Chapter Twenty Six

163 5 0
                                    

Jezka's POV

"Ang Christmas party ay gaganapin sa friday next week then after Christmas vacation, ay exam na agad." Anunsyo ni Mrs. Vina. Agad na nawala ang ngiti sa labi ng aking mga ka-klase after marinig ang salitang exam. For me, ayos lang iyon. Kami lang naman ng kapatid ko ang magsasama this Christmas. Mas madami akong time upang mag review.

"I am giving the floor to Ms. Alyx. Kayo na mag decide kung anong gusto niyong gawin sa Christmas party ninyo." Huling tugon ni Mrs. Vina at naglakad na paalis.

"After ng saya, agad na bubungad sayo ang exam. Ano ba yan?" Naaasar na komento ni Faye. Di ko sila masisisi.

"So anong gusto niyong kakainin natin? Meryenda or lunch?" Pag uumpisa ni Alyx ng makapunta sa harapan.

"Teka, ilang oras ba tayo? Hanggang hapon?" Tanong naman ni Thea.

"Sabi naman ni Mrs. Vina, depende raw sa atin." Sagot naman ni Alyx.

Pinag usapan namin ang lahat ng ihahanda sa Christmas party. Di na ako ganon ka excited kasi ilang beses ko na itong naranasan kasama sila. May gift giving din na magaganap. Syempre di rin mawawala ang mga games.

**

"Nakabili ka na ng gift mo?" Bungad na tanong ni Edrian. Naupo ito sa aking tabi at sinabayan ako sa panonood ng mga naglalaro ng soccer.

"Di pa. Di ko pa nga alam kung anong bibilhin."

"Then tara."

"Saan?"

"Bibili tayo. My treat. Di ko rin alam kung anong bibilhin kaya tulungan tayo Je."

Bago pa man din ako makasagot ay hinila na niya ako. Di ko alam kung saan kami bibili at tsaka teka, wala akong dalang pera!

"Hey, teka wala akong dalang pera-"

"Kaya nga sinabi kong treat di ba?"

I roll my eyes on him at sumakay na sa pinara nitong taxi. Yeah right. Treat nga niya.

**

"Teka ang dami mo naman atang in-order? Kakainin mo lahat yan?" Nagtatakang tanong ni Edrian. Nandito kami ngayon sa isang fast food. Katatapos lang naming mamili ng mga gifts. Sinabi niyang 'treat' kaya sinulit ko na. Bahala siya diyan.

"Yeah. Kakainin ko. May problema ka do'n?" Pataray kong tanong.

"Siguraduhin mong kakainin mo lahat yan-"

Agad na natigil sa pagsasalita si Edrian ng may narinig kaming tumawag sa pangalan niya sa hindi kalayuan. Hinanap namin kung saan iyon nanggaling at bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Thea, kasama si Brix.

Naaasar ako! Lagi na lang sila ang magkasama! After ng pag uusap namin ni Brix sa cafeteria, di na ulit kami nagpansinan. I hate him but damn, I can't deny the fact that I miss his presence.

"Oh? Di niyo sinabing may namamagitan pala sa inyo? Ehem." Tugon ni Thea ng makalapit ito.

"Uh- we're not-" Di ko na natuloy ang aking sasabihin dahil biglang sumabat si Edrian.

"Di ba dapat kayo ang tanungin namin? May namamagitan ba sa inyo?" Malumanay na tanong ni Edrian. Yeah, nice question Ed.

"It's none of your business. Thea, tara na." Si Brix ang sumagot at pilit hinihila ang kamay ni Thea.

"Wait wait. Even though I want him to love me, I think he's already committed with someone." Agad na sagot ni Thea. Committed na si Brix? Ha? Kanino? Napalunok ako dahil sa aking narinig.

"Then that girl is?" Nagtatakang tanong ni Ed.

"Thea common. I'm hungry." Sabat muli ni Brix at umalis na.

"He's still committed with his ex." Natatawang sagot ni Thea at naglakad na rin paalis.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Edrian. Damn, nawalan na ako ng gana. Brix is still in love with her? He's still inlove with his ex? Yung ex niyang namatay?

"I think we should go." Tugon ko at tumayo na. Nagsimula na akong maglakad paalis pagkatapos bitbitin ang ilang binili namin.

"Teka, ang dami nitong in-order mo. Sayang." Rinig kong sigaw ni Edrian. Oh sorry my bestfriend.

"Ate paki take out na lang." Rinig ko pang sambit ni Ed sa isang waitress.

I think I'm not myself anymore. I keep on thinking Brix.

What should I do?

Tutoring Mr. FUTURE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon