“Synt! Pwede ka bang makipag-meet sa customer natin ngayon?”
“Huh? Bakit ako?”
“May aasikasuhin kasi ako eh.” sabi ni Summer, ang aking bestfriend, habang nagmamadaling isuot ang blazer niya.
“Ah, osige sige pero hindi ko pa kilala yun eh. Ano bang pangalan nun?”
"Basta hanapin mo, Sir Bry!" sabi nito at bigla nang kumaripas ng takbo na parang kabayo.
“WAIT! WAIT!” Jusko naman! Ano ba tong si Summer! Sumasakit ang medulla oblongata ko sakanya!
Bahala na.
Pumunta na ako sa Rai Rai Ken para puntahan yung sinasabi ni Summer. Muntik ko pang makalimutang bumaba ng jeep. XD
Bigla akong nakaramdam ng kaba nung papalapit na ako sa pintuan. Ni wala man lang akong background dun sa imi-meet ko. Bat nga ba ako kinakabahan?! Customer lang naman to e. Keribels ko to.
At nakapasok na talaga ako ng tuluyan. Heto na, nagsesearch na ang aking beloved eyes sa Bry na yun. Wait, di kaya yun yung lalaking yun? Na nakasuot na parang racer ang dating?
“Sus. Eto naman na siguro yun.” bulong ko sa sarili ko. “Plus, palingat-lingat siya sa orasan niya. Siguro kanina pa siya naghihintay.”
Dahan-dahan kong nilapitan yung lalaki.
“Excuse me.”
Tinignan niya ako with one eyebrow raised.
“Kayo po ba si Sir Bry?”
“Sir Bry?!” he laughed. “H-how did you know?”
“Sinabi po sa akin ni Miss Summer Lesedi, yung dapat niyo pong ka-meeting ngayon. Pero may aasikasuhin lang po siya for the mean time so ako po muna ang papalit sakanya. Sorry po, sir.”
Natagalan ang lalaki bago sumagot. “Is this some kind of a joke?!”
Hindi ba to makaintindi?! May inaasikaso nga eh! Kung dinescribe ni Sam na ganito pala ugali ng asungot na ito eh di sana pinabulok ko nalang siya dito.
(a/n: Sam = SAMmer)
“Sorry po talaga sir.” Epek lang. hehe. “Kung ayaw niyo po, papapuntahin ko nalang siya dito ASAP.”
Bigla siyang tumayo.
“Ano bang pinagsasasabi mo diyan?!” Aba! Kung makaasta parang foreigner! Di makaintindi ng tagalog!
“Please sir, calm down.” Dapat sabihin ko pala yun sa sarili ko. Baka di ako makapagpigil isako ko tong damuhong ito at pausukan.
“Calm down?!” napatingin ang mga customers samin. “Are you trying to trick me?! Siguro isa kang budul-budol no?! Wala kang makukuha saken! I spent it all on a girl who… who..” napatingin siya sa baba at tumigil sa kakaputak.
Bipolar ata to e! Nyemas, ano bang customer ang nakuha namen?! Sa dinami-dami ng naghahabol sa shop, eto pa ang napili ni Summer! Pero hindi nako magtataka. Mahilig yun sa gwapong may sayad.
“HOY!!” hindi ko na napigilan ang sarili ko. “SUMOSOBRA KA NA AH! KUNG AKALA MONG BIRO TONG PAGTATAMBLING ALL THE WAY PAPUNTA RITO, PWES HINDI! IMBES NA NANUNUOD AKO NG SHOWTIME NGAYON EH NANDITO AKO NA KINAKAUSAP ANG ISANG LOKARET NA MAMAW!”
Nakakainis! Napawalk-out tuloy ako with my shining shimmering red stilettos! UGH! Bwisit yung Bry na yun! Pag nakita ko pa ulit yun jojombagin ko na! >.<
His POV
Sino ba yung babaeng yun?! Maganda sana eh, kabaliktaran naman ng ugali! Ang mga tao talaga, maski babae nakikipagsapalaran na sa mga krimen. At tinawag niya pa akong Bry! Akala niya siguro masa-stun ako sa ginawa niya, pero hinde! Kinamumuhian ko na ang nag-iisang tumatawag sa akin ng ganun…
Hay. Sumakto pa sa pagkabadtrip ko.
Ay. Ako nga pala si Bryce. Bryce Francho. Prantso ka diyan. Franko pagkabas niyan. Isang fourth year college student slash car racer. 19 years old. At badtrip ako ngayon. Ayoko mang ikwento pero sige gagawin ko. Baka nalabuan kayo dun sa pa-epek na prologue ng author.
She is.. I mean was. Was once my everything. Si Cindy. Nagkakilala kami sa Formula One sa Canada 9 months ago. Naging magkaibigan kami ng halos 3 buwan bago ko siya niligawan. And I was very happy when she said that she felt the same way too. Hiniling niyang umuwi kami dito sa Pinas, and in a second were here. Gusto ko lang naman kasi na mapasaya siya. Sabi niya pa, gusto niyang umuwi dahil gusto niya daw kami na dito ikasal someday, though I know the reason - dahil naglayas siya sa parents niya. (I know, dapat di ko tinolerate yun.)
Pero hindi pala. Nung nandito na kami, sabi niya hindi pa daw pala siya ready makipagrelasyon, but she promised that she will come back to me someday. Umasa ako. Umasa ng umasa. Hanggang sa nakita ko siya na may kasamang ibang lalaki sa school. Sa mismong harap ko. Ang saklap. Nagpakatanga ako para sakanya. Hindi ako naniwala sa parents ko, at kahit nakahahalata na ako ay binalewala ko iyon. Ayoko kasi siyang mawala.
Buti nalang nawakasan na ang pagiging tanga ko. Buti nalang sinampal na ako ng katotohanan.
Ang drama kong lalake. Alam niyo yun.
Syntyche’s POV
“SIINNNNTTTIIKKKKEEEE!”
Aray! Sumakit ang tenga ko sa sigaw ni Summer. At binibigkas nanaman niya ng literal ang pangalan ko. ‘Sintik’ kasi ang pagbasa diyan---
“SIIIINNNNTTTIIIIIKKKKEEEE!!!!!!”
“HOY! ANO?! BAKIT?!”
“ANONG GINAWA MO?!” bulyaw niya sakin. Shocks, ang laki nga talaga ng bunganga niya.
“ANO NANAMAN?!”
“BAKIT HINDI KA NAKIPAGKITA KAY SIR BRY?!”
I smirked sarcastically. “Sinut-sinto talaga yang crush mong customer. Eh halos lamunin na nga ako ng buhay ng inis ko dun e! Sinabihan ba naman akong isang budul-budol?!"
"Ha?! W-wait.. hindi ganun si Sir Bry! Wala siyang alam sa tawag-pangkanto. Tsaka.. anong crush ka diyan? Majonda na yun no! 45 years old na yun teh, tapos magkakagusto ako?! YUCK!"
Hmm, nagpapabelo siguro yun. Mukha siyang 18 huh. "Ah basta. Masama parin ang breeding nun. Wag kang maniwala dun! Masama talaga siya!”
“ANO BANG PINAGSASASABI MO?!” Nagpameywang siya. “NAGUGULUHAN NA AKO AH! TEKA, SI SIR BRY BA TALAGA YUNG KINAUSAP MO?!”
“Oo! Nagtaka pa nga siya kung pano ko nalaman ang pangalan niya e!”
“Anong suot?”
“Hmm, naka red and white na pang racer ang dating.”
*insert Summer’s facepalm here* “God. We’re really doomed.”
“At bakit naman?”
“I’m sure, hindi si Sir Bryan yun! I should’ve said his whole name. Si Mr. Bryan Anciano. Siya ang bagong nagmamamanage nitong Tellars Square.” She sighed, I gasped. “This is all my fault. Ngayon ay malulugi na tayo. Bibigyan niya tayo ng isang linggo para lumipat ng store. Nagalit siya dahil naghintay daw siya ng napakatagal pero no one showed up.”
Oh myy. Ugh. Nakakainis talaga tong araw na to! May sumpa.
“Uhh, what now?”
“Ewan ko Synt.” napaupo si Summer sa desk, face down.
I patted her shoulder. “Don’t blame yourself. Ako rin naman e. Hindi ako nagpakasigurado. Hayaan mo na, nangyari na e. Maghanap nalang tayo ng paraan kung paano natin to masosolusyunan.”
I left her for a while para makapag-isip ng mabuti. Paano na to? Eto pa naman ang tanging paraan para makapag-aral ako.
Ay, teka. Hindi ko pa pala naikekwento sa inyo ang buhay ko. Maski simpleng introduksyon lang. Ako nga pala si Syntyche Jamison. 17 years old. Third year college sa Collingsworth Burgress University. Only child ako sa pamilya. Ay, may word bang ganun? Kasi para sakin wala. Naghiwalay kasi ang mga magulang ko when I was 13. Ang grandparents ko ang kumupkop sa akin noong hindi nila ako kinuha. Sa kasamaang palad, they both passed away several years ago. At ang shop nalang ang pinagkukunan ko ng tuition and baon ko sa araw-araw. Minsan nga lang yang baon-baon na yan e. Kinukulang pa ko para sa iba pang mga fees tulad ng U-Pass at HSIP. Buti nalang nandyan din yung mga kaibigan ko para suportahan ako.
Hay. Ano na kayang mangyayari sakin ngayon?

BINABASA MO ANG
Again ♥
Fiksi RemajaIt all begins when Synt, a 17 year old junior student, met Byrce in an accident, cursing him from that day on. But destiny plays with them, causing these two to meet AGAIN. Will they remain enemies forever? Or their hate towards each other will bloo...