Chapter 41: Valentines Surprise

190 17 14
                                    

Athena POV.

"Mommy wait up! Dyan ka lang po muna. Let me cover your eyes."

Sabi ng anak ko at nilagyan ng takip ang mga mata ko. Nakauwi na kami sa mansyon. It's already 7 in the evening. Kagagaling lang namin sa Mall. We celebrate Valentines outside na kami lang ni Tino. Hindi sumama si Mom kasi may inaasikaso siyang mga issue sa kompanya. I told her na ako na ang gagawa but no. She refused it. She want to fix it by her own. Ganon si Mommy. She's very protective and I understand her.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse. Naramdaman ko na hinawakan ni Tino ang mga kamay ko.

"Mom aalalayan kita. Okay?"

Tumango na lang ako bilang sagot.

"Put your right feet down," rinig kong sabi ng anak ko.

Sinunod ko ang gusto niya. Hawak pa rin niya ang mga kamay ko.

"Then next your left feet."

Nang maramdaman ko na nakababa na ako sa sasakyan, binitawan ni Tino ang mga kamay ko.

"Wait Mom, stand there. Don't move. Kukunin ko lang po ang mga gamit mo sa loob ng sasakyan," he said.

Tumayo na lang ako sa kinatatayuan ko. It's weird. Nakaramdam ako ng kaba. Ewan ko ba pero recently I always feel nervous. Siguro dahil sa kakainom ko ng kape. I don't know but maybe.

"Let's go, Mom!"

Hinawakan ulit ni Tino ang kamay ko at inalalayan ako.

"Para saan ba ito anak?" I asked him.

Hindi siya sumagot pero narinig ko ang munti niyang hagikgik. He cleared his throat.

"Just wait Mom and you'll see," he said.

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa huminto na kami. Inalis na ni Tino ang pagkakahawak niya sa akin.

"Bye, Mom! Enjoy!" Sigaw niya.

"Cristino!"

Tawag ko sa kanya pero parang wala na ito. Tahimik ang paligid. Tinanggal ko ang panyong nakatakip sa mga mata ko.

Pagtanggal ko, wala akong maaninag. Madilim ang paligid. May kaunti akong nakikita pero hindi ito malinaw. Alam ko na nasa mansyon lang kami pero bakit walang ilaw?

"Manang! Pabukas naman po ng ilaw!" Sigaw ko. Hindi kasi ako makaalis sa pwesto ko lalo na hindi ako makakita sa dilim. Baka madisgrasya pa ako.

Ilang segundo ang nakalipas nagbukas ang mga munting ilaw na nasa paligid ko. Iginala ko ang mga paningin ko. Tama ako ng hinala, nasa mansyon ako. Nasa may garden ako.

Ano naman ang ginagawa ko rito? Paalis na sana ako nang mapansin ko ang lamesa na nasa garden. Punong puno ito ng mga pagkain. May dalawang plato, wine glass at mga kutsara at tinidor sa hapag.

Is it my son's idea?

I asked myself but that's impossible. Magkasama kami ni Tino buong maghapon at impossible na siya ang may pakana nito.

"Manang!" Sigaw ko.

Lumapit ako sa table. Wala namang nakalagay na note o kahit ano.

"Manang!" Tawag ko ulit pero hindi pa rin lumalapit si Manang.

Paalis na sana ako sa garden nang may tumunog. Tumaas bigla ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano eh!

BTS 2: Behind those SmilesWhere stories live. Discover now