Chapter 22: Help

2.4K 81 0
                                    


3RD PERSON'S POV



"Miss Time, ano pong misyon talaga ng babae sa crystal kung bakit sya nagtungo sa nakaraan?",curious na tanong ng assistant ni Miss Time habang nakasubaybay pa rin sila sa crystal. Makikita rito ang pagtakbo ng sasakyan ng magkasintahan palayo sa tatlong taong magkakasama sa bus terminal.



"Ang magpakilala at ibigin ng babaeng minamahal",sagot nya kaya mas lumalim ang pagtataka ng katabi.



"Hindi po ba kasali sa misyon nya ang iligtas sa kapahamakan ang babaeng mahal nya?",tanong pa nito kaya napangiti sya.



"Ang magpakilala at ibigin ng babaeng minamahal. Ang patunayan at ipakita kung gaano nya kamahal ang kasintahan bilang senyales na hindi ako nabigo sa muling pagtitiwala sa mortal",paglilinaw nya kaya napatango ang kausap.



"At kasali po pala dun ang halos pagbubuwis nya ng buhay sa kasama nya sa mga oras na to?",komento ng alagad at malungkot na nakatingin sa crystal kung saan nagaganap ang pagsabog ng likurang gulong ng kotse ng dalawa at ang pag-cover ni Reira sa katawan ni Zhiea matapos mabitawan ang manibela sa impact ng pagsabog sa bandang likurang bahagi ng sasakyan.



Sa bilis ng pangyayari, di na namalayan ni Zhiea ang pagyakap sa kanya ni Reira at hindi nakahuma nang makitang sasalpok ang kotse nila sa barriers sa gilid ng highway.



"M-Miss Time",kabadong anas ng alagad ni Miss Time habang nanatili syang poker face."Isang sakripisyo para sa naunang sakripisyo. Yun ang makakapagligtas sa kapareha ng babaeng niyakap",makahulugang sabi nya at tumalikod para kunin ang puting balabal.



"San po kayo pupunta Miss Time?",biglang tanong ng alagad nang mapansing isinusuot ang balabal na ginagamit kapag aalis sa haven.



"Ibabalik sa ating panahon ang may kagagawan ng masamang adhikain. Di maaaring mapagtagumpayan ni Miss Tragic ang masamang balak nya. Sapat na ang unang beses ngunit hindi na sa pangalawa",litanya nya at tuluyan nang dumaan sa portal.



Naiwan naman ang alagad na napapaisip sa ikinuwento sa kanya ni Miss Time nung minsan."Ano pong ibig nyong sabihin Miss Time sa susunod na tagapamanihala ng oras? Hindi po ba panghabang-buhay ang inyong tungkulin nina Mr. Death at Mr. Justice?",nagtatakang tanong nya sa nakikitang kagustuhan ng amo na tulungan ang dalawang babae sa crystal na magkatagpo sa nakaraan.



"Bago ka pa lang ngunit hindi yun hadlang para ipagkait ko sayo ang katotohanan. Dumarating talaga kami sa puntong may papalit sa aming tungkulin at ang paghirang sa taong yun ang hindi rin namin alam kung papaano pero may hint kami sa susunod kung sino. At ang kagustuhan ni Miss Tragic na masawi ang isa sa parehang nasa crystal ang naiisip nyang pagpigil sa pagsilang ng sanggol na magsisilang naman ng papalit sa pwesto naming dalawa. Dati syang si Miss Wisdom pero bunsod ng pagiging sakim sa tungkulin ay naging si Miss Tragic sya, dala na rin ng kapahamakang ipinapalaganap nya sa mundo",salaysay ng amo na pilit nya namang iniintindi para makasunod. "Ngunit may nakaligtaan syang isang bagay na hindi nya nalalaman",pasabik na patuloy ni Miss Time kaya nacurious naman sya lalo.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon