Chapter 18

589K 20.1K 12.7K
                                    

#ILWTG18 Chapter 18

We had what I'd like to call lazy days. Nung may pasok pa, ang dami kong iniisip na gusto kong gawin, but now that we had all the free time, I just wanted to bum around at bumawi sa tulog dahil alam ko na kapag nagsimula ang second sem, mawawalan na naman ako ng time na matulog. Yago didn't seem to mind. He's just staying at my unit, but come 11pm, pinapalayas ko na siya. Tandang-tanda ko pa kasi dati na kapag ganyang mga 11pm na, kailangan naka-suot na iyong noise cancelling headphone ko!

"We have 8pm reservation," he said. Naka-ayos na siya. He's wearing a light blue long sleeves, folded up to the middle of his arms, black slacks, and white sneakers. He looked so casual. And dreamy.

"Ten minutes na lang, promise," I said kasi hindi pa ako tapos sa buhok ko. Mga isang oras na yata kasi naghihintay si Yago kaya niremind niya na ako in the most subtle way. Pero 'di pa naman siya umaabot sa point na naka-kunot iyong noo niya—feel ko dahil lang may reservation kami kaya nagreremind siya, otherwise, chill naman siyang nanonood ng cartoons habang naghihintay.

True to my words, natapos na ako sa pagkukulot ng buhok ko. Yago just looked so good kaya naman syempre gusto ko na maayos at presentable din ako! I wore a short-sleeved navy blue dress and block heels.

"Tara na," I said.

Yago stood from the couch and turned to face me. A smile quickly appeared on his face.

"Come here," he said, opening his arms.

At dahil malandi ako, lumapit naman ako sa kanya at hinayaan siya na yakapin ako. I thought nagmamadali na kami, but Yago embraced me for a good minute. I felt him planting kisses on top of my head.

"Let's go," sabi niya pagkatapos ng isa pang minuto. He was true to his words, though. Almost one week na sa Sunday, but so far, holding hands and kisses on the forehead lang talaga siya. Akalain mo 'yun? To think na sobrang active ng tao na 'to! Proven and tested ng dingding namin!

The drive was quiet. 'Di na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta dahil alam ko naman na 'di ako bibiguin ni Yago. He seemed to be serious when he said na he's been observing me since then because when I knew he had feelings for me, I was staring to realize the little things he did for me.

Nag-a-adjust din naman ako for him! Hindi na ako nagsscroll for memes sa Facebook para kapag may ipapakita siya sa akin, nasusurprise pa rin ako. Ang babaw kasi ng kaligayahan niya.

"Ano 'to?" I asked when we stopped in front of a commercial complex. I wasn't familiar with the place since 'di rin naman talaga ako nag-iikot sa Maynila.

"Basta," he said as he locked his car.

Bago pa man kami maglakad, hinawakan na agad ni Yago iyong kamay ko—a big improvement from before na nagpapaalam pa talaga siya! I hope he stops doing that dahil kapag tinanong niya ako kung pwede bang halikan niya ako, I'd probably die from embarrassment!

We reached the second floor and stopped in front of a place called Sip & Gogh. "Well, you said you liked to paint and I brought wine," he said and then showed me a bottle of wine. Kanina niya pa ba hawak 'yun?

"What is this place?" I asked, my forehead creased but feeling in awe at how Yago really thought through our dates. Kahit simple, pinag-isipan talaga niya base sa gusto ko.

"Well, it's basically where we drink wine and paint. It sounds fun," he said, looking at me and smiling.

Pagpasok namin sa loob, we were given the instruction. Yago was just smiling and silent the whole time. Sinabi sa amin na mamimili kami kung ano ang gusto naming ipaint and I chose Van Gogh's Starry Night—oh... kaya Sip & Gogh!

In Love With The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon