Chapter 2.5 - Makakakilala Ako ng Isang Damuho (M.A.I.D.)

38 0 0
                                    

"Ibaba mo na yan."

HALA?! ANONG IBABABA?! OMG! ANO TO?! NAKO LAGOT NAAA! GOODBYE VIRGINITY!!!

"Ibaba mo na sabi e!"

"Ayokooo!"

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Ibaba mo na yung phone! Nakalagay pa sa tenga mo."

Ay. Ang feeler ko naman. Hehe.

Sa wakas at huminto na rin kami. My fudge, I'm sweating like a hog.

"Bilisan mong bumaba." Ang taray naman nito. Nakakainis!

Nauna na siyang bumaba at sumunod na ako. Buti hindi niya in-auto lock kanina. Ignorante ako dito sa sasakyan niya e.

Woah.

Nakakalaglag napkin naman itong bahay nila Bryce. Buti nalang napulot ko agad bago niya pa makita.

Napakahaba pa ng lalakarin mula sa gate papunta sa mismong bahay nila. Medyo nagpapant na ko pagpasok namin sa loob.

And there. Andaming maids na nakapila alongside. Sa sobrang dami nila, napakahirap i-pinpoint kung sino yung nakausap namin sa phone.

May lumapit sa aming isang lalaki. "Good afternoon sir." sabay bow sakanya.

"Mr. Wook."

"Yes,sir?"

"Pagdeday off-in muna kita."

Nagulat naman ito sa sinabi ni Bryce.

"Hoy ikaw." at ako naman ang nagulat. "Ikaw ang papalit sa kanya. Pag pumalpak ka, ibabalik ko si Mr. Wook. Maliwanag?"

"Ah. Oo, oo." tumango-tango ako ng paulit-ulit sa taranta. Kawawa naman si Mr. Wook. Feeling ko ang epal ko.

"Mr. Wook, paki-tour naman siya dito sa bahay. Ituro mo sakanya ang lahat ng alam mo." sabay alis niya.

"Opo, sir. Halika na."

Sumunod naman ako kay Mr. Wook. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ayoko ng ganito. Bilang taklesa, ako mauuna. Walang aangal!

"Mr. Wook." sabi ko habang sinisilip ang mukha niya.

Mr. Wook: :|

Ako: X.X

"Eto ang sala. Ito ang pinakaimportante sa lahat. Bilang personal maid, kelangan mo rin namang maglinis kahit papaano. Ikaw rin ang in-charge sa mga iba pang katulong na naglilinis dito." nagsimula nanaman siyang maglakad. Tinuro niya rin ang mga kwarto ng parents, ng mga maids, kwarto ko, kitchen, basement, porch, bathroom, dining no. 1, dining no. 2, conference room, bodega, silong ng kama, loob ng baul, shoe rack, at pati na rin ang butas kung saan dumadaan ang mga daga. Pero shempre joke lang yun. Last naming pinuntahan ang kwarto ni Bryce, pero sa labas lang.

Finally, nagkaroon ako ng guts para kausapin ule si Mr. Wook. Para naman tumigil siya saglit. Pagoda Cold Wave Lotion na ang lola ninyo.

"Mr. Wook. Uhm, sorry po. Hindi ko naman po alam na papalitan ko pa kayo. Akala ko p--"

"Bata ka pa iha ah. Hindi ka ba nag-aaral?" tanong niya sakin, pero nakatingin siya sa dinaraanan namin.

"Uhm, huminto po ako. Wala po akong pera."

"Ang mga magulang mo? Kamag-anak? Nasaan sila?"

"Lumaki po akong wala sila. Yung mga kamag-anak ko po, hindi po alam na naghiwalay ang parents ko. Yung lolo't lola ko naman po, wala na."

Tumingin na siya sakin ng dahan-dahan. "Alam mo bata, hanga ako sayo. Sa itsura mo, ikaw ang pinakabata na nang-ahas na magtrabaho dito. Ano nga palang pangalan mo?"

