REIRA'S POV
Mag-aalas singko ng hapon at kasalukuyan akong nasa school pa dahil hinihintay ko si Zhiea na matapos sa ginagawa nila sa SC office. Ipinatawag kase ang lahat ng presidente ng bawat org para sa gaganaping exhibit next week. Friday na ngayon. At bukas naman ang pinakahihintay kong araw para sa proposal ko kay Zhiea. Hihi. Organized na ang lahat kaya pachill-chill na lang ako. Paniguradong bukas sang-laksang kaba ang mararanasan ko kaya nilulubos ko ang pagpapaeasy ngayon.
Busy lang ako sa pagsip ng coffee ko dito sa cafeteria nang may tumawag sakeng unknown number. At dahil hindi ko kilala, di ko sinagot. Pero nagbigay ako ng chance na kapag tumawag ulit ito sasagutin ko na. At nangyari nga.
"Hello?",sagot ko at tila narelieve naman yung nasa kabilang linya na napa-thanks God pa. "Sino to?",takang tanong ko kase di nga rin sya naghello eh.
"This is Dritz, Rei",sagot nya kaya inalala ko pa kung sinong Dritz yun.
"Di ko matandaan eh. Except sa ex-girlfriend kong nang-iwan, yun kapangalan ka nya",sabi ko at napatawa naman ang nasa kabilang linya.
"And this is the ex-girlfriend na nang-iwan sayo. I'm Dritzel Khiz, honey",sagot nya at tila bombilyang umilaw naman sa isip ko ang boses nya at ang pangalang binanggit.
"So ikaw nga? Oh!",gulat kong react at napaisip. "Nakauwi ka na pala? Bakit ka pala napatawag?"
Ang alam ko kase sa abroad sya nag-aaral.
"Hmm, can we talk right now? I just have something 'important' to tell you",sagot nya emphasizing the important word kaya nagtaka naman ako. Bakas rin kase sa boses nito ang urgent.
"As in ngayon na?"
Baka kase any minute now, lumabas na si Zhiea.
"Yeah",walang ligoy na sabi nya kaya pumayag na lang ako.
"Saan tayo mag-uusap?"
"Sa rooftop na lang. Nandito na ko. Hintayin kita",huling sabi nya at pinatay na nya ang tawag.
'Princess, may pupuntahan lang po ako saglit. Pakiintay na lang saken kung okay lang po. Hehe. I love you',text ko kay Zhiea at tumaas na ko sa rooftop.
Nadatnan ko si Dritz dun na totoo ngang ang ex ko. Mas gumanda sya ngayon at mas nag-mature?
"Hey",bati ko nang tila malalim ang iniisip na nakatanaw lang sa baba.
"Rei",nakangiting bati nya pero halatang marami ang iniisip. Di umabot sa mata ang ngiti eh.
Kaunting kamustahan lang ang nangyari at hindi ko naman akalain na kapatid pala sya ni Rebecca na naging kaibigan ko na din. Pero tungkol pala dito ang aming pag-uusapan.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxg
Ficțiune adolescențiSTORY DESCRIPTION: Parang isang minuto lang umiiyak pa ko sa sobrang pag-iisip sa babaeng pinakamamahal ko kase wala na sya sa mundo. Then, another moment, I was like, 'Is it freakin real?' Totoo bang nakikita ng mga mata kong buhay sya? Pero kung p...