Chapter 3 - Bitchass and Assmonkey

52 1 0
                                        

"Miss, misss! Yooohooooo! Wazzzup mizzz? Uh-huh?"

Punyeta. Sino ba yun?! Ang sarap sarap ng tulog ko e!

"Miss! Wakey wakey! The sun's shining brightly!"

"Summer! Ano ba! Natutulog ako!"

"Hay nako. Kelangan mo nang gumising, Miss! Nandiyan na si Ms. Castige!"

"SUMMER NAMAN E! ANG KULET!"

*Paak!*

"Aray!" omaygali. Hindi na si Summer yun!

Bumangon ako para tignan kung sino yung nasampal ko. Sana naman hindi yung tikbalang na kapatid ni Bryce!

"Nako ate! Sorry! Akala ko yung bestfriend ko! Pasensya na!"

"Hmm.. it's okay. Ano nga palang name mo?"

"Syntyche. Just call me Synt. Ikaw?"

"Ah, ako si Maya! Yaya din ako dito! Pero alam mo, dati akong PM ni Sir Chief!"

"Sir Chief? Sino yun?"

"Edi si Sir! Yung masungit! Hihi! Wag kang maingay ha."

Mukha siyang auti. Pero I like it. Para siyang yung kapatid ni Kimmy na si Dora.

"Ah oo. Sunget sunget sarap ingudnguod no?"

"Uy! Don't be like that! Kahit naman ganun yun, mabait din yun! Ngayon lang ulit nagsungit! Gwapo pa naman no? Hihi!"

*wiiiissshhhiiinggg*

Biglang bumukas ang pintuan. Shems. Akala ko kung sinong aswang.

"MAAAYYAAAA!"

Amp! Ang eardrums ko! Nagbabanda!

"Miss Castige!" tuwang-tuwa niya pang sinabe.

"Sabi ko na nga ba't ikaw na naman ang kukumpleto sa kulang na bilang ko!"

"Naku.. sorry po!"

Napansin naman ako ni Miss Castige.

"Oh ikaw, sino ka naman?" angas niyang pagtatanong na may kasama pang pagtango.

"Uhm... bago pang personal maid ni Bryce."

"How dare you call him like that. Walang galang!" she scowled. "S-si Wook, asan na?!"

"Hindi ko po alam. Pinagday-off po siya ni.. ni SIR Bryce." nilagyan ko ng emphasis yung pgkabigkas sa 'sir' in a sarcastic manner.

"Hmp!" bigla siyang tumilakod na parang CAT tsaka umalis.

"Psst."

Eek! Hindi ko namalayang nagteleport na sa likod ko na si Maya.  

"I'm going to tell you a secret, huh?" she continued.

"Ano yun?"

"May crush kasi yung si Mss Castige kay Mr. Wook! Hihihih." then she giggled.

"Ah ganun.." Jusko. Akala ko naman kung anong sikreto yun. Haha. Pero antarush ni Mommy Castige ha, mas makire pa sakin. Bwahaha.

Bumaba na kami ni Maya at sinundan ko siya papunta sa kitchen.

"Cook ka pala dito?"

"Hmm. Cook slash cleaner. Harhar!" sabay suot niya ng toque. Nagsimula na siyang magluto kaya naman di ko na siya inistorbo pa. Pinasyal ko nalang ang mga mata ko sa paligid. Pero masama pala, baka mamaya maging food monster ako dito.

Napalingat ako sa orasan sa taas ng pintong magara. 6:25am na. Sus. Mamayang 6:30 ko na gigisingin si Bryce.

Hmm... where does that enormous door lead? Hindi naman siguro ako mapapahamak kapag sinubukan kong sumilip kahit konti.

Again ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon