Chapter Eighteen

172 4 0
                                    

Jezka's POV

"Ate, malayo pa ba tayo?" Tanong sa akin ng nakakabata kong kapatid. Siya si Kyle, labing isang taong gulang. Sinama ko siya para naman makapaglibang ito.

"Ilang oras pa bago tayo makarating." Nakangiti kong paliwanag. Maya't maya ay napatingin siya sa lalaking nagda-drive ng sasakyan.

"Mahal ba ang pamasahe dito ate? Mamahalin kasi 'tong sasakyan. Saan ka po kukuha ng pera natin?" Inosente muli nitong tanong. Napatingin akong muli sa lalaking kanyang tinitignan na nagda-drive.

"Libre 'to Kyle kaya dapat mag enjoy ka. Okay?" Natatawa kong sagot. Gusto kong isama sina Aly at Alyx pero sinabi nilang uuwi daw sila sa kanila para makasama saglit ang kanilang pamilya.

"Nandito na ho tayo." Sambit ng driver. Dali dali kaming bumaba ni Kyle at agad na bumungad sa amin ang napaka lamig na simoy ng hangin. Pababa na ang araw kung kaya't ganun na lang ang lamig ng hangin. Bumungad sa amin ang isang building kung saan ang counter.

"Stay in po ba?" Mahinahong tanong ng babae.

"Mr. Ford's VIP." Sumbat ng driver namin kanina.

"Ah. This way po."

Tinuro sa amin ng babae ang aming kwarto. Laking pagkamangha ko dahil mukhang mahal talaga ang bayad rito. Marami rin akong nakikitang foreigners na pakalat kalat sa paligid.

Bumungad sa amin ang napakalawak na swimming pool at mga cottages. Nakikita rin mula rito ang dagat.

"Enjoy your stay here Ma'am. Here's the key." Nakangiting sambit ng babae at iniabot ang susi.

"So hanggang dito na lang ako. Babalik ako sa araw ng sabado para sunduin kayo. Kung may problema, sabihin niyo na lang sa kanya. Mauuna na ako." Tugon ng driver at naglakad na paalis. Yumuko saglit ang babae at sumunod na rin ito.

"Ate, sobrang ganda naman rito. Pwede na ba akong maligo sa swimming pool? Please?" Napatingin ako kay Kyle sa kanyang sinabi. Di ko sana ito papayagan ngunit nakaka awa ang kanyang mukha. Paawa effect. Tsk

"Balik ka before dinner okay? Tsaka wag ka pupunta sa malalim."
**

"Ang sarap nung crabs ate. Sana mayaman na lang tayo para everyday ganun ang ating kinakain." Rinig kong sambit ni Kyle ng naglalakad na kami palapit sa room kung saan kami mag i-stay. Katatapos lang din niyang nagbabad sa swimming pool.

"Kaya dapat mag aral ka ng mabuti. Para soon, magawa natin ang lahat ng gugustuhin natin. Para na rin matuwa sila mama. Okay?"

Ngumiti ng pilit ito ng sambitin ko sina mama. Di ko siya masisisi dahil masyado pa siyang bata para maramdaman ang pagkawala ng magulang.

"Sige na. Maglakad lakad lang ako saglit sa labas. Matulog ka na okay?"

Nag nod si Kyle at pinikit na ang mata. Hinintay ko pa muna itong tunay na makatulog bago lumabas.

Bumungad sa akin ang mga naglilinyahang ilaw na nagbibigay ganda sa bawat parte ng resort. May nakita rin akong isang bar. Gusto ko sanang pumasok kaso wala naman akong kasama.

Naupo ako sa isang bench malapit sa swimming pool at pinanood ang mga batang naliligo kasama ang mga pamilya. Sana di na lang nawala sina papa at mama. Sana kasama ko sila rito.

Nagtagal ako roon ng mahigit isang oras. Pasado alas nuwebe na rin ng nagdesisyon akong bumalik sa room. Mas enjoy sana kung nandito sina papa at mama. O di kaya sina Aly at Alyx. Hays

Malapit na ako ng napansin kong nakabukas ang pintuan ng katabi nang aming room. Teka, bakit hinahayaan nilang nakabukas ang pintuan? Tsk. Baka may magnakaw sa loob nito e.

Lumapit ako rito at isasara sana ng may bigla akong marinig na maliit na ingay. Teka, may tao ba sa loob? Wala sa sariling naglakad ako papasok sa pintuan. Baka kasi nangangailangan yung nandito? Baka lang naman.

Madilim sa loob at tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag. Hinanap ko kung saan ang switch pero di ko ito mahanap. Pero teka, Jex ano ginagawa mo? Mali yan. Gusto mo lang tumulong pero di iyan tama. Pumasok ka sa isang room na di mo alam kung sino ang nag i-stay.

Nagdesisyon akong maglakad na palapit sa pintuan. Bahala na nga. Di ko naman kasalanan kung may mawala rito. Kasalanan nung nangdito dahil di niya nilock.

Pero bago ko pa man din tuluyang mahawakan ang pintuan ay may bigla ng humawak sa aking braso. Dahil sa gulat ay natulak ko ang pintuan dahilan upang sumara ito. Gusto kong itulak ang taong humawak sa aking braso pero nagulat ako ng marinig ang kanyang boses.

"I miss you."

Tutoring Mr. FUTURE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon