REIRA'S POV
Ilang araw mula nang pumasok rin ako sa university ni Zhiea ay di pa rin kami nagiging close. Masungit pa din sya at ini-snob ako. Di pa rin nya ko kinakausap. Nakakatampo na. Tas yung isa naman sa bestfriend nyang nakausap ko nung nakaraan parang inaasar pa ko kapag sawi akong pansinin ni Zhiea.
Para ngang may alam syang di ko nalalaman eh.
Hayyst.
Pagpasok ko pa lang sa cafeteria ay may isang eksena na agad ang kumuha ng atensyon ko kaya di agad ako nakapasok. Isang lalaki lang naman ang ngayo'y kaharap ni Zhiea habang may iniaabot na paperbag habang nanonood ang mga estudyante.
Napanganga na lang ako nang tanggapin nya yun at di pa nakontento, niyakap pa nya ang lalaki.
Bakit parang masikip sa dibdib yung eksenang yun?
May isang luhang pumatak sa kaliwang pisngi ko na nagpabalik sa aking kamalayan upang umalis na sa lugar na yun at tahakin ang daan palabas ng cafeteria.
Patuloy lang ako sa pag-iyak sa comfort room nang mapatingin ako sa mga kamay ko.
"Waaaaaah!!",tili ko nang mapansing tila naglalaho ang mga ito. Tulalang nakatingin ako dito at namumutlang napaangat ang tingin sa taong kapapasok lang ng banyo. Bago pa nito mapansin ang kakaibang nangyayari saken ay mabilis ko iyong itinago sa likod ko. "Knorr",anas ko pero sa halip na bigyan ako ng nakakamatay na tingin dahil sa pet name na itinawag ko sa kanya takang pinagmasdan ako nito.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Mamamatay ka na ba?",tanong nya lalapit sana nang umatras ako.
"W-Wag. A-Ano, okay lang ako",kaila ko pero sinamaan nya ko ng tingin.
"Alam ko kung kailan nagsisinungaling ang isang tao bubwit. At isa kang patunay dun",pambabara nya kaya wala na kong nagawa kundi umamin.
"May nangyayaring kakaiba saken",panimula ko kaya mas nacurious ang tingin nya.
Kung mayroon akong dapat sabihan ay baka sya yun lalo at kung alam nyang galing ako sa ibang panahon. Baka matutulungan nya ko sa nangyayari saken.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nagiging transparent ang mga kamay ko",pag-amin ko pero tiningnan nya lang ako na parang may kung anong tumubo sa ulo ko.
"T-Tingnan mo",sabi ko sabay pakita ng mga kamay kong ganun pa rin ang kalagayan dahilan para mapaawang ang bibig nya.
"Unti-unti kang naglalaho?",patanong na sabi nya habang di makapaniwalang nakatingin sa dalawa kong kamay.
"Natatakot ako. Baka pag umabot to sa katawan ko bumalik na ko agad sa pinanggalingan ko. Knorr tulungan mo ko, di pa ko pwedeng bumalik sa kasalukuyan",naiiyak kong sabi at dahil dun mas kumakalat ang naglalaho sa bahagi ng katawan ko. Umabot na rin sa balikat ko kaya mas nanlaki ang mga mata ni Noriani.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxg
Novela JuvenilSTORY DESCRIPTION: Parang isang minuto lang umiiyak pa ko sa sobrang pag-iisip sa babaeng pinakamamahal ko kase wala na sya sa mundo. Then, another moment, I was like, 'Is it freakin real?' Totoo bang nakikita ng mga mata kong buhay sya? Pero kung p...