Chapter 9: Avoiding Her

2.8K 112 0
                                    

REIRA'S POV


"Sinong hanap mo Miss?",bungad saken ng isa sa mga kaibigan ni Zhiea sa pagkakatanda ko.

"Andyan ba si Zhiea?",nakangiti kong tanong tas ang bait din nya kase nakangiti din.


Nasa harap ako ng music room kase nalaman kong nandito raw sya. Hinihintay ko sya kaninang lunch pero di sya dumating sa cafeteria.


"Hmm oo kaso busy sya eh. And you are?",pagkuwa'y tanong nya na di naaalis ang ngiti.


"Reira Jhienne",sagot ko kase sa pagkakaalam ko di namin sya kaklase kaya di nya ko kilala. "Okay lang bang pabigay na lang ako nito? Sabihin mo bawal magpalipas ng kain kase malulungkot ako. Hehe",pacute na sabi ko sabay abot ng dala kong paperbag na take out ko pa sa resto outside the university. Kinuha naman nya yun habang naa-amuse na nakatingin. "Salamat",huling sabi ko at tumalikod na.

Nakakalimang hakbang pa lang ako palayo sa music room nang may magsalita sa may likuran ko.


"And where do you think you're going?"

Napa-stiff tuloy ako bigla sabay marahang lumingon para harapin ang dyosa ng buhay ko.


"Princess",nakangiting sambit ko habang seryoso syang nakatingin.

"Ba't di mo ko pinatawag kay Denria?",kunot-noong tanong nya kaya ako napakamot sa ulo.


"Busy ka daw kase",sagot ko pero nagroll eyes lang sya.


Unti-unti syang naglakad palapit at hinila ako pabalik sa pinanggalingan kong pinto kanina.


"Pasok",utos nya na sinunod ko naman agad at nakita ko ang tatlo nyang kaibigan na busy sa isang lamesa. Halatang may mga binabasa.

Hala, kala ko music room to pero bakit naging study area na dln.

"Hi Reira Jhienne! Sensya na kanina kung di pa kita pinapasok ha. May gusto lang kase akong alamin. Haha",bati ng babaeng kausap ko kanina.

"Rei hello!",bati naman ni Orin na kaklase namin ni Zhiea.

"Hi",masayang bati ko at umupo sa upuang malapit sa kanila. "Hi rin Knorr!",mapanuksong bati kay Noriani na sinamaan ako ng tingin.


"Bakit nandyan ka?",kuha ni Zhiea sa atensyon ko nang makitang sa tatlo ako lumapit. "Come here",utos nya ulit na sinunod ko agad dahil gustung-gusto ko kapag kinakausap nya ko at napapalapit sa kanya.


"Princess",tawag ko sa kanya habang busy sya sa pagkain ng dinala ko pero di man lumingon. "Ui Princess",tawag ko ulit and this time nag-Oh na sya pero di pa rin tumitingin. "Sabi ni Ate Shae hatid mo daw ako ulit sa Ace Building",tukoy ko sa company building nila kung saan kami nanggaling kahapon.


"Bakit ka na naman daw pupunta dun?",salubong ang kilay na tanong nya at finally hinarap na ako.


"May panibago daw kaseng contract na para saken",sagot ko naman pero mas kumunot ang noo nya. Nakatingin lang sya saken kaya naisipan kong magsalita ulit. "Saka alam mo ba, makakapareha ko raw si Winston Kyle Connor",malaki ang ngiting dagdag ko kase crush ko yun kahit nung 20 years old pa lang ako.

"Tanda mo naman ang pagpunta dun ikaw na lang",di tumitinging sabi nya sabay tutok ulit ng atensyon sa pagkain nya.


Nanghinayang naman ako kase akala ko makakasama ko ulit sya dun mamaya.


Kahapon kase kaya pala kami nagpunta dun isa ako sa recommend model ni Ate Shae na akma sa personality ko daw ang isa sa contract nila. G naman ako kase may income ako. May pera akong magagamit pag ibinili ko ng gift si Zhiea.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon