Chapter 17: Says Who

2.4K 98 2
                                    



3RD PERSON'S POV


"Panonoorin mo na lang ba talagang magkatuluyan sa huli ang minamahal mo at ang minamahal nya? Papano ka?",mapang-uyam na sabi ng isang nilalang sa babaeng lihim na nagmamahal sa isa sa nasa crystal. Nakapanood sya sa nagaganap sa dalawang taong bakas sa mga mata ang pagmamahalan sa isa't-isa na hindi nya nakita agad noon dahil sa labis na inggit at selos.



"Di ako nagmahal para magtanim ng galit sa taong minamahal ng mahal ko. Sapat nang kaparusahan ang di ko sya makatuluyan sa naging kasalanan ko sa kanya. Mabuti nang maayos nya ang gulong ginawa ko kesa may buhay na muling masasawi",nakokonsensyang sabi nya dahil hindi lingid sa kanya ang nangyaring pagluluksa ng babaeng lihim na minamahal nang lumisan ang magiging fiancee nito nitong nakaraang araw.



Sa panahong ito nakafreeze ang oras kaugnay ng pagbabagong nangyayari sa nakaraan. Saka gagalaw dito ang lahat kapag nakabalik na dito sa kasalukuyan ang kung sino mang nagtungo sa nakaraan. Bakit hindi apektado ang kausap ng nilalang na ito na ka-level nina Miss Time, Mr. Death, at Mr. Justice? Dahil sya ang may hawak ng crystal na pagmamay-ari ni Noriani noon.



"Sayang naman ang pagkakataon. Haha. Nasa sayo na sana sya pero ngayon ka pa susuko? Pero may magagawa ka pa. Pwede kitang tulungang dalhin din sa nakaraan at hadlangan ang nakatakda nilang engagement na magaganap sa panahon nila two weeks from their current time",panghihikayat ng kausap na nilalang pero umiling sya.



"Di ko na hahayaang mabahiran ng kasamaan ang pagkatao ko dahil sa iyong pagdidikta. Pasensya na wala ka nang mahihita sa akin",sabi nya at tatalikod na sana nang mapahinto sa panibago nitong sinabi.



"Pag nagtagumpay kang burahin sa mundo ang Zhiea Montefalco na yun gagawan ko ng paraang hindi malaman ninuman na ikaw ang may dahilan. It's a win-win situation. Magbebenefit ka ganundin ako. Ayaw mo pa rin ba?"



Alam nyang nakangisi ang nilalang na nasa likuran nya pero di nya to bibigyan ng satisfaction. Isang matigas na No ang isinagot nya na syang nagpawala ng ngising nakapaskil sa mukha nito.



"Kung ganun, maaring ang iyong kapatid na lamang pala ang bigyan ko ng pabor. Nabalitaan ko kaseng isa rin sya sa tumatangi sa babaeng pinakamamahal mo". Kahit nakatalikod alam nyang may mala-kontrabidang ngiti na naman ang nakaguhit sa mukha nito kaya naikuyom nya ang mga kamay.



"Gawin mo ang gusto mo. Basta labas na ko sa iyong pinaplano. Pwede ka na nga palang bumalik sa hell kung saan ka galing",bagot na sabi nya at iniwanan na ang nilalang na kausap na napa-padyak sa inis.



At kung bakit hindi mismong ito ang gumawa ng nais? Iyon ay dahil hindi sila pwedeng makialam directly sa buhay ng tao. Pag sila ang nanakit doble ang balik nun sa kanila kaya hangga't maaari hahanap sya ng kasangkapan, yun nga ay ang tao, na magogoyo nya na gawin ang kagustuhan nya.



Parehas nga naman silang mananalo pag nagtagumpay dahil mapapasakamay ng taong yun ang mahal nito gayundin di na maisisilang ang sanggol na syang susunod na tagapanimahala ng oras na magmumula sa anak ng mag-asawang Fontanilla at Montefalco sa future. Ang sanggol na makakayang bawiin ang kapangyarihang taglay ng masamang nilalang na ito. Kaya hangga't maaari gusto nyang masawi ang isa sa pares para walang sanggol na isisilang na papalit sa kasalukuyang tagapamanihala ng oras at panahon.



Kung may maitutulong sya gagawin nya at di hahayaang magtagumpay itong muli sa panlilinlang ng tao. Maaring nabulag sya nito noon pero di na ngayon.



'Ang baraha mo laban sa baraha ko. Di ko hahayaang gamitin mo ang kapatid ko o ang kahit na sino sa kasamaan mo. Magkita na lang tayo sa past, Miss Tragic',determinadong sabi nya sa sarili habang naglalakad sa portal na magdadala sa kanya sa may mas mabuting kamay..


..at Miss Time's haven.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon