Chapter 28

534K 23.9K 23K
                                    

#ILWTG28 Chapter 28

My tears were falling as I stared at the monitor in front of me. I needed to write a demand letter for one of the clients, but my stupid tears wouldn't stop themselves from falling. Kanina ko pa sila sinusubukan na punasan pero hindi ko magawa. Kanina ko pa iniisip kung paano ako uuwi sa Pangasinan? Paano ko haharapin si Papa? Paano ko sasabihin sa kanya na wala na yatang pag-asa na makita niya si Ellie?

I felt like an utter failure.

"You'll destroy the keyboard." Agad akong napa-lingon sa pinanggalingan ng boses. "Your tears. Masisira 'yung keyboard," sabi niya sabay turo sa keyboard na punung-puno na ng luha ko. Shit.

I scrambled to get tissues and began to dry the keyboard... but my effort seemed futile because tears just kept on falling. Akala ko tapos na akong iyakan siya... pero isang tingin lang sa kanya at mabilis na bumalik iyong sakit na binigay niya...

Paano niya ako nagagawang tignan nang ganon?

Na parang wala?

Na parang hindi kami apat na taon magkasama?

Ganoon lang ba kadali na kalimutan? Bakit hindi ko magawa?

"I'm sorry," I said as I attempted to dry it. "What do you need?"

"I was about to ask for your notes from the Jason case... but that can wait," sabi niya habang pinatong iyong braso niya sa may pader ng cubicle ko. "What's up with you?"

Umiling ako. "Wala."

"You sure?"

I nodded as I reached for the box that contained all my notes from the different cases that I handle. Mabilis kong hinanap iyong pinaglalagyan ko nung notes nung interview namin kay Jason at saka ko inabot sa kanya.

"Thanks," he said, but he was still looking at me. I wanted him to leave because I wanted to cry in peace. Umuurong iyong luha ko dahil sa pagkaka-tingin niya sa 'kin.

"Do you need anything else?" I asked.

"Do you need help?" he asked back.

"No," I said. And it wasn't as if I could afford his service. I didn't know for sure dahil confidential iyong billing ng mga lawyer dito, but I heard na 3rd highest paid si Sancho sa firm. Jax still held the highest dahil sobrang high-profile nung naipanalo niya na case ni Senator Gozon laban sa mga Ramirez.

"Fine," he said as he took the notes with him.

Mabilis akong bumalik sa pagta-type ng demand letter habang dumiretso na naman iyong pag-iyak ko. Hanggang sa maka-balik ako sa bahay, mabilis akong nagtalukbong dahil ayoko na makita ako ni Jax na umiiyak. I knew that he'd know na tungkol kay Yago... iyon lang naman ang dahilan ng pag-iyak ko.

"Rory," he called. "I bought food."

"Ayokong kumain."

"Sabayan mo na lang ako. Malungkot kumain mag-isa."

"Sanay ka naman kumain mag-isa," sagot ko sa kanya.

Bigla siyang natahimik. I felt like he was watching me even though he couldn't see me... and I knew that he knew why I was acting this way...

"Bakit alam mo iyong tungkol sa letter?" I asked him.

"Yago called me."

Agad akong nagtanggal ng talukbong. "You have contact with him?" I asked, feeling betrayed. Here I was, thinking that Yago abandoned all of us... Iyon na lang iyong tanging dahilan kung bakit hindi pa ako tuluyang nababaliw... Kasi hindi lang naman ako iyong iniwan niya... Kaming lahat... Pero mali pala ako. Ako lang pala iyong iniwan sa ere.

In Love With The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon