Chapter 8 - Runaway?

41 2 1
                                        

-------------

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

Puti...

Lahat ng nakikita ko ay puti...

*blink blink*

Ang blurred parin ng panigin ko.

"Ano kayang nangyari?! Siguro... SIGURO PINAGSAMANTALAHAN AKO NUNG NAWALAN AKO NG MALAY! TAPOS PINATAY NILA AKO! WAAAAA! NAKOOOOO! SI BRYCE ANG MAY KAGAGAWAN KUNG BAKIT PATAY NA KO! MUMULTUHIN KO SIYAAAA!" I yelled.

"HOY ANO BA?!"

What the? Parang boses yun ni Bryce ah.

P-patay na din siya? Hmm. Siguro sinubukan niya akong iligtas pero sa kasamaang palad chinoge din siya ng mga walang awang rapist.

"B-bryc--- OUCH!" sumakit yung ulo ko. May feelings din pala ang mga spirts. 

I continued. "Buti dito ang bagsak mo? Akala ko ipapasunog ka sa baba e. Hahaha."

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?! Hoy! May atraso ka papala saken! Akala mo madadaan mo ako sa mga kabaliwan mo?!"

Teka nga....

Minulat ko ng todo-todo yung mata ko. 

Ay. Puti pala yung kisame. Akala ko wiz na ako sa mundo.

"AY!" bwiset tong lalakeng to. Nagulat pa ako nung bigla siyang lumitaw sa tabi ng kama!

"Diyan ka natulog sa baba? Wow. Ang gentleman mo pala."

"Ano ka, ang kulet mong matulog! Inokyupa mo na lahat ng space sa kama kaya nagdecide nalang akong matulog dito sa baba!" sabay kamot niya sa ulo.

"ANO?! I-ibig sabihin... tinabihan mo ako?! ANONG GINAWA MO SAKEN?!" Nakoooo! Eto na nga ba ang sinasabi ko! I SHOULD HAVE KNOWN FROM THE START! HUHUHU T____T

"Hoy! Wag ngang masyadong makapal ang mukha mo! Di ko yun gagawin sayo no! Tsaka wag ka ngang maingay diyan! Isipin ng mga tao dito totoo yang mga pinagsasasabi mo!"

Chineck ko yung loob ng kumot ko kung may damit pa ako. Whoooo. Safe.

"W-wait, bakit mo nga pala ako pinapunta pa dito? Diba sabi ko naman na dun ako kela Sayer matutulog? Tatlong linggo na akong walang day off! At ang masaklap pa, pinaghintay mo ako ng napakatagal!"

"Wag ka ngang magreklamo diyan!" tumayo siya. "Pinapunta kita dito kase pakialamera ka!"

Anong sabi niya?! PAKIALAMERA?! Aba! Gago to ah!

"Pina--"

"Hindi pa ako tapos magsalita! Sino ba kaseng nagsabing pakialaman mo yung mga yun?!" tinuro niya yung box dun sa likod niya. Sinilip ko para makita yung nasa loob. Ay yung collection niya pala ng pandas.

"Bakit? Ayaw mo bang masabihang bading ka? Well okay lang naman e. In fact, cute iyon para sa isang lalake."

Ugh. Anong sabi ko? Erase!

Napatigil siya sandali sa pagsasalita. After 2.4536858 seconds, pumutak nanaman siya.

"I-i don't care! Basta! Don't touch anything unless I told you so! Ang hirap kase sayo, masyado kang nangingialam ng mga bagay-bagay!"

"Hoy! Sumosobra ka na talaga! Para yan lang e! Bakit ba napakapikon mo?!"

"Oh ayan! Nangingialam ka nanaman! Di mo kase naiintindihan! Alam mo, magday-off ka nalang ng isang buwan. Or isang taon nalang para mas masaya. Diba yun naman ang gusto mo? Wag kang mag-alala may sahod parin yun. Wag ka lang babalik dito."

Again ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon