Chapter 25: Our Love that Waited

4.1K 120 11
                                    



REIRA'S POV



After one month.



"Congratulations girls! Pag nagkaanak na kayo, ninang ako ha",masayang bati ni Orin habang nandito kami sa reception ng aming kasal. Yep, ikinasal na kami ng pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa. Sa dami naming pinagdaanan, heto at sumuko ang mapaglarong tadhana sa wagas naming love para sa isa't-isa. Kami't-kami pa rin sa huli. 



"Salamat. Basta ba dadamihan nyo lagi ang gift kapag reregaluhan nyo ang magiging baby namin ha",nakangiting balik ko kaya napangiti rin ang aking asawa. Sarap sa feeling, asawa. 


Hapit ko sya ngayon sa bewang habang lumilibot kami sa mga table ng bisita para makipagbatian at magpasalamat sa wagas nilang suporta sa aming dalawa lalo na sa pamilya namin. Ano pa nga bang mahihiling ko gayong nakuha ko na ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.


"Iyang tingin mong yan, inlove na inlove ka na naman",pairap na puna saken ni Noriani na until now at wagas pa ring mambara pero kahit ganyan yan, isa sya sa pinagkakautangan ko ng loob lalo na sa hindi pag-iwan sa mahal ko nung panahong nawala ako ng parang bula.



"Wag kang mag-alala Knorr, alam kong way mo yan para sabihing gusto mo ring maging Ninang. Haha",natatawang sabi ko at mas umirap sya. Sungit talaga noh.


At kung itatanong nyo ang nangyari saken nung panahong maglaho ako sa nakaraan, matagumpay naman akong nakaalis, pero hindi sa present kung saan ako dapat kundi sa future. Nagising ako sa pamamahay ng future na ako. Yung 26 na ako. Gulat man sa mga pangyayari, ay naikwento nyang nagpakita sa kanya si Miss Time, yung babaeng maliwanag na nagpakita rin sa akin noon at sinabing kinailangan akong dalhin sa future para mapagaling mha mas modernong kagamitang pang-ospital na wala pa sa present. At bilang tulong na magagawa ng future na ako, kailangang sya muna ang tumawid sa present kung saan dapat ako para magpatuloy ang daloy ng oras sa panahong yun. Mananatili kaming magkapalitan hangga't hindi ako gumagaling pero motibasyon sa akin na bilisan ang pagrecover sa aksidente para makabalik na sa panahon ko kung saan maari ko nang makita si Zhiea. Panigurado mas maganda na sya ngayon.



Hindi man makapaniwala ang future na ako ay sumunod na rin sya na tila excited rin na makilala ang 22 na si Zhiea pero nawala rin yung excitement na yun nung sabihin ni Miss Time na bawal syang mahawakan nito dahil habang-buhay na syang mananatili dun pag nagkaroon ng contact dun. Buti nung nagtugo akong nakaraan hindi ganun. Kaya ang naging solusyon nya, hindi na lang sya nagpakita kay Zhiea pero lagi naman syang nakabantay para sa ikakaluwag rin daw ng loob ko at loob nya. Mahirap na daw na magpakita rito dahil baka hindi nya mapigilang yakapin sya nito. Yun rin ang dahilan kung bakit pilit syang umiiwas kay Zhiea nung panahong hindi sinasadyang nakita sya nito sa araw ng engagement party namin. 



Kinakabahan na yung future na ako that time dahil yun ang sinabing oras ni Miss Time para makabalik kami sa dapat naming time frame pero nadelay ako ng ilang minuto kaya kinailangan nyang magtago para hindi agad masimulan ang party nang wala pa ako. Baka kase mahawakan sya ni Zhiea sa stage kaya umalis sya sa tabi ng parents ko tas nakita naman sya nito. At yun ang ipinaliwanag ko sa asawa ko nung panahonh tanungin nya ko about dun.



At kung sino man si Miss Time para tulungan kami, lalo na ako to the point na nakaranas ako ng imposible sa buong buhay ko, ay sobra akong nagpapasalamat sa kanyang mga ginawa. Kung di dahil sa kanya, hindi ko na makakasama ang asawa ko. Pero sabi nya, hindi lang naman daw kami ang may benefit sa nangyari kundi sya rin, at kung ano yun hindi ko alam. At sa awa ng Diyos, natuloy rin sa wakas ang pag-iisang dibdib namin na madaming beses man nahadlangan sa engagement pa lang, ay wala nang makakapalag ngayon.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon