kailan patapos na iyong araw, e.

I didn't bother finishing my coffee dahil lumabas na agad ako. Pinag-uusapan pa rin kasi nila si Yago. If he wanted to bring Mrs. Torres as his date, then so be it. Buhay niya 'yun.

The guard gave me a thumbs up nang makita niya na for once, on time akong umalis sa trabaho. Medyo matanda na kasi si Manong kaya worried siya sa akin na ako yata may record na pinaka-late umaalis sa opisina. For once, umalis ako on time. Dumiretso ako sa mall dahil kinulit ako kanina ni Sancho if may red dress na ba ako. All my 'nice' clothes were in Pangasinan. Ang tanging meron lang ako dito sa Manila ay iyong mga pang-pasok ko. I didn't have use for the fancy clothes anymore. Trabaho lang naman lagi ang pinupuntahan ko. Besides, I didn't have the space to store all those clothes. My life's different now.

Dumiretso ako sa bahay pag-uwi. I called the driver first para iconfirm iyong sched ng pagdala kay Papa sa Manila. Ayoko rin kasi na maghintay nang matagal si Ellie dahil baka isipin niya na naman na hindi namin siya mahal. She's a kid. This impression might last... and I didn't want her to go through life while thinking that we didn't care about her.

In Love With The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon