Si... Si Bryce?!
Teka bat ba ko nagtatago?! Psh.
"Sige miss, kunin mo na yan." binitiwan niya na yung bote at kumuha ng isa saka umalis.
Woooh. Grabe. Kinabahan talaga ako.
Sinamantala ko na ang pagkakataon na nag-iikot parin siya. Dali-dali akong pumila para bayaran na yung mga pinamili ko.
Pero sa kasamaang palad nga naman, nakasabay ko siya dahil dun siya sa kabilang pila. Nakita kong nag-smile siya saken. Ambaet naman pala nito e. Kaso pag nalaman niya na ako to, lagot na T_T
"Next."
"Next po!"
Ay. Ako na pala. "Sorry." nilapag ko na yung mga pagkain. Natawa pa si Bryce. Tawa-tawa to. Sipain ko to e.
"50 pesos po." inabot ko na yung bayad. "Kuya, pakibilisan lang ha. Nagmamadali ako.
Inignore lang ako nung cashier. "I recieved 100."
"Alam ko! Ako nagbigay sayo niyan e!" ganti ko. Napayuko naman yung lalaki. Haha.
Sa likod ko, may babaeng karga-karga ang bata. Siguro anak niya. Tinatapik ako nung bata. Gusto ko mang lumingon pero nagsistiff ako dahil katabing katabi ko na si Bryce. Umiyak tuloy yung bata.
"Ssshhh. Wag mong guluhin si Ate!" sabi nung babae dun sa baby.
"Okay lang po." sabi ko naman habang nakatalikod.
Tinapik ako ule nung bata sa ulo.
And this time, natanggal yung hood na suot ko.
"Fuck!" bulong ko sabay kuha agad sa pinamili ko sabay talikod agad.
Jusko. Sana naman di ako naaninag nung damuhong yun.
"Miss!" oh my god. Pano to?! Isip Syntyche, isip!
Tinakpan ko yung mukha ko gamit ang kamay ko.
"Miss, sukli mo nakalimutan mo."
"Ah sige thank you."
Aalis na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso.
"Wait nga lang..." narinig kong sinabi niya.
Hinarangan niya ako. Yumuko ako agad.
"IKAW?!?!"
Bryce's POV
"IKAW?!?!" napalakas pa yung pagkasabi ko sa sobrang gulat ko sa nakita ko. Nawala yung gaan ng loob ko sakanya nung nalaman ko na siya pala yung muntik nang masagasaan at yung napagkamalan kong budul-budol.
"Oh ano, bakit?!" sabi naman niya.
Kinaladkad ko siya papunta sa labas para hindi naman nakakahiya sa mga tao sa loob ng 7-11. Ano ba yan, nakita niya pa ako dito. Isang mayaman nagse-7 11 lang?
"Aray! Bitiwan mo nga ko!" at sinunod ko naman siya. "Ano bang ginawa ko sayo?! Tindahan mo, tindahan mo?!"
"W-wala.. nagulat lang ako. S-sorry."
Kumalma naman ang hitsura niya pagtapos ilagay yung hood niya. Maganda nga talaga siya, kaso gusgusin. Ano ba naman tong babaeng to. Ay teka.. hindi ko pa pala alam pangalan niya.
"O-okay lang yun."
*awkward silence*
Magsasalita na sana ako kaso nauna siya. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"Bibili. Obvious ba?"
"Taray neto! Supalpalin kita diyan e."
"May sinabi ka?!"
BINABASA MO ANG
Again ♥
Genç KurguIt all begins when Synt, a 17 year old junior student, met Byrce in an accident, cursing him from that day on. But destiny plays with them, causing these two to meet AGAIN. Will they remain enemies forever? Or their hate towards each other will bloo...
