Jezka's POV
"I'm super duper excited!" Masayang sambit ni Aly. Nandito kami ngayon sa isang mall para mamili ng mga isususot sa nalalapit na SHS ball.
"Ano mas gusto niyo? Long gown or cocktail?" Tanong ni Alyx.
"Gusto ko long gown. Kaso-" Napatingin ako kay Aly ng sumabat ito.
"Nako Jex, wag mo sayangin ang pera mo. This is for you lang din. Tsaka, don't worry nasa likod mo lang kami." Nakangiting sambit nito at nagsimula na ring maghanap ng kanyang isusuot.
Hays. Ang mahal kasi ng mga long gowns na nakikita ko, puro isang libo. Pag iyon pinambili ko ng makakain, mabubusog pa ako sobra sobra.
"Jex! I think this suits you!" Napalingon agad ako kay Alyx ng magsalita ito. Bumungad sa akin ang isang color black na long gown.
"Yeah right. If I were you Jex, yan na kunin mo."
Agad kong tinignan ang presyo ng long gown na hawak ni Alyx.
"No. No. Di ko afford yan." Depensa ko.
**
"Don't worry Jex, graduation gift ko na yun sayo." Nakangiting tugon ni Alyx. Siya kasi nagbayad nung long gown na iniaabot niya sakin kanina. Hindi sa wala akong pambayad, it's just that ang mahal nun.
Nandito kami ngayon sa Mang Inasal at kumakain. Syempre treat na naman ulit nila. Kasalanan ko ba kasing wala akong pera. Sinabi kong ayokong sumama kanina kaso pinilit nila ako.
Halos lahat ata ng kaibigan ko mayaman. Si Edrian, business man ang kanyang ama. Si Aly naman, teacher ang kanyang ina at principal ang ama. At si Alyx, seaman ang ama.
"Hays. Thank you sa inyong dalawa. Kung wala kayo, paano na lang ako? Thank you talaga" Sincere kong sabi. Kung wala siguro sila baka kung ano ano na ang isusuot ko sa SHS ball, or baka di na rin ako a-attend.
"Wala yun." Sagot naman ni Alyx at pinagpatuloy ang kanyang kinakain.
"By the way, nag away ba kayo ni Brix?" Out of nowhere na tanong ni Aly. Agad akong napatigil sa aking kinakain at tumingin sa kanya.
"Ay oo nga. Napapansin ko, di na kayo nagpapansinan. Ilang araw na din." Dugtong naman ni Alyx.
After ng pag uusap namin sa cafeteria, di na talaga nasundan iyon. Pero mas mabuti na 'to, mas nalilinawan akong di talaga niya ako gusto. Atleast to, di na ako umaasa.
"Hindi kami nag away." Sagot ko.
"Eh bakit nga di kayo nagpapansinan?"
"Wala namang rason." Natatawa kong sagot.
"Oh common Jezka, sa amin ka pa ba magsisinungaling?" Umayos ng upo si Alyx at deretsong tumingin sa akin. Tumigil naman sa pagkain si Aly at itinuon ang atensyon sa akin. Yeah right, kahit naman magsinungaling ako, mahuhuli at mahuhuli parin nila ako.
"Fine. Nag usap kami sa cafeteria noon, di ko alam kung anong date yon. Di ko sinabing pa fall siya pero parang ganun na nga."
"What?" Natatawang tanong ni Alyx.
"Alam ko na kung bakit ka niya iniiwasan at di pinapansin. Nahihiya yon sayo." Komento naman ni Aly.
"Bakit naman siya mahihiya?"
"Kasi nga, pinafall ka niya. Then, he's sorry kasi di ka pala niya kayang saluhin." Dugtong naman ni Alyx.
"Aray ha?" Biro kong sambit kahit ang totoo, masakit. Gano'n rin ang naiisip ko pero ang hirap lang tanggapin. It really takes time.
"That's the truth." Seryoso namang sambit ni Aly.
Minsan talaga nagtataka na ako kung kaibigan ko mga 'to. Ang sasakit magsalita sa kaibigan nila e.
"May mahahanap ka pa namang iba soon." Natatawa pang dugtong ni Aly.
"Teka, si Edrian? Ayaw mo?" Suhestyon naman ni Alyx. Sasagot palang sana ako ng bigla na silang magsalita.
"Yeah, kaibigan mo lang yon."
Sabay na sagot ni Aly at Alyx. Ah yeah, nasanay na siguro silang ganun palagi ang sagot ko sa tuwing inaasar nila ako kay Edrian.
"Soon, makakahanap rin tayo." Nakangiting sambit ni Alyx.
Oo nga pala, single kaming lahat.
Di ba nila makita ang kagandahan naming tatlo? Mababait naman kami a? Tsaka may bonus pa, matalino! So bakit walang magkamali sa amin? Tss.
Joke lang. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Tutoring Mr. FUTURE CEO
Novela JuvenilIsang desisyon na hindi napag isipan. Isang pangyayari na hindi inaasahan. Nagpadala sa agos ng tubig, Di namalayang siya ay nahulog. PS: There are some typo's and grammatically error below.