3rd PERSON'S POV
"Bakit may nangialam sa balanse ng life and death!!",sigaw ni Miss Time, ang tagapamanihala sa oras at panahon habang nakatingin sa isang bolang crystal na kakikitaan ng isang taong labis na nagdadalumhati sa pagkawala ng magiging kapareha.
Bawat pares sa mundo ay may kanyang crystal na syang binabantayan ni Miss Time. Subalit ang ang nangyayari sa loob ng crystal na syang tinitingnan nya kanina ay hindi nakasaad sa plano sa pares na yun.
"Miss Time! Ano pong problema?",humahangos na tanong ng isa sa mga pinagkakatiwalaan nya sa lugar na yun.
"May hindi nakatadhana ang nangyari ngayon lang. Nasaan si Mr. Death?",pilit kumakalmang balik nya at di na nagawa pang sumagot ng kausap dahil kasunod nito si Mr. Death.
Sya ang tagapamanihala sa mga taong lumisan sa mundo at syang may alam sa mga taong hindi pa oras o oras nang tumuntong sa purgatoryo.
Di rin sya masayang may mamamatay nang hindi nakatakda dahil noon pa ma'y binabalance na nila ni Miss Time ang life and death.
"May isang kaluluwang papasok sa lugar ng mga kakalisan lamang na hindi nakatadhana at alam kong nakita mo na ito. Wala rin akong kinalaman sa bagay na yan",panimula ni Mr. Death na walang kaemo-emosyon.
Mariing napapikit si Miss Time at marahang lumapit sa crystal nang magmulat.
"Di malilikha ang bagong henerasyong magmumula sa kanila dahil sa pagkawala ng isa sa pares na to. Di ito tama",puna nya at walang imik namang nakatingin sa kanya si Mr. Death. "Kailangang maayos to. Walang sinuman ang may karapatang bumago ng mangyayari sa hinaharap maliban na lang kung pahihintulutan",patuloy nya at hinarap si Mr. Death."May bolang crystal na ginamit ang may kasalanan ng bagay na yun upang makita ang hinaharap. At dahil dun napigilan nya ang dapat ay mangyayari",maya-maya'y sabi ng isang lalaking pumasok rin sa lugar.
"Anong kinalaman ng taong yun sa dalawang pares na nasa crystal?",tanong ni Miss Time kay Mr. Justice."Isang taong may labis na pagtatangi sa taong umiiyak ngayon dyan sa crystal. Isang taong labis na nababalot ng selos at poot kaya nagawa ang bagay na yun",sagot nito kaya nahulog sa malalim na pag-iisip si Miss Time.
"Noong unang beses na nasira ang balanse ng life and death marami ang naapektuhan. Kung hindi magagawan ng paraan ang bagay na ito, magtutuloy-tuloy ang mga pagbabago sa mundo na hindi nakatakda",pagkuwa'y sabi ni Miss Time.
"Wag mong sabihing magtitiwala kang muli sa isang mortal upang isaayos ang nagulong balanse?",seryosong tanong ni Mr. Death sa kanya kaya tumango sya."Ikaw ang muling magigipit sa gagawin mong desisyon Miss Time",komento ni Mr. Justice at napabuntong hininga naman si Mr. Death.
Determinadong tinitigan nya ang dalawa at sumagot.
"Oobserbahan ko ang taong nasa crystal. May kaisa-isang sign akong kailangang makita sa kanya upang muli akong magtiwalang hindi magtatraydor ang mortal",tugon nya at di na umimik ang dalawa.'Sana may patunguhan ang babalakin ko',bulong nya sa isip habang nakatingin sa taong pinanonood nya sa crystal.
Kung bakit papaboran ni Miss Time ang taong nasa bolang crystal ay dahil ang crystal lang na yun ang may maling naganap kumpara sa ibang crystal na nakahanay. Naganap na hindi nakatakda at labis na makakaapekto sa susunod na henerasyon kung hindi aayusin.
A/N: Welcome to my new story. Hope you like this as well. Salamat po sa patuloy na nagbabasa ng mga stories ko. Try lang po to ng another genre (fantasy). So yun, enjoy reading :).
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxg
Novela JuvenilSTORY DESCRIPTION: Parang isang minuto lang umiiyak pa ko sa sobrang pag-iisip sa babaeng pinakamamahal ko kase wala na sya sa mundo. Then, another moment, I was like, 'Is it freakin real?' Totoo bang nakikita ng mga mata kong buhay sya? Pero kung p...