~♫Everytime I see your face
My heart takes off on a high speed chase
Now don't be scared, it's only love
Baby, that we're falling in♫~
"Hello?"
"I can't wait to tomorrow!! This feeling has swallowed me wholeeeee! And ay know dat ayb LOST CONTROOOLL!!!"
"PSST! HUY! ANG INGAY MO! DI KO MARINIG YUNG KAUSAP KO SA TELEPONO!" and that made her shut her mouth. Pero ang galing ha. Alam niya parin tong kantang to kahit medyo luma-luma na.
"Sorry. Hello Kryler!"
"Pare! Buti naman kilala mo pa ko!"
"Onaman. Oh, bat ka nga pala tumawag?"
"May reunion ang batch naten sa bukas!"
"Talaga?"
"Yep. Na-inform ko na ang tropa naten. Pumayag na sila. Ikaw nalang kulang."
"Anong oras ba yan?"
"7:00pm. Sa TGIFridays ng The Fort. Oh ano, game ka ba?"
"Titignan ko. Baka kasi may meeting sa company e."
"Sus! Puro ka company! Minsan ka na nga lang magliwaliw e! At isang beses lang to gaganapin bro! Come on!"
"Hm. Sige sige."
"Yes!" he exclaimed. "Ay by the way, isama mo pala si Cindy."
"That's never going to happen."
"Ha? Bakit naman? Nag-away nanaman ba kayo? Nagbreak?"
Hindi ako makasagot. Ayoko nang sumagot. At ayokong marinig pa ng babaeng ito.
"Uhm. Sorry. Basta kelangan may ka-date ka! Mapapahiya ka sa tropa at sa mga girls kapag wala! Magiging hot topic ka nanama---"
"Ts. Edi di nalang ako aatend! Sha, bahala na! Nagdadrive ako!" then I hanged up.
"Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan?" I snapped my fingers near her face. "And stop drooling. Ang pervert ng dating."
Napapunas naman siya sa labi niya. "Ang kapal ng apog mo! Anong akala mo saken, pinagnanasaan kita?! Hell no!"
"Ewan ko sayo."
....
A few seconds later, she spoke. Sabi ko na nga ba e, hindi niya kayang hindi magsalita.
"Sino nga pala yung kausap mo?"
"Wala ka na dun."
I heard her whisper. "Taray naman neto."
"Ganun talaga."
"Eh, bakit ka naman galit na galit? Meron ka ba?"
"Ang kulet kasi e! Tsaka, anong meron?"
She giggled. "Wala, wala."
"Meron tapos wala. Ang gulo mo."
"Wala ka na din dun." tumirik pa yung mga mata niya. "Teka, san nga pala tayo pupunta?"
"Basta. Ako na bahala."
Wala pa talaga akong idea kung saan kami mamamasyal. Sa park? Too corny.
"Ikaw?" I said unconsciously. "S-san mo gusto?"
"Hmm. Sa mall nalang. Matagal-tagal na akong di nakakapunta dun."
"Sige."
I drove off to MOA since yun naman ang pinakamalapit mula sa kinalalagyan namin. Mukhang tuwang-tuwa naman siya ng makarating kami dun. Para siyang isang Ungga na kabababa lang ng bundok apo. Nag-ikut ikot kame sa first floor. Pero first floor palang, surrender na siya. Naawa naman ako kaya nagpahinga muna kami sa bench at kumain kami ng Ice Cream. Maya-maya, pumunta na kami sa mismong department store. At dahil binawasan niya yung mga damit niya, binilihan ko siya ng bago.

BINABASA MO ANG
Again ♥
Teen FictionIt all begins when Synt, a 17 year old junior student, met Byrce in an accident, cursing him from that day on. But destiny plays with them, causing these two to meet AGAIN. Will they remain enemies forever? Or their hate towards each other will bloo...