Jezka's POV
"Ikaw Jex a! Di ko inaakalang mga ganun pala type mo. Pero kung sabagay, nakakalaglag panty naman kasi yung kagwapuhan niya. Di kita masisisi."
Tumingin ako sa direksyon ni Aly ng magsalita muli ito. I am Jezka but Aly keeps on calling me Jex. Ang pangit daw kasi pag Jez.
"Walang nangyari sa amin, okay?" Pagpapaliwanag ko at inirapan siya.
Nandito kami ngayon sa cafeteria at nana-nanghalian. Konti lang ang mga nandirito dahil maaga pa naman.
"Eh bakit siya nakapatong kanina sayo? Buti nga, ako lang nakakita e. Hahaha! Next time, i-lock niyo kasi pintuan."
"Gagi hindi nga! Nagpumilit kasi akong mag stay doon at pilit niya akong pinapa alis. Tsaka di ko naman kasi akalaing doon pala room niya."
"Sus. Palusot."
Sasagutin ko pa sana siya ng biglang maagaw ng aking atensyon si Mrs. Vina na papalapit sa amin. Kinuha ko ang iniaabot nito at nagtatakang napatingin sa kanya. Natatawa naman si Aly ng mabasa niya ito.
"Iyan yung magiging role mo for Mr. Ford, kapalit nung scholarship mo this school year and pagtungtong mo ng kolehiyo."
"Ma'am, di ba tutor lang ang iyong sinabi? Bakit parang magiging baby sitter na siya?" Natatawang tanong ni Aly.
"No. No. That's not it."
Binasa ko ng mabuti ang mga nakasulat sa papel.
[Terms and Conditions in Exchange of the Scholarship:
√ Wake him up every morning.
√ Help him in studying
√ Be sure that he will eat three times a day
√ Help him in doing projects/requirements
√ Be sure he will get a high grade
√ If possible, never let him listen to music
√ Find him a friend/s
√ Find him a girlfriendSign this contract if you agreed on it.
God Bless! ]
Parehas kaming napanganga ni Aly ng mabasa ng tuluyan ang nasa huling listahan. Bakit kailangan pa namin siyang hanapan nun? Eh kung itsura palang, madami ng maghahabol.
"Parehas kayo ng schedule. Parehas kayo ng strand. So wala ng magiging problema." Pagpapatuloy ni Mrs. Vina.
"Ma'am akala ko tuturuan ko lang siya sa lessons?" Nagtataka kong tanong. Tama si Aly na parang magiging baby sitter na ako nito.
"Madali lang naman ang mga iyan. Gigisingin mo lang siya sa umaga, titignan if kumakain siya sa tamang oras at kung maaari daw, wag mo siyang hayaang makinig sa music."
"Ma'am baka naman pumayat si Jex sa mga iyan?" Sabat ni Aly.
"Kung tutuusin, maswerte ka na Jex. Kasi libre na para sayo ang kolehiyo. Kung kakalkulahin mo ang mga magagastos mo sa kolehiyo, ay baka kulang pa ang sweldo ng isang baby sitter."
Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Mrs. Vina. Kahit mag part time siguro ako ay di iyon magiging sapat sa pagpapa aral ko sa aking sarili. Napatingin ako sa contract na hawak ko at wala sa sariling pinirmahan ito.
"You'll starting tomorrow as classes will also be started." Sabi ni Mrs. Vina at naglakad na palayo.
"Jex, seryoso ka ba? Kaya mo?" Tanong sa akin ni Aly at nagpatuloy na ito sa kinakain.
"No choice Aly. Tama siya. Kahit mag part time ako ng limang trabaho, di iyon magiging sapat sa pag aaral ko sa kolehiyo. Sampung buwan lang naman ang aking titiisin, kapalit nun ay ang pag aaral ko sa kolehiyo. Maswerte na ako." Paliwanag ko at napansing nagkibit balikat lang ito.
Ilang minuto pa ang nakakalipas ng matigil kaming muli sa pagkain.
"Beh, yung transferee! Yung blonde yung buhok, naaalala mo?" Rinig kong sambit ng isang babae.
"Iyong nakasalubong natin kanina? Oh bakit?" Sagot ng kasama nito.
"Nandoon siya malapit sa music room. Nakikipag away. Ano laban niya dun?! One versus three? Hays Kawawa lang siya."
Agad akong napatayo at nagmadaling lumabas ng cafeteria. Narinig ko pa si Aly na sinisigaw nito ang aking pangalan. But damn, I just can't stop myself on running!
Bingi na nga at bulag! Wag mong sabihin na, tanga pa siya?
Bakit siya makikipag away sa tatlong tao kung mag isa lang siya? Tss!
Tama ba ang desisyon kong tulungan ang lalaking ito?! Damn, ang layo niya sa pagiging CEO.
BINABASA MO ANG
Tutoring Mr. FUTURE CEO
Teen FictionIsang desisyon na hindi napag isipan. Isang pangyayari na hindi inaasahan. Nagpadala sa agos ng tubig, Di namalayang siya ay nahulog. PS: There are some typo's and grammatically error below.