"Syntyche po. Syntyche Jamison." nag-smile ako. "Teka, bat po 'nang-ahas'? Ano po bang meron?"

"Hindi ko alam kung nasa lugar ba ako para sabihin to. Nag-iba kasi siya simula nung nangyari yun sakanya.."

"Hm, hulaan ko po? Heartbreak no?!"

Nagsmile siya.

"Ah. Sabi na e." napapoker face ako. Bakit naman kaya.

"Sige. Yun lang. Maiwan na kita. Marami ka pang kailangang gawin. Good luck sayo, bata."

"Mr. Wook." napahinto siya sa paglalakad. "Napakabait niyo po. Salamat."

Ngumiti ako at siya naman nag-bow sa akin.

Lumingun-lingon ako sa paligid para pagmasdan ang bahay nila Bryce. Talagang napakahuge! Teen Cribs lang ang peg. Extreme Cribs pa! May fountain pa sa center ng lahat ng floor.

Teka, nasan na ba yung pagsisilbihan ko at bat hindi pa bumabalik? Hm. Baka naman nauna na dito sa kwarto niya. Katukin ko nga.

*tok tok tok*

"Hello?"

*tok tok tok*

Sinubukan kong pihitin ang door knob. Ay, bukas.

*tok tok* "Hello? Papasok ako ha?"

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

"Hoy! Sino ka?!"

"Ay kabayong pandak!" Sino naman yung etchoserang yun?! Nabalibag ko tuloy yung pinto!

"Hey! I'm asking you kung sino ka! SAGOT AGAD!"

"Hoy. Makasigaw ka naman diyan! Parehas lang tayong bagong Chiminey Cricket dito no!"

"What?!" what what pa to. Tapos makapagbihis kala mo sosyalin. "Do you know who you're talking to?!"

"Hinde. Sino ka nga ba?!"

"MR. WOOOOKKKKK!" sigaw nito. "MR. WOOK NASAN KA BA?!"

"Wala na. Ako na ang papalit sa kanya."

"Whu? NO! Di ako papayag! Sino bang nag-hire sayo?!"

Bigla namang dumating si Bryce mula sa hallway sa likod ng tikbalang na ito. "What's the commotion all about?! Ang ingay!"

"Eto kasi e! Sinabihan ba naman akong isang chimay?! Isang muchacha?!" Ay infairness. Nakakaintindi siya ng beki language. Mabuhay tayong mga vaklerr!

Wait... Oh my.. Nako lagot. nanaman! Pag ako nasisante hindi pa nga ako nagtatagal ng isang araw! T__T

"Hala. Nako. Pasensya na po. Hindi ko naman po alam na hindi po kayo katulong tulad ko." Lumuhod ako sa harap nilang dalawa.

"Pasensya na po pero sino po ba kayo?"

"Kapatid ako ni Bryce. Older sister."

Dedbolz na talaga ako dito. Ipararatrat ako nito sa tropang niyang kabayo T^T.

"Kulang pa yang pagluhod mo!"

"Sorry na po!"

"Hoy. Tama na yan. Ate. Iwanan mo na kami dito."

"Bryce baka nakakalimutan mong---"

"Ate, ayokong makipag-away. Please."  Inirapan lang siya ng kapatid niya at humarap naman sa akin.

"Pagbibigyan kita ngayon. Ngayon lang. Pero sa susunod, kung ayaw mong matanggal sa trabaho, matuto kang rumespeto." at umalis na ang bakekang.  

"Papasensya na. Hindi ko talaga ala---"

"Tumayo ka na. Linisin mo ang kwarto ko. Binabayaran ang oras ng service mo dito. Aalis lang ako saglit. Bukas na bukas, pagkabalik ko dito, dapat maayos ang kwarto, ang sala, ang lahat. Ayokong mapahiya sa mga bisita ko."

"Opo Sir."

Again ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon