Chapter 24: Real World

3K 90 8
                                    


3RD PERSON'S POV



PRESENT"Hey, nervous?",untag kay Zhiea ni Noriani habang busy sya sa pagtanaw sa veranda ng bahay nila. Bakit nga ba naitanong ito ng kaibigan? Ito'y sa kadahilanang matapos ang dalawang taong pangungulila sa kaisa-isang naging girlfriend nya ay muli nya itong makikita mamaya.



"I'll fool myself if I said no",she just said kaya naramdaman nya ang pagtapik nito sa balikat nya.



"Wag kang mag-alala, magiging okay rin ang pagkikita nyo. Balita ko, crush na crush ka raw nya hindi pa man kayo nagkikita ulit mula nung maghiwalay kayo nung mga bata kayo eh", pangonsola ng kaibigan pero napangalumbaba sya sa railings at bored na tumingin sa langit.


"But what if totoo yung sinabi mo na posibleng kagaya rin sya ng ibang nag-time travel na burado ang mga alaala sa pinanggalingang panahon? Natupad ang kanyang misyon, so posibleng tayo na lang ang nakakaalam ng naging parte nya sa nakaraan natin",katwiran nya pero pansin nyang napangiti si Noriani.



"Mas maigi nang burado lang ang alaala nya pero hindi ang feelings nya sayo di ba?",halata ang panunuksong sabi nito kaya napaiwas sya ng tingin. "Saka ang mahalaga ligtas sya kahit pa hinang-hina sya nung panahong umalis sya sa'ting panahon",patuloy pa nito kaya napaisip sya.



"Sigurado ka ba sa source mo na sya nga ang magiging fiancee ko? Baka ibang tao pala ang may pangalan ng katulad nya ha",naniniguradong sabi nya pero tinawanan lang sya ng kaibigan. Kase ang kakatwa nito, namanhikan sya nang hindi nakikita ang anak ng mga ito. Nagbase lang sa pangalan na nakalap ni Noriani na pinaniwalaan naman nya.



"So hindi ka kinakabahan dahil sa baka hindi ka nya naaalala kundi dahil baka ibang tao pala yun?",natatawang sabi ng kaibigan kaya napairap sya.



"Tingin mo ba papayag ako sa pakana mong mamanhikan sa parents nya kung hindi rin naman pala sa kanya?",pagsusungit nya dito na ngumisi lalo nang malawak. 



"Saludo na talaga ako kay Reira. Haha. Hulog na hulog ka oh",panunukso pa ni Noriani kaya tumahimik na lang sya. Baka kung san pa mapunta ang usapan eh. Sa aminin man nya't sa hindi ay kilala na sya ng kaibigan. Sa dalawang taon ba naman nitong pag-agapay sa kanya matapos mawalan ng gana sa buhay sa pagkawala ng kasintahan eh. Nagtatanong kayo kung ano nga ba ang nangyari pagkatapos maglaho ng parang bula ni Reira?



Lumipas ang maraming araw na tila nabubuhay lang sya dahil di pa kinukuha ni Lord. Madalas wala sa sarili at wala nang ganang magpatuloy sa buhay. Kung hindi rin lang sa tulong ng mga kaibigan, mahihirapan syang makabangon. At kung walang Noriani na nangongonsensya sa kanya na hindi sya iniligtas ni Reira para lang sirain ang buhay na meron sya, baka hanggang ngayon down pa rin sya at hindi pa nahahanap ang sarili. At dumating sa puntong pinayuhan sya ng kaibigan na hingin na sa mga magulang ni Reira ang kamay nito at pangakuan ng habang-buhay na pag-aalaga sa anak. 



How lucky she was na pumayag ang magulang nito sa kadahilanang noon pa ma'y nais na nga ng parents ng dalawang pamilya na ipagkasundo ang alin sa mga anak kahit pa nga kapwa sila babae para hindi maputol ang koneksyon ng mga Fontanilla sa Montefalco. At additional nang may lihim na palang pagtingin ang anak ng mag-asawang Fontanilla sa kanya kaya nagkaroon sya ng malaking pag-asang muli silang magkikita. At gaya ng ipinangakong pagpapakasal nya sa Reira Jhienne na nakilala two years ago, ay sya na nga ang humingi ng permisong maipagkasundo sya dito ngayong araw.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon