A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
CHAPTER FORTY ONE - FUTURERyza Mae's Point of View
Graduated na kami nila zandra, ang bilis ng panahon 'no? Parang kailan lang, pumapasok pa kami sa school. Ngayon, mag hahanap na kami ng mapag-tratrabahuhan. Kailangan na naming mag hanap ng trabaho dahil hindi pang habang buhay, palaging pasarap sa buhay. Maraming hangarin at pala-isipan sa buhay kaya kailangan mong maging malakas sa lahat ng bagay. Expect the unexpected eka nga nila.
Ilang buwan na lang, mag kikita na ulit kami ni jin. Ang sabi niya kasi, after his contract, mag sasabay na sila ni kai sa pag punta dito sa pilipinas. Sabay lang naman ang contrata nila kaya isasabay niya na daw si kai. Nakaka-excite lang din dahil makikita ko na naman ng masaya si zandra. Iba kasi talaga ang saya niya kapag kasa-kasama niya si kai at alam kong iyon lang ang makakapag pasaya sa kanya, ang makasama ang taong minamahal niya na si kai.
Isa siyang matalino, mayaman, mabait, malakas, caring, sweet at matapang na tao. Kaya talagang maninibago ka kapag dumating na 'yong point na mapalitan niya ng lungkot 'yong masayang buhay niya. Ibang babae talaga siya, palaban siya sa lahat ng bagay. Lahat ng gusto niya kinukuha niya kahit gaano siya mahirapan.
" Sa kasal namin ni kai, kukuhanin kong maid of honor si mama. " Wika ni zandra. Narito kami sa alegria habang Lumalanghap ng mga sriwang hangin.
" Bakit hindi ako? "
" Of course, double wedding ang gagawin natin. " Sagot niya. That was a great idea! Advance kasing mag-isip itong si zandra kaya niya naisip 'yon. Ayos lang naman dahil iniisip niya na ang future niya.
" Kailan ba ang kasal? Matagal pa 'yon ah? " Tanong ko sa kanya habang ngiting ngiti. Nilapag ko ang ulo ko sa balikat niya habang naka tingin kaming dalawa sa langit.
" Gano'n talaga, kailangan, pinag hahandaan na natin 'yong magiging future natin. "
" Ilang anak ang gusto mo? " Tanong ko.
" Isa. "
" Isa lang? "
" Isang damakmak na anak. " Aniya. Humagalpak siya at hinampas niya ako sa balikat ko. Kahit kailan talaga loko loko 'tong babae na 'to e. Sabagay, sino ba naman ang hindi gugustuhing magka-anak ng marami sa isang kpop idol? Halos lahat naman gustong mag kagano'n eh. HWAHAHA!
" Ikaw ba ilan? ilan ang gusto mong maging anak? " Tanong niya naman sa akin.
Ngumisi ako " One lang din. " sagot ko.
" One? Isang damakmak? "
" One-tusawa! " humagalpak kami at nag apir kaming dalawa. Basta sa kalokohan nag kakasundo kaming dalawa eh. Hahhahaha! Kaya masarap kasama 'tong babae na 'to eh. Sila danica , charlotte at jennilyn mga may jowa na eh! And yes, si jennilyn, she has a boyfriend. Gwapo din ang boyfriend niya. Well, friendship goals 'to kaya ganito mga itsura ng jowa namin. Walang pangit, puro gwapo. 'Yon kasi ang goal din talaga namin, pero syempre hindi ko nagustuhan si jin dahil lang sa gwapo siya, nagustuhan ko siya sa personality niya, sobrang bait at caring na tao niya kung alam niyo lang.
Sino ba naman ang hindi mahuhulog ng ganito kay jin? Halos na sa kanya na ang lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki kaya wala na akong mahihiling pa kung hindi ang makasama siya hanggang sa pag tanda naming dalawa.
" Malapit ng matapos ang contract nila jin ah? " Sambit ni zandra at ngumiti siya sa akin
" Oo nga eh. Ano kayang ganap after the contract? "
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is an Idol [ COMPLETED ]
Hayran KurguJenKai Fanfiction: Mahirap maging isang fangirl or fanboy dahil sa una't sapul, alam mo na agad na kailanman ay hinding hindi mapapasayo ang taong iniidolo mo. Pero paano kung, dumating ang araw na, mapunta siya sa'yo sa hindi mo inaasahan? © All R...