Chapter 12: Supermarket

195 14 0
                                    

[A/N: This chapter is dedicated to EXOsehunForever. Thank you sa support 💞 Enjoy reading this chapter guys. ]

-
Athena's POV.

It's been a week ng umuwi kami sa Pilipinas. Heto kami ngayon at nag grocery. Nag-aya kasi ang anak ko na mag Mall at napag-isip ko na mag grocery na rin since wala na kaming stock na mga pagkain sa bahay. I am actually with Rain. Sinamahan niya kami mamili ng mga groceries and such. Siya ang tumutulak sa push cart. 

We maybe look like a family pero hindi talaga kami. We don't have any romantic feelings. But I wish na sana siya na lang ang lalaking mahal ko.

"You okay?" He asked ng magtama ang paningin namin.

"Ah yes," sagot ko. He just nod as for his respond. Nasa fruit section kami nang may itinuro ang anak ko, "Mommy I want this apple," he said.

"Alright. Put it there," pag-uutos ko. Kumukuha ako ng limang orange when I accidentally fall yung isang piraso at nagpagulong-gulong ito.

"I'll get it Mom," he said. Sinundan ko ang anak ko but I was stunned kung sino ang nakasalubong ko.

"Angel?"

-
Sherie's POV.

"Mom don't forget my cereals," Shey said at kumuha ng mga cereals na favorite niya. Inilagay niya ito sa push cart.

"Alright," I said.

"Sa mga chips section lang ako, Mom," paalam niya. Tumango na lang ako bilang sagot.

Pagpunta ko sa fruit section may isang bata akong nabangga.

"Opps" He said. Kinuha muna niya ang isang orange na pagulong-gulong at inangat ang ulo niya.

"Sorry po," aniya. Natulala ako sa nakikita ko. Parang may kahawig siya but I can't define kung sino.

"Cristino," tawag ng isang babae. Tumingin ako kung saan nanggaling ang boses na iyon. I was surprised.

"Angel?" I asked out of nowhere. Like me, nagulat din siya.

"Sherie," she called me by my name.

"Athena," tawag sakanya ng isang lalaki from her behind.

"Sherie?" Rain said. Nagulat pa kaming pareho. So? Sila na? I think we need something to catch up.

-
We are actually eating our lunch sa Jollibee. Dito kasi napili kumain ng mga bata. On our way here, aksidente naming nakita si Justine. She's alone kaya niyaya namin siya to join with us. Nung una hindi siya makapaniwala na si Athena ang nakita niya pero nung nayakap niya ito, ayun naniwala na siya.

Ngayon we are talking some important matters. After one year kasi wala na kaming naging komunikasyon pa sakanya. Naputol na.

Silence filled in our table. Rain cleared his throat. Napatingin kami sakanya.

"I'll just go to the bathroom," paalam niya at umalis na.

"Can I go with you, Tito Daddy?" Tino asked.

"Sure," Rain said at umalis na sa table namin.

Tumingin kami kay Athena. Napatitig na lang din siya sa amin. "What? May dumi ba ako sa mukha?" She suddenly asked.

"Wala pero mayroong langgam ang fez mo sis. Ano yun ha? Ano yun?" Sunod-sunod kong tanong.

"What do you mean?"

"Sus. Ang sweet niyo ni Rain. Ano yon? Kayo na ba?" Pag-intriga ko.

"Hindi ah. We are just friends," she explain.

"Friends nga lang ba?" Justine said.

"Oo. Friends lang kami," she said.

"Tita Mommy ibig sabihin ba non na hindi na magiging kayo ni Tito Chriss?" My daughter asked. Siniko ko na lang ang anak ko pero ito kami, inaantay ang sagot niya sa tanong ng anak ko.

She heaved a sigh. "Shey, iha. There are some things na hindi na pwedeng ibalik pa. Yung sa amin ng Tito Chriss mo? Wala na iyon. It's all in the past. I already move on. Besides kasal naman na siya. Right?" Sabi niya na ikinagulat namin.

"What? Kasal? Who told you na kasal na siya?" I suddenly asked.

"Bakit? Hind ba?"

"Hindi. He's not yet married. Let say na oo nga may kasalang naganap pero hindi iyon natuloy dahil nung araw ng kasal doon inatake si Mister Tan," Justine explain.

"Kaya napagpasyahan ng buong pamilya na hindi matutuloy ang kasal hanggat hindi pa maayos ang kondisyon ni Mister Tan," I added.

But upon looking at her, she's confuse. "So it means na single pa rin siya?" She asked.

"Mabuti ng single kaysa naman matali ang pinsan namin sa babaeng yon," I said.

Mabuti ng single kaysa makasal sa taong hindi ko naman mahal. Chos. Drama ko naman.

"How about you? May balak ka pa bang mag-asawa?" Justine asked.

"Meron pa naman but not now. I mean may tamang oras para sa pag-aasawa," she said and took a sip sa coke.

"How about Tino? Does he know about his father?" I suddenly asked pero tila nagbago ang emosyon niya.

"Yeah. My son knows him. He knows everything," she said seriously.

She's different woman now. She changed a lot.

BTS 2: Behind those SmilesWhere stories live. Discover now